CHAPTER SEVEN

4 0 0
                                    

🌷🌷🌷

NAPATAAS NG TINGIN si Ashley ng may naglagay ng sombrero sa kanya. Isang matamis na ngti agad ang sumilay sa labi niya ng makita ang lalaking nakatayo sa tabi niya. Gumanti naman ng ngiti ang lalaki at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi lang din naman niya.

"Bakit hindi ka nagdala ng sombrero?" tanong ng binata.

"Nakalimutan ko, Knight." Inayos niya ang isinuot nitong sombrero.

Nasa isang tent sila. Katatapos lang nilang magbigay ng relief foods at nagpapahinga na lang sila ng mga sandaling iyon. Alex is talking to some people. Mukhang mga kilala din sa lipunan ang mga ito at isa sa mga ito si Shilo Wang. Kinuha niya isang mineral water at ininum iyon.

"Buti at sumama ka kay Alex sa ganitong klaseng event ng kompanya." Kumuha din si Knight ng mineral water.

"Why not? Ikaw nga itong ikinagulat ko na nandito. You are not yet part of the company but you are here." Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.

Ngumiti si Knight. "Well, magtatapos na ako next year at gusto ni Tatay na ako ang pumalit sa kanya bilang sekretarya ni Sir Cole. Na-isip ko na magandang simula ang ganito."

Natigilan si Ashley sa sagot nito. "Tatanggapin mo ang alok na trabaho sa iyo ng pinsan ko?"

Tumungo si Knight. "I think, it will be a good idea. Pinagkakatiwalan na ng mga Saavadra ang pamilya namin. Mas mabuting sa amin ulit manggaling ang magiging sekretarya nila kapag nag-retired si Tatay. At saka, hindi na din naman ako iba kay Cole. We are going to be a good partner."

Hindi nagsalita si Ashley. Tumawa ng mahina si Knight bago uminum ulit ng tubig sa mineral water. Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaibigan. Huminga siya ng malalim at lumapit dito. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki na siyang ikinatingin nito.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Di ba, gusto mong mag-aral ulit para maging lawyer?" May pag-aalalang tanong niya.

Noong makilala niya ang pinsan ay sabay din niyang nakilala si Knight. Agad nila itong naging kaibigan kaya hindi na ito na-iiba sa kanila. Maliban pa doon ay iisang school lang din sila. Knight is there always for her. Naging malapit niyang kaibigan ito at ganoon din ito sa kanya. They talk about their plan and dreams. Kaya alam niya kung anong gusto nito sa buhay.

"Ash, hindi naman lahat ng nais natin ay makukuha agad natin. Being a lawyer is not for me. At saka, kailangan ako ng pinsan mo. Hindi siya basta-basta nagtitiwala kahit kanino kaya alam ko na ako ang kailangan niya kapag umalis na si Tatay bilang sekretarya niya." Paliwanag ni Knight. Naramdaman niyang pinisil nito ang kanyang kamay.

"Pero paano ang pangarap mo?"

"I already talk to Tatay. Pagkatapos kong mag-aral ay papasok ako bilang assistant ni Sir Cole habang nag-aaral ng political science."

"Mahirap iyon. Hindi ba at dalawang taon na lang at magreretiro na si Tito Night. Kung ganoon ay la---"

"Mag-aaral ako ng Law for two years. Iyong mga unit lang siguro na may kinalaman sa negosyo. Hindi naman ako kukuha ng Bar exam. Kaya nga ang kinuha kong kurso ay Economics, di ba? Iyon naman talaga ng plano ko." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Ashley feels disappointed but she can't let it out anymore. It's seems like Knight already decided. Nakaplano na ang buhay nito. Talagang nais nitong tulungan ang pinsan niya.

"You really treasure my cousin?"

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Knight. "Cole is so precious person to me, Ashley. He is like a little brother to me. At saka, si Cole lang ang tanging taong nagparamdam sa akin na walang mali sa pagkatao ko. Alam mo naman kung saan ako nanggaling. Alam mo kung anong pagkatao meron ako, Ashley. Kung hindi ako nakita noon ni Cole at tinulungan si Tatay na ampunin ako ay baka nasa lansangan pa rin ako at walang direksyon sa buhay. Kung saanman ako ngayon ay utang ko iyon sa kanya. Utang ko sa pamilya Saavadra."

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now