Masayang namumumuhay sa ilalim ng karagatan si Selina na isang prinsesa ngunit nagbago 'yon nang may nangyaring masama sa kanyang amang hari kung saan nanganib ang kanyang buhay at kinailangan niyang umalis sa mundo na kinalakihan niya. Napunta siya sa mundo ng mga tao sa tulong ng binatang si Dave na nakilala nilang dalawa ng matalik niyang kaibigan na si Ayla. Ano kaya ang naghihintay kay Selina sa mundong hindi niya kinalakihan na bago sa kanya? Makabalik pa ba siya sa mundo niya? Maging maayos pa kaya ang lahat? Paano kung hindi na?