Chapter 34

15 1 0
                                    

"KAMI po'y naglakbay nang napakalayo upang marating ang lugar na 'to dahil kailangan po namin na makuha mula sa inyo ang mapa ng mga nawawalang bagay. Kailangan po namin 'yon upang malaman namin kung saan namin maaaring mahanap ang dalawang perlas na nandito po sa ilalim ng karagatan. Hindi po dapat na mapasakamay ni Maribeta ang dalawang perlas na 'yon kaya kailangan namin siya na maunahan na makuha 'yon. Hawak na niya ang ginto at itim na perlas. Hindi po kami papayag na mapasakamay pa niya ang puti at asul na perlas na 'yon. Malalagay ang lahat sa panganib kapag nakuha niya ang lahat ng mga perlas. Magiging makapangyarihan siya sa lahat. Marami siyang hindi magagandang mga plano kaya hindi puwede na mapasakamay ang mga ito sa kanya. Gagamitin niya ang kapangyarihan ng mga perlas sa kasamaan," paliwanag ni Selina sa dalawang magkapatid na pugita na marahan na tumango-tango.

"Ibig n'yong sabihin ay 'yon ang rason kung bakit kayong dalawa naparito para makuha sa amin ang mapa ng mga nawawalang bagay?" sagot ni Sora sa mahal na prinsesa Selina.

"Opo. Iyon nga po ang rason kaya kami pumunta dito sa lugar n'yo. Kahit po ay napakalayo ay naglakbay kami ng pitong araw para makuha ang mapa ng mga nawawalang bagay sa inyo. Sana po ay maibigay n'yo po ito sa amin dahil kailangan na kailangan po namin ito. Hindi naman po namin gagamitin sa kasamaan ang mapa ng mga nawawalang bagay dahil hindi naman po kasamaan ang ginagawa namin. Kung may hihingiin kayo na kapalit ng mapa ng mga nawawalang bagay ay may ibibigay po kami sa inyo," sabi pa ni Selina at dahan-dahan na inilabas ang singsing.

Namilog ang mga mata nila nang makita nila ang singsing na hawak ni Selina. Matagal na nila 'yon na hinahanap ngunit hindi nila aakalain na makikita muli nila 'yon.

"Ang singsing! Hawak ng mahal na prinsesa Selina ang singsing!" bulalas ni Rora na may halong tuwa sa kanilang nasisilayan sa harap nga nila. Iniangat ni Selina ang singsing na biglang lumikha ng isang nakakasilaw na liwanag.

"Ito po ang ibibigay namin na kapalit sa mapa ng mga nawawalang bagay. Sana po ay tanggapin n'yo ang kapalit na 'to," sabi ni Selina sa kanila. Nagkatinginan sina Rora, Sora at Dorya pagkasabi ni Selina.

Tuwang-tuwa sila dahil maibabalik na ang singsing na 'yon sa kanila na matagal na nilang hinahanap dahil sa nawawala nga ito. Hindi nila alam na ninakaw ito ng ama ni Genina sa pag-aakalang makakagamot 'yon ng may sakit. Nakakagaling naman talaga ang singsing na 'yon ngunit walang nakakaalam kung paano gagamitin 'yon. Tanging ang mga pugita lamang ang nakakaalam kung paano gamitin 'yon.

"Saan n'yo nakuha ang singsing na 'yan mahal na prinsesa? Bakit nasa inyo ang singsing na 'yan? Matagal na namin na hinahanap ang singsing na'yan. Akala namin ay nawala na nang tuluyan ang singsing na 'yan," nagtatakang tanong ni Rora kay Selina.

Bago sumagot si Selina ay nagkatinginan muna sila ng kaibigan niya na si Ayla. Kung ano ang sinasabi sa kanila ni Genina ay 'yon ang sasabihin nila sa mga pugita na kaharap nila. Hindi nila puwede na sabihin na ninakaw 'yon dahil baka hindi sa kanila ibigay ang mapa ng mga nawawalang bagay.

"Ito po'y napulot namin ng aking kaibigan na si Ayla. Mukhang napakaimportante po ng singsing na 'to sa inyo. Maaari po ba naming malaman sa inyo kung bakit napakaimportante nito sa inyo? Kitang-kita po namin sa mukha n'yo ang tuwa pagkakita ng singsing na 'to," wika ni Selina sa kanila.

"Ganoon ba? Napulot n'yo ang singsing na 'to?" pangungumpirma pa ni Rora.

"Opo."

"Kung ganoon nga ay maraming salamat sa inyong dalawa na napulot n'yo ang singsing na 'to. Alam n'yo ba na napakaimportante ng singsing na 'to sa aming mga pugita at sa buong lahi namin. Matagal na namin itong hinahanap ngunit ngayon ay hindi namin inaasahan na kayo pala ang magdadala nito sa amin. Maraming, maraming salamat sa inyong dalawa! Dahil d'yan ay ibigay namin sa inyo ang sadya n'yo sa amin. Ibibigay namin ang mapa ng mga nawawalang bagay na walang kahirap-hirap. Mahirap makuha sa amin ang mapa ng mga nawawalang bagay kahit na may kapalit na ibibigay kayo ngunit dahil sa pagsauli n'yo ng singsing na 'to ay hindi na namin kayo pahihirapan pa," wika ni Rora sa dalawang magkaibigan na sina Selina at Ayla.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now