CHAPTER TWENTY

13 0 0
                                    

🌷🌷🌷

KANINA PA nagtataka si Lorenzo kung bakit wala siyang natatanggap na tugon mula sa kanyang pinadalang mensahe sa kasintahan. Ashley supposed to text him back an hour ago but it's been three hours and no text or call from his love. Nasa opisina pa siya ng mga sandaling iyon. Ngayong nasa kanya na ang buong auturidad ng pamamahala ng kompanya ay mas naging abala pa siya. Nabawasan ang oras na kasama niya ang kasintahan pero na-iintindihan naman iyon ni Ashley. Nagpapasalamat siya at kagaya niya mag-isip ito. Pareho silang mulat sa tungkulin sa pamilya.

Muling sinipat ni Lorenzo ang kanyang mobile phone. Wala pa din mensahe mula kay Ashley. Nagpadala ulit siya ng mensahe dito. Sinubukan din niyang tawagan pero hindi nito sinasagot. Gaano ba kaabala ito sa negosyo ng pamilya para hindi siya magawang tawagan o padalhan man lang ng mensahe. Tiningnan ni Lorenzo ang oras. It's nine o'clock in the evening.

Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo sa swivel chair. It's enough for today. Bukas naman niya tatapusin ang iba pa niyang gagawin. Wala na ang kanyang sekretarya ng lumabas siya. Masyado ng late kaya alam niyang wala ng nagtatrabaho ng ganoong oras. Malapit na siya sa kanyang kotse ng tumunog ang phone niya. Nagtagpo ang kilay niya ng makitang numero lang iyon. Hindi niya sana papansinin ng magpadala ulit ng mensahe ang hindi kilalang numero.

'Come to Metrix Night out Bar. Ashley Cortez is with me.'

Binundol ng kaba ang puso niya. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala sa kanya ng mensahe. Maaring isa sa pinsan nito pero malabo siyang padalhan ng ganoong mensahe. At saka, nasa isang bar ang kasintahan. Anong ginagawa nito sa ganoong lugar at sa ganoong oras?

Mabilis niyang nilisan ang kanyang opisina at nagmaneho papunta sa bar. Abo't-abot ang kaba niya para sa minamahal. Nakarating siya ng bar ng walang aberya. Wala na din kasing traffic dahil anong oras na. Pagkapasok niya ay agad niyang hinanap si Ashley. Nakita niya ito sa isang mesa. May lalaking naka-upo sa tapat nito at nakamasid lang. Nakasandal ang kasintahan sa upuan at halatang lasing na lasing. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa mga ito.

"Ashley..." Hinawakan niya ang balikat ng kasintahan.

Binalot ang puso niya ng pag-alala. Ipinantay niya ang sarili dito at umupo. Hinawakan niya ang ulo ng kasintahan at tiningnan kung may sugat o kahit ano sa katawan nito. Wala naman siyang napansin kaya hinarap niya ang lalaking katapat.

"Ikaw ang nagpadala ng mensahe?" tanong niya.

"Yes. I'm Leo Yn Gonzalez. Ako ang inatasan ni Madam Ivy na bantayan si Ms. Ashley," sagot ng lalaki.

"Body guard ka niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo pero sa malayo lang ako nakamasid. Hindi ako pwedeng lumapit o makita niya."

"Pero ngayon..."

"I need to come near to her. Maari siyan matipuhan ng mga lalaki dito. It's my duty to protect her. May tamang oras at lugar para sa malayo ako magbantay." Pormal nitong sabi.

"Kung tauhan ka ni Ms. Ivy. Bakit ako ang tinawagan mo? Bakit hindi si Cole o Alex?" Nagtataka niyang tanong dito.

Tumayo ang lalaki. "Alam kong ikaw ang kailangan ng subject ko. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Iniwan na sila nito. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Lumapit ito sa bar area na hindi kalayuan sa kanila at doon umupo. Alam niyang hindi ito aalis at susundan pa rin sila ni Ashley. Huminga siya ng malalim. Ngayon ay sigurado siyang alam ni Mrs. Saavadra ang tungkol sa relasyon nila ni Ashley. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot pero ayon naman kay Ashley ay mabait ang matandang babae.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now