Chapter 18

23 1 1
                                    

DOON na sa farm inabot sina Selina at Dave ng hapon. Tuwang-tuwa silang dalawa lalo na si Selina na nagikot-ikot sa napakalawak na farm na pagmamay-ari ng pamilya ni Dave. Pinakilala rin ni Dave si Selina sa mga nag-aalaga ng kanilang farm doon. Napagkamalan pa nga ang mahal na prinsesa na nobya ng binata na si Dave. Mabilis naman na itinanggi 'yon ng dalawa at sinabi na magkaibigan lang naman sila.

Inabot sila ng malakas na ulan habang nasa biyahe sila pauwi sa bahay ng binata. Hindi namalayan ni Selina na nakatulog pala siya sa loob ng sasakyan ni Dave habang nagmamaneho ito pauwi. Ginising lang siya ng binata nang nasa garahe na sila ng bahay nito. Umuulan pa rin naman sa labas ngunit hindi na 'yon gaano kalakas tulad kanina. Alas sais y medya na rin nang gabi.

Dumiretso na muna silang dalawa sa kani-kanilang kuwarto upang magbihis ng damit na pambahay. Naghahanda na rin sa baba ang kanilang mga katulong ng magiging hapunan nila. Nang makapaghanda na nga ang mga ito ay bumaba na silang lahat para kumain. Wala doon ang ama ni Dave na si Albert.

"Mamaya pa uuwi ang papa n'yo. May pinuntahan pa siya kaya hindi siya makakasama sa atin ngayon na kumain ng hapunan," anunsiyo ng ina ni Dave na si Lorna sa kanilang lahat.

Napakatahimik nilang lahat. Nagkaroon lang ng kaunting ingay nang magsalita si Lorna sa kanila. Hindi pa rin naman nagkakaayos ang tatlo na magkakapatid.

"Talaga po ba? Saan raw po siya pupunta?" tanong ni Dave sa kanyang ina.

"Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Wala naman siyang sinabi sa akin kung saan kanina basta ang sabi niya lang ay hindi raw siya makakasama sa hapunan natin kaya 'wag na raw natin siyang hintayin pa. Wala talaga siyang sinabi sa akin kung saan siya pupunta," paliwanag na sagot ng ina ni Dave na si Lorna sa kanyang anak.

Hindi alam nilang lahat maliban kay Selina na pumunta sa kabit nito si Albert ngayon na ang pangalan ay Aubrey na isang kilalang model at ito ngayo'y nagdadalang tao.

"Ah, okay po. Kumain na tayo," sabi ni Dave sa ina ngunit pinigilan muna siya nito na kumain.

"Wait lang. Bago tayo magsimulang kumain baka nakakalimutan n'yo na ang magdasal kaya bago tayo kumain magdasal muna tayo at magpasalamat sa hapunan na binigay niya sa atin na pagsasaluhan nating lahat," paalalang sabi ni Lorna sa kanilang lahat.

Nagdasal muna silang lahat bago kumain ng hapunan. Ipinikit nila ang kanilang mga mata. Ginawa rin 'yon ni Selina na natututo na sa gawain dito sa mundo ng mga tao.

"Nagkabati na ba kayong tatlo ng mga kapatid mo?" tanong ni Lorna sa anak niya na si Diana sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ng hapunan.

Napaubo tuloy si Diana sa tanong sa kanya ng ina niya kung nagkabati na nga silang tatlo na magkakapatid. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot sa kanyang ina sa tanong nga nito.

"Hindi pa po," mahinang sagot ni Diana sa kanyang ina.

Nagkatinginan naman sina Daniel at Martin pagkasabi ni Diana sa kanilang ina na hindi pa silang tatlo nagkakaayos. Masama pa rin ang loob ni Daniel sa kapatid na si Diana sa pagsiwalat nito ng kanyang sikreto.

"Bakit hindi pa?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Lorna kay Diana na nakanguso. Walang naisagot si Diana sa kanyang ina.

"Bakit hindi pa kayo nagkakaayos, ha? Patatagalin n'yo ba 'tong away n'yo dahil lang sa napakasimpleng bagay na 'yon, ha? Sa tingin n'yo ba tama na magaway-away kayo, ha? Wala akong kinakampihan sa inyo dahil lahat kayo ay may kasalanan," sermon ulit ni Lorna sa kanyang mga anak na nakayuko pararehas.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now