Chapter 31

13 1 0
                                    

"BAKIT mo hindi pinapasama si Riyo? Ano ang ipapagawa mo sa kanya? Puwede ko ba malaman sa 'yo?" tanong ni Caritta sa kaibigan niya na si Maribeta. Silang dalawa lamang ang magkasama at nag-uusap sa isang silid.

"Gusto ko na magkaroon ng anak na lalaki," wika ni Maribeta kay Caritta na hindi nito maintindihan. Hindi naman 'yon ang tanong niya sa kaibigan niya na si Maribeta ngunit bakit 'yon ang sinasabi nito.

"A-ano? Ano'ng sinabi mo? Gusto mo magkaroon ng anak na lalaki?" tanong ni Caritta sa kanya. Tumango naman kaagad si Maribeta sa kaibigan.

"Oo. Tama ka nang narinig mo mula sa akin. Gusto ko na magkaroon ng anak na lalaki dahil ang anak ko na lalaki ang ang tanging papalit sa akin na mamumuno sa kaharian na 'to," paliwanag ni Maribeta sa kaibigan niya na si Caritta na naguguluhan sa sinasabi niya.

"Sandali lang, hindi kita maintindihan sa sinasabi mo. Gusto mo na magkaroon ng anak na lalaki. 'Di ba may dalawa kang anak na babae na puwede na pumalit sa 'yo na mamuno? Bakit mo pa kailangan na magkaanak ng lalaki? Dalawa ang puwede mo na pagpipilian na papalit sa 'yo, 'di ba? At isa pa ay wala ka naman na asawa. Paano ka magkakaroon ng anak na lalaki?" naguguluhan na tanong ni Caritta kay Maribeta.

"May dalawa nga akong anak na babae ngunit hindi ko sila gusto na pumalit sa akin sa takdang panahon. Gusto ko ay lalaki ang papalit sa akin kaya kailangan na magkaanak ako ng lalaki kahit wala akong asawa, Caritta. Maraming paraan, 'di ba?" sagot ni Maribeta sa kaibigan.

Tumango si Caritta sa kanya. "Naiintindihan na kita sa sinasabi mo at nais mong mangyari. Paano ka magbubuntis, ha? Wala kang asawa," sagot ni Caritta. "Hindi ko alam na gusto mo pa pala na magkaroon ng anak na lalaki."

"Wala nga akong asawa ngunit kailangan ko na mabuntis. Kailangan ko na makasigurado na ang isisilang ko na anak ay isang sireno, Caritta. Magpapabuntis ako," anunsiyo ni Maribeta sa kaibigan na namilog ang dalawang mga mata.

"Ano?! Magpapabuntis ka? Sigurado ka ba sa sinasabi mo, ha?" hindi makapaniwala na tanong ni Caritta.

"Oo. Magpapabuntis ako para mangyari ang mga plano ko, Caritta. Kailangan na suportahan mo ako sa gusto ko na mangyari," sagot pa ni Maribeta kay Caritta.

"Oo naman, palagi akong nakasuporta sa 'yo. Ano man ang mangyari ay nandito lang ako para sa mga plano mo. Hindi kita pababayaan. Ang tanong—"

"Ano?"

"Kanino ka magpapabuntis, ha? May natitipuhan ka na ba na sireno na gusto mong bumuntis sa 'yo at bigyan ka ng anak na lalaki, ha? Sino ang natitipuhan mo?" tanong ni Caritta.

"Si Riyo. Si Riyo ang natitipuhan ko na magbibigay ng anak sa akin na lalaki. Gusto ko siya na bumuntis sa akin, Caritta. Maganda ang kanyang binhi. Maganda rin ang kanyang lahi. Alam mo ba na may dugo pa siyang bughaw ngunit hindi niya lang 'yon alam," sagot ni Maribeta kay Caritta.

"Ano?! Si Riyo ang natitipuhan mo? Paano mo naman na nasabi na may dugo pa siyang bughaw ha? Paanong hindi niya 'yon alam, ha?" usisa ni Caritta sa kaibigan.

Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Maribeta bago nagpaliwanag sa kaibigan na gusto malaman ang tungkol doon.

"Ang ina ni Selina at ang ina niya ay magkapatid. Magkapatid ang ina nilang dalawa. Anak ni Haring Gumugu ang ina niya. Si Haring Gumugu ang mamumuno sa kaharian noon ngunit nagkaroon ng malaking digmaan dito sa ilalim ng karagatan. Ang ama ni Haring Slandino ang kaaway ng kanilang pamilya noon. Natalo sa digmaan si Haring Gumugu at nanalo ang ama ni Haring Slandino ngunit nasawi naman ito lumipas ang ilang araw. Maraming namatay sa digmaan na 'yon. Wala na ang namumuno sa kaharian na 'to. Patay na rin ang dalawang hari na magkatunggali kaya ang namuno ay si Haring Slandino. Ayaw naman niya na maisantabi ang dalawang anak ni Haring Gumugu kaya pinakasalan niya ang ina ni Selina. Muling nagkaroon ng kapayapaan dito sa ilalim ng karagatan dahil sa pag-iisang dibdib nila. Naging isa na lang ang lahat dahil sa kanilang dalawa. Hindi alam ng lahat pati ng kanilang mga ama na matagal na pala silang dalawa nagmamahalan ngunit pasikreto lang naman. Kaya hindi na tumutol ang ina ni Selina sa plano ni Haring Slandino dahil gusto rin niya 'yon na sila'y magsama. Nagalit ang ina ni Riyo sa kapatid niya na ina ni Selina dahil sa paglilihim nito sa pag-iibigan nila ni Haring Slandino noon pa. Umalis siya sa kaharian na 'to at nagpakalayo-layo. Nakapangasawa siya ng isang ordinaryo na sireno at nagsama silang masaya hanggang sa isilang si Riyo na anak nila. Inilihim nilang mag-asawa ang tungkol sa pinanggalingan nila lalo na ni Isalina na ina ni Riyo dahil ayaw niya na magkaroon pa ng ugnayan sa kapatid niya na asawa ni Haring Slandino. Nang umalis siya sa kaharian nangangahulugan 'yon na pinuputol na niya ang ugnayan sa kapatid," mahaba-habang kuwento ni Maribeta kay Caritta na namanamgha sa nalaman niya.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now