Chapter 19

22 1 0
                                    

PAGKABUKAS ni Dave nang pinto ng kuwarto ng mga magulang niya ay naabutan niya si Selina sa sahig na nakikinig sa pag-uusap nilang mag-ina. Tinapunan naman kaagad ng nagtatakang tingin ni Dave ang mahal na prinsesa na seryosong nakatingin rin sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Dave kay Selina na nagtataka.

"Narinig ko ang pinag-uusapan n'yo ng iyong ina sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa." Tumayo si Selina sa pagkakaupo at humarap sa binata.

"Kanina ka pa ba rito, ha? Narinig mo ba lahat?" tanong naman sa kanya ni Dave na nakakunot ang malalapad na noo.

"Oo. Narinig ko at kanina pa ako, eh. Kumusta ang iyong mahal na ina? Maayos lang ba siya?" may pag-aalalang tanong ng mahal na prinsesa kay Dave na marahas na napabuntong-hininga.

"Narinig mo naman na siguro ang lahat kaya alam mo na kung ano ang nangyari at ano ang kalagayan niya ngayon. Hindi ko masasabing ayos lang siya," malungkot na tugon ni Dave kay Selina na nakatitig sa mga mata nito na para bang kumikinang.

"Oo. Narinig ko nga lahat at matagal ko na rin na alam 'yon na sinasaktan siya ng iyong ama," dahan-dahang sambit ni Selina at natigilan ang binata sa sinabi nito sa kanya.

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin sa matagal mo nang alam na sinasaktan ang mama ko ng papa ko, ha?" usisa ni Dave sa mahal na prinsesa na huminga muna nang malalim bago sumagot sa kanya.

"Isang gabi ay narinig ko na nagtatalo ang mga magulang mo at hindi lang 'yon ang narinig ko, eh. Narinig ko rin na sinasaktan ng papa mo ang iyong mahal na ina. Naawa ako sa kanya nang gabing 'yon hanggang ngayon nang marinig ko sa inyo na gano'n pa rin ang ginagawa niya," nakangusong paliwanag ni Selina kay Dave.

Hindi makapaniwala si Dave sa narinig niya na 'yon mula sa mahal na prinsesa na mismong nakarinig nito.

"Alam mo na pala na sinasaktan ng papa ko ang mama ko?" paninigurado pang tanong ng binata kay Selina.

"Oo. Hindi ko lang sinasabi sa 'yo," mahinang sabi ni Selina na nakanguso.

"At bakit naman hindi mo sinasabi sa akin na alam mo rin pala ang tungkol sa pananakit ng aking ama kay mama?" tanong pa ni Dave kay Selina.

Nagpakawala muna nang malalim na hininga si Selina bago sumagot at nagpaliwanag sa binata na naghihintay sa kanyang magsalita.

"Paumanhin na lang kung mali ang ginawa ko na hindi sabihin 'yon sa 'yo kaagad. Ayaw ko naman na sabihin 'yon sa 'yo sapagkat wala namang dahilan na dapat kung sabihin 'yon sa 'yo. Mabuti sana kung nagtatanong ka sa akin tungkol doon. Ayaw ko rin naman na unang magsabi sa 'yo dahil baka kapag sinabi ko hindi ka maniwala, eh. Kaya minabuti ko na lang na hindi muna sabihin sa 'yo. Pero ngayon gusto ko na sabihin sa 'yo na alam ko 'yon," makahulugang paliwanag ni Selina kay Dave.

Sa sinabing 'yon ng mahal na prinsesa bilang paliwanag kay Dave ay naintindihan naman 'yon ng binata. Kaya hindi na siya   nagtanong nang nagtanong rito. Bumaba muna si Dave sa kusina para dalhan ng pagkain ang mama niya. Hindi na niya 'yon pinadala pa sa kanilang katulong. Siya na lang ang nagdala nito.

"Matagal mo na rin bang alam na sinasaktan ang mama mo ng iyong ama, ha?" tanong ni Selina kay Dave habang nasa terasa silang dalawa. Tapos na rin kumain ng almusal si Lorna na dinala pa ni Dave sa kuwarto nito.

Selina (Season One)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ