Chapter 26

19 1 0
                                    

PUMUNTA muna sila sa munisipyo ngunit hindi sila pinayagan na pumasok doon sa loob kaya naghintay sila na lumabas mula roon si Albert. Hapon na rin naman kaya hinintay na nilang lumabas ito sa munisipyo para umuwi sa babae nito. Nang makalabas na nga ito ay kaagad naman nila na sinundan ang sasakyan nito ngunit hindi sila nagpahalata na sinusundan nila ito.

Huminto ang sasakyan ni Albert sa tapat ng bahay ng babae niya na naghihintay na sa kanyang pagdating. Malaki na talaga ang tiyan nito. Nang bumaba si Albert mula sa sasakyan ay bumaba na rin ang tatlo mula sa sasakyan nila. Naiwan sa loob ng sasakyan ang driver nila na naghihintay sa kanila.

Malalaki ang mga hakbang nilang tatlo patungo sa kinatatayuan ni Albert at babae nito na nagyayakapan pa. Naunang naglalakad si Lorna, sumunod ay si Dave at ang panghuli ay ang mahal na prinsesa na si Selina.

Nang makita silang tatlo ni Albert at babae nito ay naghiwalay ito mula sa pagyayakapan sa isa't isa. Humarap ito sa kanilang tatlo.

"Ano ang ginagawa n'yo rito, ha?!" matigas na pagkakatanong ni Albert sa kanilang tatlo na huminto sa paglalakad nang makalapit sila sa dalawa na masamang nakatingin sa kanila. Umismid si Lorna kay Albert. Sinamaan rin ito ng tingin at saka nagsalita.

"Kailangan bang tanungin 'yon kung bakit kami naririto, ha?! Alam mo naman na 'yon, eh, kasi ikaw mismo ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon!" nagpupuyos sa galit na singhal ni Lorna kay Albert.

"Huh? Ano'ng sinasabi mo, ha? Hindi kita maintindihan? Wala akong alam sa mga sinasabi mo, Lorna! Nananahimik na ako!" nagmaang-maangan na sagot ni Albert kaya naman ay mabilis na sinampal ni Lorna sa kanang pisingi ito. Pumagitna tuloy sa kanila ang babae nito na si Aubrey na kulang na lang ay kainin siya ng buhay sa sama ng tingin nito sa kanya.

"Ano ba, ha?! Ano ba ang problema mo, ha? Ba't mo sinapak nang malakas ang baby ko, ha?! Bakit ba?! Ano ba ang problema n'yo ha? Ano ba ang kasalanan niya sa inyo, ha? Nananahimik na kaming dalawa, eh. Nanggugulo lang kayo sa aming dalawa. Mahiya nga kayo sa mga sarili n'yo!" pumapagitna naman na singhal ni Aubrey kay Lorna.

Mas lalong kumulo ang dugo ni Lorna nang magsalita si Aubrey. Sasampalin sana rin niya ang ito ngunit hindi natuloy 'yon dahil sa pinigilan siya ng anak niya na si Dave.

"Isa ka pa rin na babae ka, ha! Isa ka rin sa mga walang hiya! Magsama talaga kayong dalawa sa impyerno! Para malaman mo na hindi kami nanggugulo rito sa inyo! At mas lalong hindi kami ang nagsimula nang ganito na nangyayari dahil ito sa magaling na kasama mo! Wala kang alam sa mga nangyayari kaya mabuti pa ay manahimik ka na lang! Nagmumukha ka lang tanga! You better shut your mouth!" galit na sagot ni Lorna kay Aubrey na hindi talaga nagpahuli sa kanya. Sumagot muli ito sa kanya.

"Mga sinunggaling! Nananahimik ang asawa ko!" singhal pa ni Aubrey kay Lorna.

"Huh? Ano ang sinabi mo, ha?! Asawa mo? Kailan pa kayo kinasal, ha?! Hoy! Tandaan mo hindi mo siya asawa dahil kabit ka lang naman, eh. Kabit ka lang niya kaya tumigil ka na higad ka! Malandi ka! Malandi ka pa sa nanay mo!" insulto na sagot ni Lorna kay Aubrey na namumula na rin sa galit.

"Hiwalay na kayong dalawa! At hindi na rin kayo mag-asawa! 'Wag ka na maghabol pa sa kanya dahil akin na siya nang buong-buo! Mahiya ka nga sa mga pinagsasabi mo!" sagot pa ni Aubrey.

Hindi rin nga nagpatalo si Lorna kaya sumagot ulit ito, "Hoy malanding babae! Sa ating dalawa ang dapat na mahiya ay hindi ako, ikaw 'yon dahil sa pinagagawa mo! Kahit magsama kayong dalawa kabit pa rin ang tingin ng mga tao sa 'yo! Kahit hindi mo sabihin sa akin, pera lang ang habol mo sa kanya dahil mukha kang pera! Akala mo ba ay hindi ko alam ang tungkol sa 'yo, ha? Alam ko! Alam na alam ko! Alam ko ang baho mo kaya huwag kang magmalinis ngayon sa harap namin! Ito pa ha, lilinawin ko sa 'yo na hindi ako naghahabol sa kasama mo! Tandaan mo 'yan. Kailanman ay hindi ako maghahabol sa demonyong tulad niya! Sa 'yo na siya nang buong-buo at kahit lunukin mo pa wala na akong pakialam!" singhal ni Lorna kay Aubrey.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now