Chapter 9

48 2 0
                                    

TULUYAN na silang pumasok sa loob ng tahanan ng binata na si Dave kasama ang ina nito na si Lorna. Iginala kaagad ni Selina ang kanyang buong paningin sa loob ng malaking bahay ng binata na nakakamanghang tingnan. Iba't ibang mga palamuti ang nasa loob ng malaking bahay at mga bagay na ngayon lang nakita ni Selina sa buong-buhay niya. Napakaganda at napakalaki ng bahay na tinitirhan ni Dave kasama ang pamilya nito.

"Sino ba 'tong kasama mo anak na babae? Sino ba siya, ha?" nagtatakang tanong ng ina ni Dave sa kanya habang nakatingin ito kay Selina na nakakunot ang noo. Mula ulo hanggang paa ang tingin ng ina ni Dave sa mahal na prinsesa.

Nakatayo pa rin sila sa loob ng kanilang bahay. Napansin na rin sa wakas si Selina ng ina ng binata ngunit mukhang hindi ito nasisiyahan sa kanya.

"Ma, siya po ang tumulong sa akin," mabilis na sagot ni Dave sa kanyang ina. Akala ni Selina ay sasabihin na ni Dave ang tunay na pagkatao niya kaya nakaramdam siya ng kaba at takot.

Tumingin naman muli si Selina sa ina ni Dave at bahagyang ngumiti rito. Pilit na nginitian naman ng ina ni Dave si Selina.

"Selina po ang pangalan niya. Siya po ang tumulong sa akin," pakilala ni Dave kay Selina sa kanyang ina.

"A, talaga ba? Selina ang kanyang pangalan, ha?" pangungumpirma pa ng ina ni Dave sa anak niya. Mabilis naman na tumango ang binata na si Dave sa ina niya.

"Ah, okay. Ikinagagalak ko na makilala ka Selina," sunod na sabi ng ina ni Dave na muling tumingin kay Selina. Kahit papaano ay natutuwa ang ina ni Dave sa kanyang naririnig.

Magalang namang sumagot si Selina sa ina ni Dave, "Ganoon rin po ako sa inyo. Ikinagagalak ko rin po na makilala ikaw," sagot naman ni Selina at pagkatapos nakipag-usap muli ang ina ng binata anak niya na si Dave.

Isinama ni Dave si Selina pagpasok niya sa kanyang kuwarto. Diretso muna si Dave sa loob ng banyo upang maligo doon. Naiwan si Selina na walang kausap dahil naliligo ang binata sa loob ng banyo. Iginala niya ang kanyang buong paningin sa loob ng kuwarto ng binata. Maganda at maaliwalas ang kuwarto nito. Namamangha siya sa mga nakikita niyang nasa loob ng kuwarto na ngayon lang niya nakita.

Lumapit si Selina sa kama at umupo siya doon. Malambot ang inuupuan niyang kama kaya natutuwa siya. Hindi pa siya kakuntento kaya humiga na siya doon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Makaraan ang ilang mga minuto ay idinilat niya ito. Nakahiga pa rin siya sa malambot na kama na para bang ayaw na niyang umalis sa pagkakahiga doon. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ganoon na humiga sa napakalambot na higaan. Dito lang talaga sa mundo ng mga tao.

Nang bumukas na ang pinto ng banyo at papalabas na si Dave ay dali-dali naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Huli na ang lahat dahil nakita na siya ni Dave na nakahiga sa malambot nitong kama.

"Oh, ba't ka bumangon sa pagkakahiga?" nagtatakang tanong ni Dave sa mahal na prinsesa. Nakaramdam tuloy si Selina nang kaunting hiya sa binata.

"Ah, wala lang naman," nahihiya na tugon ni Selina kay Dave.

Pinasadahan na lang ni Selina ang matipunong katawan ni Dave habang nakatapi lang ito ng kulay puting tuwalya. Hinayaan na lang ni Dave ang mahal na prinsesa. Hindi na rin 'to sumunod na nagsalita. Tumayo na lang si Selina upang tumingin-tingin ng mga larawan na nasa kuwarto ni Dave at iba pang mga gamit na naroon na nakikita niya. Mayamaya ay nagtanong si Selina kay Dave.

Selina (Season One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon