Chapter 1

373 9 3
                                    

MASAYANG namumuhay si prinsesa Selina sa kaharian ng kanyang amang hari na si haring Slandino. Siya ay mabait, matulungin, masipag, at higit sa lahat ay ubod ng ganda. Sa taglay niyang katangian na kinalulugudan ng mga kapwa niya nilalang sa ilalim ng karagatan ay maraming humahanga sa kanya at lalo na ang mga sireno na talaga naman na siya ang pinapangarap na mapangasawa.

Ngunit sa kabila nang paghanga sa kanya ng mga nilalang na kagaya niya dahil sa katangian niyang kaaaya-aya ay hindi maiwasan ang may mainggit, magalit, at inis sa kanya. Ilan na sa mga 'yon ay ang masungit at malupit niyang madrasta na nagngangalang si Maribetha at ang dalawa nitong anak na mga babae na sina Ludita at Damila na hindi kayang tumbasan ang kanyang katangian at taglay na kagandahan. Palaging mainit ang dugo nito sa kanya.

Kapag may pinupuntahan ang amang hari ni Selina para dalawin nito ang iba pang sakop ng kanilang kaharian ay saka lang siya nagagawang awayin at pagalitan ng kanyang madrasta. Ginagawa pa nga siya nito bilang isang katulong at dahil sa mabait ang prinsesa na si Selina ay sinusunod niya 'yon kahit alam niyang hindi naman niya responsibilidad na gawin 'yon. Kapag nand'yan naman ang kanyang amang hari ay nagpapanggap ang mag-iina na mababait sa prinsesa kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

Isang hapon ay niyaya si prinsesa Selina ng kanyang matalik na kaibigan na si Ayla na mamasyal. Tamang-tama ay wala naman siyang ginagawa sa loob ng kaharian kaya pumpayag na lang siya. Gustong-gusto rin naman ni Selina ang mamasyal kasama ang kanyang kaibigan na si Ayla para malibang-libang naman siya.

"Saan ba tayo mamasyal ngayong hapon na 'to, huh?" tanong ni Selina sa kanyang kaibigan na si Ayla pagkalabas nila sa loob ng kanilang kaharian.

Ngumiti muna si Ayla bago sumagot sa mahal na prinsesa na si Selina na kaibigan nga niya.

"Pupunta tayo doon sa lugar kung saan malapit sa mundo ng mga tao. 'Di ba doon ang isa sa mga paborito mong pinupuntahan?" nakangising sagot ni Ayla kay Selina.

"Oo. Pero delikado na pumunta pa tayo doon," sabi ni Selina sa kanyang kaibigan.

"Mag-iingat naman tayo doon, eh. Ayaw mo na ba na pumunta doon?" tanong ni Ayla sa mahal na prinsesa.

"Hindi naman sa ayaw ko. Gusto ko nga na pumunta doon, eh. Pero huwag tayong magtatagal doon baka magalit ang aking amang hari sa atin kapag nalaman niya na nagpunta naman tayo sa lugar na 'yon. Alam mo naman na ipinagbabawal sa ating mga sirena ang pagpunta sa lugar na 'yon malapit sa mundo ng mga tao," sabi ni Selina kay Ayla na nakangising nakaharap sa kanya.

"Huwag kang mag-alala dahil alam ko naman 'yon mahal na prinsesa. Mag-iingat tayo doon. Tara na ba?"

"O, sige. Tayo na at umalis patungo sa lugar na 'yon. Ako'y nananabik makita muli ang lugar na 'yon kung saan makikita natin ang bughaw na langit at mga ibon na malayang lumilipad," nakangising sagot ni Selina sa kanyang kaibigan na si Ayla.

Mabilis na umalis ang dalawang matalik na magkaibigan patungo sa lugar na pupuntahan nila. Akala nila ay walang nakakita sa kanila ngunit mayroon pala at walang iba kundi ang dalawang anak ni Maribeta na sina Damila at Ludita.

"Saan kaya silang dalawa pupunta?" tanong ni Damila sa nakakatandang kapatid niya na si Ludita na nakanguso.

"Ewan ko ba kung saan talaga silang dalawa pupunta. Baka pupunta naman sila sa lugar na pinupuntahan nila kung saan pinagbabawal na puntahan natin na mga sirena," nakangusong sagot ni Ludita sa kapatid niya.

Selina (Season One)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin