Chapter 22

22 1 0
                                    

ISANG malaking hamon 'yon sa kanilang pamilya na gawin ang bagay na 'yon at lalo na kay Lorna na makipaghiwalay na sa asawa niya na sinasaktan siya nang maraming beses at hindi naman na siya nirerespeto bilang babae at asawa man lang. Masakit man na gawin 'yon ngunit kailangan niya na gawin 'yon para sa mga anak niya. Mawalan man siya ng asawa at ama ang mga anak niya handa siyang tugunan o suportahan ang bawat pangangailangan nito sa anumang bagay. Nariyan na rin naman si Dave na handang tulungan ang kanyang mahal na ina sa gagawin nito at sa pagsuporta sa mga kapatid niya.

Hindi maiwasang hindi malungkot ng mahal na prinsesa na si Selina dahil sa posibleng mangyari sa pamilya ni Dave. Kahit ano ang mangyari ay hindi niya iiwan si Dave at ang pamilya nito na tumanggap sa kanya kahit hindi alam nito kung sino nga ba siya maliban sa binata. Kung magkataon nga na kailangan niyang sabihin ang tunay niyang pagkatao ay handa naman siyang gawin 'yon. Nakakasigurado naman siya na mapagkakatiwalaan ang pamilya ni Dave at handa siyang protektahan nito. Hinding-hindi niya rin ito pababayaan. Poprotektahan rin niya ito laban sa kasamaan.

Nagising ang mahal na prinsesa sa kanyang mahimbing na pagtulog nang gabing 'yon. Mabilis na tumibok ang puso niya nang makarinig siya na para bang may nag-uusap sa labas. Napansin niya na nakabukas ang bintana ng kuwarto na tinutulugan niya. Nakalimutan niya itong isara kanina.

Kaya naman ay nagmadaling bumangon siya para saraduhan 'yon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita muli ang mga lalaking nakita niya noong isang gabi. Hindi na tatlo ito kundi lima na sila na nandoon sa labas ng malaking bahay. Nadagdagan ito ng dalawang kasama. Imbis na matakot muli ay nakaramdam siya ng pagnanais na malaman kung sino ang mga lalaking 'yon at ano ang ginagawa nito sa labas ng bahay nang mga oras na 'yon.

Dahan-dahan niyang isinara ang bintana ng kanyang kuwarto at nagmadaling lumabas ng silid. Habang pababa na siya nang hagdan nakaramdam siya ng takot kaya hindi na siya natuloy na lumabas pa ng bahay para alamin kung sino ang limang lalaki na 'yon na kahinahinalang nandoon sa labas ng bahay nang ganoon na oras.

Bumalik na lang si Selina sa kuwarto at sinilip na lang sa bintana ang mga lalaki ngunit wala na 'yon doon. Inilibot pa niya ang kanyang tingin ngunit wala na ang mga ito doon. Wala na siyang ideya kung saan na ang mga ito pumunta.

Humiga na lang siya sa kanyang kama para matulog muli makalipas ang ilang minuto. Tanging 'yon na kanyang nakita ang laman ng isip niya kaya hindi kaagad siya makatulog. Nais niyang malaman kung sino ang mga 'yon ngunit natatakot siya na gawin 'yon. Wala naman siyang nakikitang ganoon dati. Nagsimula lang na makakita siya ng mga kalalakihan sa labas ng bahay nang umalis si Albert na ama ni Dave.

Pagkasara ni Selina sa pinto ng tinutulugan niyang kuwarto isang hapon ay nakarinig siya ng pagtatalo mula sa baba kung saan naroon ang sala. Mabilis naman siyang naglakad at nang pababa na siya sa hagdan ay nakita niya na nandoon sa may sala sina Dave, Lorna, Daniel at dalawa nitong mga kapatid na sina Daina at Martin. Kaharap nito ang ama nila na si Albert kasama ang dalawang lalaki na mga alalay niya. Napahinto siya sa pagbaba sa hagdan. Rinig na rinig niya ang mag-asawa na nagtatalo sa harap ng kanilang mga anak.

"Hindi ako natatakot kung makikipaghiwalay ka na sa akin, Lorna! Gustong-gusto ko na nga na mangyari 'yon, eh. Gustong-gusto ko na talaga! Mga wala kayong silbi kahit kailan!" singhal ni Albert sa kanyang asawa na si Lorna.

"Oo talaga! Makikipaghiwalay ako sa 'yo dahil sawang-sawa na ako sa pinagagawa mo sa akin! Ayaw na rin kita makita! Kaya ngayon alam na ng mga anak mo na makikipaghiwalay na ako sa 'yo! 'Wag na 'wag mo kaming masabihan ng mga walang silbi dahil hindi 'yon totoo! Kung mayroon man rito na walang silbi ay ikaw 'yon at hindi kami!" singhal rin ni Lorna sa asawa niya habang tumutulo ang kanyang luha sa mga mata at maging si Diana ay umiiyak habang nakikita na nagtatalo ang mga magulang nila habang ang tatlong mga lalaki na kapatid niya ay masamang nakatitig sa kanilang ama na para bang gusto na nitong kainin ng buhay.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now