Chapter 28

17 1 0
                                    

"KILALA mo na po ba si Maribeta noon kahit hindi pa siya napapangasawa ni Haring Slandino?" tanong ni Ayla sa kanyang tiyahin na si Genina.

Ilang minuto muna ang lumipas bago ito nagsalita sa kanilang dalawa na magkaibigan. Nagpakawala muna si Genina nang malalim na buntong-hininga at sumagot sa tanong na 'yon sa kanya.

"Kilala ko si Maribeta. Isa siyang mangkukulam. Bago pa siya maging asawa ng ating mahal na haring Slandino ay mangkukulam na siya ngunit itinigil niya ito sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro ay dahil sa asawa na siya ng ating hari noon pero hindi naman nawala sa kanya ang pagiging isang masamang mangkukulam niya dahil sa ginagawa niya ngayon. Kung nagbago na nga siya ay hindi niya na gagawin ang masamang plano niya ngayon. Hindi niya ipapatay ang ating hari," paliwanag ni Genina sa dalawa.

Tumango naman sina Selina at Ayla sa sinabi sa kanila ni Genina. Tama naman ang sinasabi nito sa kanila at naniniwala sila.

"Ngayon po ay kasama na niya si Caritta na kagaya rin niya po mangkukulam. Si Caritta ang pinakakakilalang masamang mangkukulam dito sa ilalim ng karagatan, 'di ba?" Wika pa ni Ayla kay Genina na mariing tumango pagkasabi niya.

"Hindi 'yon imposible na hindi mangyari dahil matalik na magkaibigan silang dalawa kahit noong mga bata pa lang sila.  Matalik silang magkaibigan na dalawa at 'yon ang totoo. Isa rin akong mangkukulam ngunit hindi ko ginagamit ang aking kakahayaan at kapangyarihan sa mga bagay na wala naman katuturan at hindi maganda lalo na kung hindi rin maganda ang ginagawa. Si Caritta ay isa sa mga kaaway ko na mangkukulam dito sa ilalim ng karagatan. Matagal na kaming magkagalit na dalawa. Alam niya 'yon at alam ko rin naman 'yon. Maraming mga mangkukulam dito sa ilalim ng karagatan. Hindi nangangahulugan na mangkukulam ay masasama na. Hindi ganoon 'yon. May mga mangkukulam rin na mabubuti na ginagamit ang kanilang kapangyarihan at kakayahan sa mabuting bagay. Kung may masama ay may mabuti rin ngunit kung ako ay inyong tatanungin kung ano ba ako, mabait o masama, ang sagot ko ay depende sa sitwasyon. Kaya kung maging masama at kaya ko rin na maging mabait. Depende 'yon sa nararapat ko na gawin na alam ko na hindi makakapahamak ng ibang nilalang dito sa ilalim ng karagatan pero dahil sa inyong dalawa na nakikita ko ang pagmamahal para sa ating mundo dito sa ilalim ng karagatan at tapang na ipaglaban ang tama ay magiging mabait ako. Tutulungan ko kayo sa inyong laban. Nasa atin ang pagpapasya palagi kung ano ang pipiliin natin. Palagi tayong may pagpipiliin at hindi 'yon puwede na mawala," sagot ni Genina sa dalawang magkaibigan na nagkatingin sa isa't isa.

"Ibig sabihin po ay masama ka po kaya pinipili mo na maging mabait ngayon ay dahil sa aming dalawa ng kaibigan ko na si Ayla?" tanong ni Selina kay Genina na hindi maiintindihan ang sinasabi nito. Gusto lang niya na maging klaro sa kanyang naririnig mula sa kanya.

"Hindi ko masasabi na ako'y isang masamang mangkukulam mahal na prinsesa dahil hindi naman ako gumawa ng mali dito sa ilalim ng karagatan. Pinagtatanggol ko lang naman ang nararapat na ipagtanggol na alam ko na maraming mapapahamak kapag hindi ko ginawa. Kagaya ng kaso n'yo, hindi ko naman alam ang inyong tunay na intensiyon kaya ko nagawang isumpa kayo dahil sa inaakala ko na may masama kayong binabalak ni Genina. Pero ngayon ay nalaman ko na ang lahat at dahilan kaya n'yo 'yon nagawa. Malinaw na sa akin ang lahat," paliwanag muli ni Genina kay Selina at maging kay Ayla na nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

"Ibig mo pong sabihin ay mabait ka naman po talaga," nakangising sabi ni Selina. Umismid lang si Genina at seryoso pa rin ang mukha na hindi mo malaman kung nagsasabi ba ng totoo o hindi pero ganoon naman talaga ang kanyang hitsura na akala mo'y hindi nagsasabi ng totoo pero lahat ng mga maririnig mo sa kanyang bibig ay totoo.

"Kagaya na nga ng sinabi ko kanina na kaya kung maging masama at kaya ko rin na maging mabait. Depende sa nararapat ko na gawin na alam ko na walang mapapahamak na nilalang dito sa ilalim ng karagatan," sabi ni Genina sa kanilang dalawa. "Ano bang klaseng tulong ang nais n'yo sa akin, ha? Paano ko naman kayong dalawa matutulungan sa nais n'yo? Maaari n'yo bang sabihin sa akin upang malaman ko kung saan ko itutuon ang aking atensiyon upang matulungan ko kayong dalawa?"

Selina (Season One)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora