Chapter 2

193 7 0
                                    

DINALA ni Haring Slandino si Selina sa isang silid na hindi pa niya napupuntahan na nasa loob lang ng kanilang palasyo. Hindi niya inaasahan na dadalhin siya doon ng kanyang amang hari. Nagtataka man siya ngunit ramdam niya na may importanteng sasabihin sa kanya ang ama niya o kaya ay may ipapakita ito na kailangan niyang makita.

"Bakit po tayo nandito ngayon?" nagtatakang tanong ni Selina sa kanyang amang hari.

"Dinala kita dito dahil may sasabihin at ipapakita ako sa 'yo. Maaaring hindi ka pa nakakapasok sa silid na 'to pero ngayon ay nakapasok ka na nga. Wala masyadong nakakaalam ng silid na 'to dahil wala akong masyadong sinasabihan tungkol dito," sabi ni Haring Slandino kay Selina.

"Bakit po? Ano po ang nandito sa silid na 'to? Hindi pa po talaga ako nakakapasok sa silid na ito. Mukhang napakaimportante po ng kung ano man po ang nandito sa silid na 'to," sagot naman ni Selina sa kanyang amang hari na kaagad naman na napatango.

"Tama ka sa sinabi mo. Napakaimportante talaga ng bagay na nandito sa silid na ito. 'Di ba alam mo ang tungkol sa gintong perlas?" saad pa ni Haring Slandino sa prinsesa.

Tumango naman si Selina sa kanyang amang hari dahil kahit papaano ay may nalalaman siya tungkol sa gintong perlas na 'yon kaso nga lang ay hindi pa niya nakikita 'yon kahit noong bata pa siya. Kaunti lang ang nalalaman ko sa gintong perlas na 'yon.

"Opo. Nandito po ba nakatago ang gintong perlas na 'yon sa silid na 'yon? Nandito po ba?" tanong ni Selina kay Haring Slandino.

"Oo. Nandito nakatago ang gintong perlas na 'yon sa silid na 'to kaya wala masyadong nakakaalam ng tungkol sa silid na 'to dahil iniingatan ko 'yon at sinisigurado na walang puwedeng makakuha ng gintong perlas na 'yon kundi tayo lang na dalawa," sagot ni Haring Slandino kay Selina. "Ipapakita ko sa 'yo ang gintong perlas na 'yon dahil alam ko na hindi mo pa nakikita 'yon."

Ipinakita na ni Haring Slandino ang gintong perlas sa kanyang anak na si prinsesa Selina na manghang-mangha sa kanyang nakikita. Kumikinang ang gintong perlas na nasa harap niya na nakalagay ito sa isang kumikinang rin na kabibe.

"Puwede ko po bang mahawakan ang gintong perlas na 'yan?" tanong ni Selina sa kanyang amang hari na ngumiti naman sa kanya.

"Oo. Puwede mo siyang mahawakan. Napakaimportante ng gintong perlas na 'to. Alam mo ba kung bakit?" sabi ni Haring Slandino kay Selina.

"Kaunti lang po ang nalalaman ko tungkol sa gintong perlas na 'yan. Nais ko pong malaman ang inyo pong nalalaman tungkol sa gintong perlas na 'yan," sabi ni Selina.

"O, sige. Ang gintong perlas ay napakahalaga sa isang kagaya natin na namumuno ng isang kaharian dahil maaaring magbigay ito ng karagdagang lakas at kapangyarihan sa kung sino man ang humahawak o nagmamay-ari nito at lalo na sa atin. Sa ngayon ay ako ang nagmamay-ari ng gintong perlas na 'to at kapag nawala na ako ikaw na ang mag mamay-ari nito dahil ikaw ang papalit sa akin na mamumuno ng ating buong kaharian. Matagal pa naman 'yon, huwag mo munang isipin pa 'yon pero dapat ay palagi kang handa. Hindi dapat ito mapunta sa ating mga kalaban na naghahangad ng hindi maganda dahil maaaring gamitin nila ito sa masama. Hangga't nasa sa 'yo ang gintong perlas na 'to ay walang sinuman ang puwedeng tumalo sa 'yo lalo na kapag nasa isang labanan ka," paliwanag ni Haring Slandino kay Selina na seryosong nakikinig sa sinasabi sa kanya.

"E, kapag wala po 'yan sa inyo na gintong perlas na 'yan at nagkaroon po ng labanan hindi po ba kayo matutulungan nito? Halimbawa po nasa isang labanan kayo at nandito sa silid na 'to ang gintong perlas na 'yan," tanong ni Selina kay Haring Slandino.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now