Chapter 15

25 1 0
                                    

INABUTAN silang dalawa sa daan nang malakas na ulan. Malapit na rin naman sila sa bahay ng binata na si Dave. Napakalakas ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat na nakakatakot tingnan. Diretso kaagad ang dalawa pagkalabas nila sa garahe sa taas kung saan naroon ang kanilang mga kuwarto. Humiga si Selina sa kanyang malambot na kama na hinihigaan at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Nagising ang mahal na prinsesa malapit na mag-alas nuwebe ng gabi. Nakakain na rin ang mga magulang at mga kapatid ni Dave ng hapunan at silang dalawa na lang ang hindi pa.

May kumatok sa pinto ng kuwarto ni Selina at kaagad naman niya na pinagbuksan 'yon. Nakita niya si Dave na nakatayo sa labas ng kanyang tinutulugan na kuwarto na nakangiti sa kanya. Pagkapasok ng binata na si Dave sa kuwarto ay sinara agad ni Selina ang pinto nito. Umupo si Dave sa gilid ng kama.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" mahinang tanong ni Dave kay Selina na nakatayo at kagagaling lang sa may pintuan dahil sinarahan niya 'yon.

"Medyo nagugutom na," walang halong kasinungalingan na sagot ni Selina sa binata. ''Ikaw? Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong rin ni Selina rito kay Dave.

"Nagugutom na rin. Bababa na ba tayo sa kusina para kumain ng hapunan, ha? Tayong dalawa na lang ang hindi pa kumakain, eh," sambit ni Dave sa mahal na prinsesa na si Selina.

"Bumaba na tayo na kung ganoon nga. Bumaba na tayo para kumain. Kumain na pala ang mga magulang at kapatid mo. Tayong dalawa na lang pala ang hindi pa kumakain ng hapunan," sang-ayon ni Selina na sagot kay Dave at pagkatapos ay bumaba na silang dalawa para kumain ng hapunan.

Tahimik na doon sa baba at tanging ang dalawang katulong na lang ang nandoon na kaagad naman silang dalawa na sinilbihan pagkakita na kakain na sila ng hapunan.

Nang matapos silang kumain ng hapunan sabay ulit silang tumaas para bumalik sa kanilang kuwarto ngunit imbis na tumungo na si Selina sa kanyang kuwarto ay sumama siya sa loob ng kuwarto ni Dave at doon muna siya tatambay at magpapalipas ng oras.

Dumiretso kaagad si Selina sa may terasa kung saan kita niya ang mga bituin sa kalangitan na nagsisiningningan at para ba itong nagsisiawitan habang napakalamig ang simoy ng hangin dahil sa umulan kanina nang napakalakas. Napakasarap rin langhapin ng simoy ng hangin.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nilanghap ang napakasarap na simoy na hangin. Habang nakapikit siya ng kanyang mga mata naalala niya ang kanyang mahal na ina. Siya ay lubusang nangungulila rito na para bang gusto niyang ibalik ang mga sandaling kasama pa niya ito. Naalala niya noong tinuruan siya ng kanyang mahal na ina na awitin ang paborito nitong awitin na gawa nilang dalawa ng kanyang amang hari noong ito ay nagsisimula pa lang sa kanilang pag-iibigan.

Kaya naman dahan-dahang ibinuka ng mahal na prinsesa na si Selina ang kanyang bibig upang awitin 'yon na matagal-tagal na rin niyang hindi inaawit.

Narinig ni Dave ang pagkanta ni Selina sa may terasa kung saan naroon ito. Hindi niya akalain na marunong palang kumanta ang mahal na prinsesa. Kayganda ng boses nito na para bang isang anghel na umaawit mula sa kalangitan. Napagtanto ng binata na si Dave na totoo pala ang sabi-sabi ng mga matatanda na magaganda ang mga boses ng mga sirena at napatunayan nga 'yon niya ng umawit ang mahal na prinsesa na si Selina.

Pumalakpak si Dave pagkatapos kumanta ni Selina habang dahan-dahan siya na lumalapit rito. Napalingon naman si Selina kay Dave na nakanganga at nagulat sa ginawa ng binata. Nakangising nakatitig ang binata sa mahal na prinsesa.

Selina (Season One)Where stories live. Discover now