Chapter 27

17 1 0
                                    

MARAMING pinag-usapan sina Selina at Ayla habang nasa loob ng bahay ni Genina na kapatid ng ina ni Ayla. Habang nag-uusap sila ay naalala ni Selina si Genina na ngayon ay nakakulong pa rin sa kulungan nito. Hindi pa rin nawawala ang sumpa rito. Isang malaking isda pa rin ito.

"'Di ba isang mangkukulam ang kapatid ng iyong mahal na ina?" tanong ni Selina sa kanyang kaibigan na si Ayla na nakaawang ang mga labi. Mabilis naman na tumango si Ayla sa mahal na prinsesa na si Selina.

"Oo. Bakit mo titanong, ha?" sagot ni Ayla sa kanya. Bumuntong-hininga muna ang mahal na prinsesa bago muling nagsalita kay Ayla.

"Naisip ko na baka matulungan niya tayo..." wika ni Selina kay Ayla na kaibigan niya. Namilog ang mga mata nito.

"A-ano? Matulungan niya tayo?" hindi makapaniwala na sagot ni Ayla kay Selina. Tumango naman si Selina sa kanya.

"Oo."

"Hindi niya tayo matulungan mahal na prinsesa. Hindi niya 'yon gagawin basta-basta na tumulong na walang hinihingi na kapalit. Sinabi ko na sa 'yo 'yon, 'di ba? At isa pa ay hindi siya makakatulong sa atin dahil hindi pa siya nakakabalik sa dati niyang anyo. Isa pa rin siyang malaking isda at hindi natin alam kung paano siya makakawala sa sumpa na 'yon. Imposible na mangyari ang iniisip mo mahal na prinsesa. 'Wag ka sanang magalit sa sinabi ko sa 'yo," paliwanag ni Ayla kay Selina.

"Naiintindihan ko naman ikaw, Ayla. Pero sa sitwasyon natin ngayon ay kailangan natin ng isang nilalang na marami nang alam sa mga bagay-bagay na nandito sa ilalim ng karagatan. Isa sa mga nakikita ko ay ang 'yong tiyahin na si Genina. Alam ko na marami na siyang nalalaman sa lahat. Susubukan lang naman natin na humingi ng tulong sa kanya at kung hindi ay wala naman na problema. Kailangan natin ng isang kakampi na tutulong sa atin kahit papaano sa mga bagay-bagay na hindi natin kabisado. Hindi tayo dapat magpadalos-dalos sa ating mga gagawin lalo na ngayon na unti-unting dumarami na ang ating mga kalaban. Susubukan lang naman natin, eh. Wala namang masama doon," paliwanag na sagot ni Selina kay Ayla na kaibigan niya.

"Ano ang ibig mong sabihin at gawin, ha?" seryosong tanong ni Ayla sa mahal na prinsesa. Muling bumuntong-hininga si Selina bago sumagot sa kaibigan niya.

"Kailangan natin na tulungan na makawala si Genina sa sumpa na 'yon na siya mismo ang gumawa. Kailangan niya na makabalik sa dati niyang anyo at kapag nagawa 'yon natin ay saka tayo hihingi ng tulong sa kanya. Alam ko na mahirap. May pagdududa ka sa 'yong puso pero hindi naman masama na subukan, 'di ba? Paano natin masusubukan ang isang bagay kung inuuna kaagad natin ang ating mga pagdududa? Sana ay naiintindihan mo ang sinasabi ko sa 'yo," sagot ni Selina kay Ayla.

"Naiintindihan naman kita sa sinasabi mo mahal na prinsesa. Ang problema nga lang ay kung paano natin maibabalik siya sa dati niyang anyo. Kailangan natin na tulungan siya na makawala sa sumpa na 'yon," nakangiwing sagot ni Ayla.

"Bago ko sagutin ang sinabi mo na 'yon ay gusto ko muna na tanungin ka kung pumpayag ka sa gusto ko na mangyari na humingi ng tulong kay Genina kapag napakawalan na natin siya sa sumpa na 'yon. Pumapayag ka ba sa akin? Iyon lang ang nais ko na marinig sa 'yo para magkaintindihan tayong dalawa sa nais natin na mangyari," sagot ni Selina sa kanyang kaibigan.

"Oo. Pumapayag na ako sa nais mo na mangyari. Susubukan natin na dalawa. Sabi mo nga ay wala namang problema, kaya ay susubukan natin," sagot ni Ayla na mabilis naman na pumayag sa nais ng kaibigan niya na si Selina.

"Salamat sa pagpayag mo sa akin. Ngayon ay sasagutin ko na ang sinabi mo sa akin. 'Di ba may mga orasyon na ginagamit ang isang mangkukulam para sa isang sumpa?" wika ni Selina kay Ayla.

"Oo. May orasyon sila mahal na prinsesa. Bakit? Ano ba ang nandoon, ha?" sagot naman ni Ayla.

"Kung may orasyon sila sa isang sumpa ay may orasyon rin kung paano 'yon mawawala. Sa sitwasyon ng 'yong tiyahin na si Genina ay makakawala lamang siya 'pag nalaman natin ang orasyon na 'yon para mawala ang sumpa na bumabalot sa kanya hanggang ngayon. Mula sa sumpang pagiging isang malaking isda ay makakabalik siya sa dati niyang anyo kapag nalaman natin ang orasyon na 'yon para makabalik siya sa dati. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa 'yo?" Wika ni Selina sa kanyang kaibigan na si Ayla.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now