Chapter 3

92 6 0
                                    

BUMUNGAD kay Selina ang kanyang amang hari na nakahandusay sa malamig na sahig na naliligo sa sarili nitong dugo. Malapit nang malagutan ng hininga ang kanyang amang hari kaya hindi na niya malaman ang kanyang gagawin. Sa takot at kaba na nararamdaman niya at wala na siyang ibang maisip kundi ang sumigaw para humingi ng tulong.

"Tulong! Mga kawal! Tulungan n'yo po kami! Kailangan namin ng tulong niyoooo! Pakiusap naman poooooo! Pakinggan n'yo po kami. Tulong!" malakas na sigaw ni Selina ngunit walang dumarating para tulungan siya at ang kanyang amang hari na naghihingalo na.

''Sino po ang gumawa nito sa 'yo? Sino po ba? Huwag mo po akong iwan! Paano na po ako kung iiwan mo po ako? Paano na po ang ating buong kaharian?" humihikbing pakiusap ni Selina sa kanyang amang hari na malapit na ngang malagutan ng hininga. Awang-awa na siya para sa kanyang amang hari.

Tumingin sa kanya ang kanyang amang hari at nagawa pang magsalita kahit nalalapit na itong malagutan ng kanyang hininga. Nakapatong pa rin ang ulo nito kay Selina habang pilit na niyayakap siya nito na hindi na alam ang gagawin.

"I-I-I-Ikaw na ang ba-ba-baha-la sa buong kaka-ka-kaharian natin. 'Wag na 'wag mo pa-pa-pabayaan. I-Ingatan mo ang gi-gi-gin-tong pe-perlas..." wika ni Haring Slandino sa huling pagkakataon kahit nahihirapan na siya na magsalita.

Nang matapos niyang sabihin 'yon ay kaagad naman na niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nalagutan na siya nang tuluyan nang hininga. Si Haring Slandino ay wala na. Siya ay patay na.

Humagulhol nang napakalakas si Selina
nang malagutan na nga ng hininga ang kanyang amang hari. Sumigaw pa muli siya nang napakalakas para humingi ng tulong. Makaraan ang ilang minuto na pagsigaw niya nang napakalakas na halos mamaos na siya ay saka lang dumating ang kanyang madrasta kasama ang dalawa nitong anak at iilan na mga kawal ng palasyo.

Nagkunwari na nabigla ang madrasta ni Selina na si Maribeta at ang dalawa nitong anak sa nakita. Nagkunwari ang mga ito kahit ang totoo ay sila naman talaga ang may gawa kaya wala nang buhay si Haring Slandino.

"A-ano'ng nangyari sa aking mahal na asawa? Ba't ganyan na siya? Ano ang ginawa mo sa kanya? Ano ang ginawa mo sa 'yong amang hari? Ba't naliligo na siya sa kanyang sariling dugo?! Bakit?! Sagutin mo ako Selina!" sunod-sunod na tanong ni Maribeta kay Selina na kunwari ay galit sa kanya at walang alam sa nangyayari. Umaarte pa ito na wala siyang alam sa lahat. Siya lang naman ang may plano at may gawa. Siya ang nagpapapatay kay Haring Slandino.

Kaagad naman na iniangat ni Selina ang kanyang ulo para tumingin sa kanyang madrasta na galit na galit na nakatingin sa kanya. Pinunasan niya muna ang kanyang mga luha bago sumagot rito na nagsasabi ng totoo.

"Hindi ko po alam kung ano ang nangyari sa aking amang hari. Mahimbing po akong natutulog nang bigla na lang akong magising dahil sa rinig ko na ingay mula rito sa kanyang silid. Tumungo naman kaagad ako rito para tingnan kung bakit maingay sa kanyang silid na para bang may nagtatalo ngunit pagkapasok ko ay ganito na ang nakita ko. Nakahandusay na siya sa malamig na sahig at naliligo sa kanyang sariling dugo. Takot na takot ako pagkakita sa kanya na nakahandusay. Hindi ko alam ang gagawin ko ngunit huli na ang lahat dahil wala na ang aking amang hari. Wala na siya. Tuluyan na siyang namaalam," mahabang kuwento ni Selina sa kanyang madrasta at kahit sabihin pa niya ang totoo ay wala na siyang magagawa pa. Ang plano nila ay plano talaga nila.

Masamang tinapunan siya ng tingin kanyang madrasta na si Maribeta at malakas na sinigawan siya.

"Hindi! Hindi 'yan totoo! Pinatay mo ang 'yong amang hari! Ikaw ang pumatay sa kanya! Wala namang iba na makakapasok dito sa loob ng palasyo. Kayong dalawa lang naman ang magkalapit ang silid at imposible na may pumasok ritong iba para gawin 'yan! Nagsisinungaling ka, Selina! Pinatay mo ang 'yong amang hari dahil gusto mo na ikaw na mismo ang mamuno sa buong kaharian at hindi na ang 'yong amang hari! Pinatay mo siya! Pinatay mo ang 'yong sariling ama! Napakawalang hiya mo! Napakasama mo! Wala kang puso para gawin 'yan!" malakas na sigaw ni Maribeta kay Selina upang marinig ng ibang mga kawal ng palasyo na walang kaalam-alam sa pinagagawa niya.

Selina (Season One)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα