Chapter 16

23 1 0
                                    

NAGHIHINTAY na sa dining area ang lahat kay Selina na nagbibihis pa
sa kanyang kuwarto. Tinginan ang lahat kay Selina lalo na si Dave na hindi makapaniwala sa kanyang nasilayan kanina. Nagtataka pa rin siya kung bakit hindi napalitan ng buntot ang mga paa nito kahit nabasa 'yon ng tubig. Nakapagtataka lang dahil kapag nababasa ng tubig ay napapalitan ng buntot ang mga paa ni Selina ngunit hindi 'yon nangyari kanina.

Nakangiti namang lumapit si Selina sa dining table kung saan naroon na ang lahat maliban sa ama ni Dave na si Albert dahil nasa munisipyo ito at nagtatrabaho bilang alkalde. Umupo kaagad siya doon katabi ang binata na si Dave na naglaan ng upuan sa tabi nito para sa kanya. Tahimik ang lahat at naging maingay lang 'yon nang bumaba na ang mahal na prinsesa.

"Ano po ba ang nangyari at bumalik pa sa kanyang kuwarto si Ate Selina?" tanong ni Diana sa kuya niya na si Dave. Nginitian muna ni Dave si Selina at saka lang sumagot.

"Nadulas kasi ang ate Selina mo nang tinatawag na niya kami sa may swimming pool area at nahulog siya doon kaya kailangan niyang magpalit ng damit. Hindi naman puwede na dumiretso siya rito na basa," paliwanag ni Dave sa kapatid niya na si Diana na mariing tumango naman pagkasabi niya.

"Nagulat nga kaming dalawa, eh. Akala ko nga kung ano na ang nangyari sa kanya. Mabilis naman na pinuntahan ng kuya Dave mo si Selina at 'yon ang nakita namin, nahulog na siya sa swimming pool pagkatapos niyang madulas. Madulas naman kasi na parte doon," sabi naman ni Jack sa pinsan niya na si Diana na sa kanya tumingin habang nagpapaliwanag siya.

"Mabuti hindi ka napaano o nasaktan doon ate Selina sa pagkadulas mo," nag-aalalang wika ni Diana kay Selina na napaangat ng tingin sa kanya.

"Oo nga pero huwag ka na mag-alala dahil maayos naman na ako. Salamat sa 'yong pag-aalala para sa akin, Diana. Mag-iingat na lang ako sa susunod upang hindi na 'yon maulit pang muli sa akin," mahinang sagot ni Selina kay Diana na kapatid ni Dave.

"Alam mo po ba ate Selina muntik na rin ako madulas doon no'ng isang araw sa parte na 'yon kung saan ka nadulas," kuwento pa ni Diana kay Selina.

"Talaga ba?"

"Opo. Kaya mag-iingat na rin ako doon, eh." Inayos ni Diana ang pagkakaupo sa kanyang upuan pagkasabi nito.

Sumingit naman bigla sa usapan nila si Daniel na kapatid rin ni Dave. Si Daniel ang sumunod na pinanganak kay Dave.

"Hanggang sabi ka lang naman. Kahit kailan hindi ka naman talaga nag-iingat, eh. 'Wag kang feeling d'yan!" sarkastikong tugon ni Daniel sa kapatid na si Diana na kumunot kaagad ang noo at umusok ang ilong.

Hindi maintindihan ni Selina kung biro lang ba 'yon ni Daniel sa kapatid niya o tutuhanan. Masamang tinitigan ni Diana ang kapatid niya na si Daniel habang si Martin naman ay tawa nang tawa.

"Hindi ka kasali sa usapan namin ni ate Selina kaya huwag kang sumabat, kuya! Epal ka rin talaga kahit kailan, basta lang may masabi! For your information, nag-iingat na talaga ako at hindi 'yon basta salita lang!" singhal na tugon ni Diana sa kapatid niya na dinuduro-duro pa niya.

Sa kanilang dalawa tuloy natuon ang pansin ng lahat. Pilit naman na sinasaway sila ni Lorna na ina nila ngunit ayaw talagang magpaawat ng dalawang magkapatid na nagtatalo sa harap ng mga pagkain. Tumahimik na lang si Selina at pinagmasdan silang magkapatid.

"Oh, talaga ba na nag-iingat ka? Hindi kami naniniwala sa 'yo!" pang-iinis pang tugon ni Daniel sa kapatid niya.

Napansin naman ni Diana si Martin na tawa nang tawa katabi si Daniel kaya dinuruduro rin naman niya ito. Alam kasi niya na siya ang pinagtatawanan nito at palaging magkakampi ang dalawang kapatid niyang lalaki. Tanging ang kapatid niya na si Dave lang ang tinuturing niyang kakampi.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now