Chapter 33

12 1 0
                                    

LIMANG araw na ngunit hindi pa rin nakakarating ang dalawang magkaibigan na sina Selina at Ayla sa pinakadulo ng karagatan kung saan nakatira ang dalawang magkapatid na pugita na sina Rora at Sora. Napakalayo talaga ng kanilang nilangoy. Pasalamat silang dalawa dahil wala naman silang nakasagupa na panganib sa kanilang paglalakbay.

"Malayo pa ba tayo?" naiinip na tanong ni Selina kay Ayla habang patuloy pa rin sila sa paglangoy sa ilalim ng karagatan. Kapag kailangan nila na magpahinga ay tumitigil muna sila sa paglangoy.

"Hindi ko masasabi na malapit na nga tayo mahal na prinsesa dahil hindi pa ako nakarating doon, eh. Hindi ko alam kung malapit na tayo sa tinitirahan nina Rora at Sora. Limang araw na rin tayo sa paglalakbay. Hindi naman siguro tayo naliligaw," sagot ni Ayla kay Selina.

"Malakas ang kutob ko na hindi naman tayo naliligaw na dalawa. Naniniwala ako sa mga napagtatanungan natin na ito talaga ang tamang ruta patungo sa pinakadulo ng karagatan kung saan nakatira ang dalawang magkapatid na pugita. Hindi tayo naliligaw. Kailangan natin magtiwala at sana nga ay malapit na tayo makarating sa pinakadulo ng karagatan," mabilis naman na sagot ni Selina kay Ayla na dahan-dahan naman na napatango sa kanya.

"Sana nga'y malapit na tayo. Napakalayo talaga nitong nilalakbay natin mahal na prinsesa. Alam mo ba na ito na siguro ang pinakamalayong nilakbay ko sa buong buhay ko," sagot ni Ayla kay Selina na ngumiti nang bahagya.

"Maging ako'y ganoon rin naman, eh. Napakalayo talaga nitong nilalakbay natin. Sana ay makuha talaga natin ang pakay natin sa dalawang magkapatid na pugita na 'yon," sagot ni Selina sa kaibigan niya na si Ayla.

"Magtiwala lang tayo na makukuha natin ang pakay natin sa dalawang magkapatid na pugita na 'yon mahal na prinsesa Selina. Makukuha natin 'yon," paninigurado na sagot ni Ayla kay Selina.

Tumango-tango si Selina pagkasabi sa kanya ng kaibigan niya na si Ayla. Mabilis naman siya na sumagot para sabihin kung ano ang naiisip niya ngayon.

"Naiisip ko lang na baka kaya ay—"

"Ano ang naiisip mo mahal na prinsesa, ha?" tanong ni Ayla kay Selina na bumuntong-hininga muna bago pinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"Naiisip ko lang na baka hinahanap na rin ni Maribeta ang dalawang perlas na nandito sa ilalim ng karagatan at naglalakbay na rin sila papunta sa magkapatid na pugita para kunin ang mapa ng mga nawawalang bagay. Sa tingin mo ba ay 'yon ang ginagawa nila ngayon?" nag-aalalang wika ni Selina kay Ayla.

"Hindi natin alam kung ano na ang ginagawa nila ngayon sa mga plano nila mahal na prinsesa pero hindi imposible na ganoon nga ang ginagawa nila ngayon. Baka nga ay naglalakbay na rin sila para makuha ang mapa ng mga nawawalang bagay sa dalawang magkapatid na pugita kaya kailangan na natin na magmadali. Kung naglalakbay nga sila kagaya natin ay dapat na maunahan natin sila. Kailangan na mapasakamay na natin ang mapa ng mga nawawalang bagay bago pa sila dumating kung sakali nga na papunta rin sila doon," sagot ni Ayla kay Selina.

Naisip ni Selina na posible nga na naglalakbay na rin ang mga kalaban para makuha ang mapa ng mga nawawalang bagay kaya kailangan na nila na magmadali. Kailangan nila na maunahan ang mga kalaban kung sakali nga na papunta na rin ang mga ito sa tirahan ng dalawang magkapatid na pugita.

"Posible nga na naglalakbay na rin sila patungo sa lugar kung saan nakatira ang dalawang magkapatid na pugita para kunin ang mapa ng mga nawawalang bagay dito sa ilalim ng karagatan. Kung ganoon nga ay kailangan na talaga natin na bilisan ang ating paglalakbay. Kailangan na maunahan natin sila na makuha 'yon, kailangan na natin na magmadali. Mahirap na kung makuha pa 'yon ng ating mga kalaban. Mahihirapan tayo kapag napasakamay nila ito," sagot ni Selina kay Ayla.

Selina (Season One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon