Chapter 5

58 5 0
                                    

NANATILI pa rin sa loob ng kuweba ang dalawang magkaibigan na sina Selina at Ayla. Tanging si Ayla lang ang lumalabas kapag kailangan nila ng makakain. Kaagad naman na bumabalik si Ayla sa kanilang pinagtataguan na kuweba ngunit sinisigurado muna niyang walang sumusunod sa kanya. Mahirap na kung masundan siya at mahuli silang dalawa ng mga kawal ng kaharian.

"Mabuti ay nakabalik ka kaagad," wika ni Selina sa kanyang matalik na kaibigan na si Ayla habang sila ay nagsasalu-salo sa pagkain na kinuha nito.

"Hindi naman kasi ako lumayo mahal na prinsesa mula dito sa pinagtataguan natin na kuweba. Mahirap na dahil baka may makakita sa akin at masundan ako," sagot naman ni Ayla sa mahal na prinsesa. Tumango-tango naman si Selina sa kanyang kaibigan.

"Salamat talaga sa lahat ng tulong mo sa akin. Hayaan mo masusuklian ko ang lahat ng ginawa mong tulong at kabutihan sa akin. Pinapangako ko 'yan sa 'yo, Ayla. Maraming salamat alamat talaga sa 'yo," pasalamat muli ng mahal na prinsesa na si Selina kay Ayla.

"Walang anuman 'yon mahal na prinsesa. Matalik mo akong kaibigan kaya ginagawa ko ang lahat ng 'to na tulungan ka. 'Wag ka nang mag-isip ng kung ano pa. Nandito ako para damayan at tulungan ka kahit anong oras pa 'yan. Palagi mong tatandaan na magkaibigan tayong dalawa kaya tayong dalawa ang magtutulungan at lalo na ngayon sa sitwasyon mo," tugon ni Ayla kay Selina na maluha-luha sa kanyang sinasabi.

"Salamat muli sa 'yo, Ayla," nakangising pasalamat muli ni Selina kay Ayla.

Nawala kaagad ang ngiti sa mga labi niya at napalitan 'yon ng nakamamatay na lungkot. Napansin naman 'yon ni Ayla kaya naman ay kaagad siya nitong tinanong.

"May masakit ba sa 'yo mahal na prinsesa?" tanong ni Ayla kay Selina na kaagad naman niyang sinagot.

"A, wala naman. Wala naman na masakit sa akin. Hindi ko lang maiwasan na hindi malungkot dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon, eh. Masyado tuloy tayong nahihirapan ngayon at kinailangan natin na magtago sa loob ng kuwebang 'to. Hanggang kailan ba tayo ganito? Habang buhay ba tayong ganito na nagtatago sa loob ng kuweba na 'to?" nalulungkot na  tugon ni Selina kay Ayla. Napasimangot na rin tuloy ang kaibigan niya.

"Wala naman na tayong ibang magagawa pa kundi ang magtago sa loob ng kuwebang 'to. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo dito," malungkot na sagot ni Ayla sa mahal na prinsesa.

"Paano kung mahanap nila tayo rito sa kuweba na 'to? Saan na tayo magtatago mula sa kanila?" problemadong tanong ni Selina kay Ayla na hindi rin alam kung saan sila magtatago kung mahanap nga sila sa pinagtataguan nilang kuweba ng kanilang mga kalaban.

"Iyan ang hindi ko rin alam mahal na prinsesa. Wala rin akong ideya kung saan na tayo puwede na magtago nito sa susunod kapag malaman nila na dito tayo sa kuwebang 'to nagtatago. Ang tanging magagawa na lang natin ay mag-doble ingat na huwag nila tayong mahanap. Iyon lang ang ating magagawa sa ngayon," mahinang sambit ni Ayla sa kaibigan niya na si Selina. Tumango lang si Selina at tumahimik.

Mayamaya ay nagsalita muli kay Selina ang matalik niyang kaibigan na si Ayla.

"Hindi rin naman na tayo puwedeng pumunta sa mundo ng mga tao dahil wala naman tayong mga paa kagaya nila at isa pa ay wala naman sa ating tutulong doon, eh. Mahihirapan lang naman tayo kapag pupunta tayo doon sa mundong hindi naman tayo tanggap sa kung ano nga tayo," basag ni Ayla nang katahimikan sa loob ng kuweba.

"Tanong ko lang naman sa 'yo..."

"Ano 'yon?"

"May paraan ba tayong mga sirena na magkaroon ng paa kagaya ng mga tao sa lupa?" tanong ni Selina kay Ayla.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now