OFFICERS SERIES #1: Detaining...

By jindoodle_fairy

26.5K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... More

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 05

600 33 2
By jindoodle_fairy

05





---

"Inspector... gising."

Isang marahang tulak sa kamay ko ang nagpaggising sa aking katawan. Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko at inangat ang ulo. Unang bumungad sa akin si Lupin na naka-police uniform.

"Umuwi ka na lang kaya muna sa inyo?" Dugtong pa niya.

Umiling ako at namumungay ang mga matang tinitigan ang laptop na nakatulogan ko ata kagabi. Doon, nakita ko ang hindi ko pa natatapos na files na dapat kong ibigay sa department namin sa Pasay.

"Anong oras na ba?" Tanong ko kay Lupin na may binabasang dokumento sa harap ko.

"Alas-singko pa ng umaga," aniya. Tumango na lang ulit ako at tumagilid. Napadapo ang tingin ko sa lunchbox ni Chrispher na pinaglagyan niya sa akin ng baon, kahapon.

Hindi ko man lang siya nagawang textan o tawagan para magpasalamat at isauli 'tong lunchbox niya dahil sa sobrang busy. Mas lalo lamang tumambak ang trabaho ko dahil nalaman naming ipo-postpone ang raid namin sa susunod pang araw.

Huminga ako ng malalim at pinaandar ang cellphone na kahapon ng umaga ko pa pinatay. Hindi ko na rin kasi nagawang buksan dahil makakadistorbo lang sa mga meeting at trabaho ko.

Saktong pag-open ko ay puros messages ni Chrispher ang bumungad sa akin. Napakagat labi ako habang binabasa ang mga 'yon.

—Does it taste nice?

—I'm sorry if I brought it to you in the morning. Wala na kasi akong oras magluto sa tanghali.

—I'll bring another one tomorrow.

—I am just being friendly okay? I want to have a cool policewoman friend, that's why I am doing this. Tc. Bruhh.

I scoffed and shooked my head before putting my phone back on the table.

"Hindi naman ako nagtanong," natatawang bulong ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa swiveling chair. Kinuha ko ang leather jacket ko na nakalapag sa maliit kong kabinet at isinuot. Binalingan ko si Lupin na may pinipermahan na ngayon.

"Uwi muna ako saglit, babalik ako agad," ani ko at kinuha na rin ang susi ng kotse sa bulsa at ang pink na paperbag ni Chrispher. Bakit nga ba 'to pink? Tsk.

"Sige, Inspector," he saluted and smiled.

I did the same and went out to the department slightly stretching my body. Nananakit ang balakang ko kakaupo. Pumasok na ako sa kotse ko at nilagay ko naman ang paperbag sa shotgun seat.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay hindi ko mapigilang isipin ang pagkaing binigay ni Chrispher. Talaga bang siya ang nagluto no'n? Parang luto lang ni Mama sa sarap e. 'Di kaya nagpaluto siya tapos sinabing sa kaniya? Ba't ang sama ko naman mag-isip? Pero totoo, ang sarap ng adobong manok na 'yon.

Pagkarating sa bahay ay agad kong nadatnan ang kapatid na naka-fitted maong pants at polo shirt. Nakasukbit ang itim na bag sa kaliwang balikat habang may hawak namang sandwich sa kamay. Sa kanang kamay ay may cellphone, seryoso ang itsura nito at parang may importanteng ka-text o ano. Nakatayo lang siya malapit sa TV.

"Preston," tawag ko. Umangat ang balikat niya ng marinig ang boses ko. Umaliwalas ang mukha niya at napabaling sa kusina. Siguro ay tinitingnan si Mama.

"Ang aga mo atang nakauwi Ate, ah?" Ngiting asong sabi niya. Umikot ang mata ko sa ere at nilagpasan na lamang siya. Puro kalokohan lang naman ibubungad no'n sa akin.

Pumasok ako ng kusina at nakita ko agad doon si Mama na nagluluto ng pagkain. Nakasuot siya ng pink na apron at naka-bun ang buhok.

Napangiti ako ng hindi niya ako napansin. Dahan dahan akong lumapit sa likod niya ang iginapang ang kamay sa kaniyang bewang para mayakap siya.

"Phob!" Gulat na aniya at tinagilid ang ulo para makita ako. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Good morning, Ma," ani ko at bumitaw na sa kaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi at lumapit sa kakaluto pa lang niyang bacon at egg.

"Oh? Nag-alala ako, Phob! Kahapon pa kita hindi ma-contact. Mabuti naman at nagawa mong umuwi ngayon? Huwag ka kasing masyadong mag-overtime," aniya habang naglalapag ng ulam sa plato at nag-aalalang napatingin sa akin.

Ngumiti lang ako at napatingin sa kapatid na pumasok ng kusina habang nakatuon pa rin sa cellphone ang tingin.

"In-off ko kasi Ma e, tsaka masyadong naging busy sa opisina. Nagka-problema kasi sa plano," ani ko at nagkamot ng ulo.

"Naku Phob, kailangan ba talagang mag-overtime ka pa?" Reklamo niya.

Napanguso ako. "Trabaho ko kasi 'yan, Ma." Ani ko.

Pagod siyang huminga ng malalim at napailing. Itinuon niya ang pansin sa kapatid kong pangiti-ngiti na ngayon sa cellphone. "Preston? Kumain ka na."

Umangat ang gilid ng labi ko nang makita kong tumango lang ang kapatid at hindi pa rin tinitigilan ang cellphone.

"Preston," may pagbabantang tawag ko sa kaniya, pero para lang ata akong hangin dahil hindi niya ako pinakinggan.

Tumikhim ako. "Kapag hindi mo 'yan bibitawan susunugin ko 'yan." Sabay nguso ko sa cellphone niyang hawak.

I gave him a warning looked when he stared at me wide eyes. Agad niya namang nilagay sa bag niya ang kaniyang cellphone at nginisihan ako.

"Suss, ang aga lang nakauwi mainit na agad ang ulo," asar niya at sumubo na ng ulam at kanin, nakangisi pa sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Sarap mong batuhin ng sandok, e."

Tinawanan lang niya ang sinabi ko. Nagpaalam na muna ako kay Mama na umakyat muna ng taas para maka-ligo at makapagpalit na ng damit.

Nakasuot lang ako ng fitted jeans at white t-shirt na tuck-in. Binuksan ko ang isang kabinet ko na nagkakalaman ng maraming klase-klaseng sumbrero. Kinuha ko iyong itim na baseball cap na may nakatatak na 'cool chix' sa taas. Namili na rin ako ng leather jacket bago bumaba at makasalubong ang kapatid na bitbit na ngayon ang paper bag na nagkakalaman ng lunchbox galing kay Chrispher. Napasinghap ako ng maalalang may letter doon.

"Preston! Amina!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kaniya. Mabuti na lang ay hindi niya kinilatis ng tudo at ibinigay din sa akin.

"Aba? Ano 'yan?" May mapanuksong ngiti pa siyang binigay sa akin bago ko siya inirapan at tinalikuran. Pumasok ako ng kusina at nilapitan si Mama.

"Ma, alis na po ako," ani ko at kumuha ng isang piraso ng bacon sa lamesa.

"Kain ka muna," aniya. Umiling na lang ako at nagpaalam ulit.

Pagkalabas ko ng kusina ay ngiting aso ng kapatid ko ang nadatnan ko. Ginulo ko na lang ang buhok niya at dumiretso na paalis sa bahay.

Habang nasa byahe ay iniisip ko na naman ang mga gagawin ko. Kung tatapusin ko ba ang mga naiwan kong trabaho kahapon o bisitahin ko muna ang department namin sa Pasay. Siguro ay uunahin ko na lang tapusin ang hindi ko natapos bago pumunta doon.

Nang makarating sa departamento ay ngising ngising mukha ni Lupin ang bumungad sa akin. Nangunot ang noo ko bago siya nilagpasan.

"Inspector!" Aniya at tumakbo pa ata para makapantay sa paglalakad ko. Binalingan ko siya saglit bago tumigil sa harap ng front desk at may isinulat sa logbook.

"Bakit?" Ani ko at binasa lahat ng pangalan ng mga pulis na duty ngayong araw.

"May delivery ka na namang bago, nasa opisina mo na," A gigantic grin crossed against his face. Napatigil ako sa ginagawa.

"Anong delivery?" Nagtatakang tanong ko.

Ininguso niya ang opisina ko at nakangising pinaningkitan ako ng mata. Iyong tipong may sekreto akong tinatago at nalaman na niya. Kunot-noo akong napanguso at pumunta na sa loob ng opisina ko.

Nadatnan ko doon sa lamesa ang kulay asul na naman ngayong paperbag. Nilapitan ko iyon at binuksan. Nakanganga kong ibinagsak ang mga kamay ng makitang lunchbox na naman iyon, galing kay Chrispher. May note pa doong nakalagay.

To Miss Policewoman,

A food for my coolest friend. ;)

Handsome,
Chrispher Magno

Aba!? Binibigyan niya rin ba ng pagkain ang lahat ng mga kaibigan niya? Pero kaibigan? Kailan kami naging magkaibigan? Ano bang meron sa lalaki 'to at parang mas lumalala ang saltik sa utak?

Napabuga ako ng hangin at tulala na napatitig sa gun replica collection ko na nasa likod lang ng aking swiveling chair. Wala sa sarili kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at hinanap sa contacts ang kaniyang number. Nang mahanap ko ay agad akong nagdalawang isip kong tatawagan ko ba o hindi.

"Pero, ano namang sasabihin ko?" Bulong ko sa sarili. "Salamat?"

I bit my lower lip while staring at his number. An idea immediately flashes like a thunder inside my head. Agad kong di-nial ang number niya at tumikhim muna bago hinarap sa tenga. Pagkatapos ng tatlong ring ay agad din niyang sinagot.

"Hello—" hindi ko pa man natatapos ay ang masayang boses na niya ang bumungad sa akin.

"Tumawag ka!" He said merrily. I lick the insides of my cheeks and went to my swiveling chair.

"Kailan uwian niyo?" Tanong ko bago kabadong umupo sa upuan ko at bahagya iyong pina-ikot.

"Why? You want to go somewhere, else? Huh?" Bakas ang panunukso sa boses niya. "Come on. Name it. I can ditch my class for you... my friend!" Sabay tawa niya.

Napangiwi ako at tinigil ang pag-ikot sa swiveling chair. "Hindi. Isasauli ko ang mga lunchbox mo. At may pag-uusapan tayo."

Ilang ulit ko na kayang sinabi sa sarili na hindi na ako makikipagkita sa isang 'to? Hindi ko na ata kayang bilangin.

"Sure! I'll end my class at exactly five!" Nangunot ulit ang noo ko ng marinig ko sa kaniya ang word na 'I'll'.

"Kailan ba uwian niyo, ha?" Tanong ko.

"Why? Ako na ang bahala sa mga subjects na—" hindi ko na siya pinatapos.

"Edi hindi na lang ako pupunta diyan," pabagsak kong saad na agad namang ikinataranta ng boses niya.

"What?! Mas mabuti nga iyong maaga para magkausap tayo ng maayos 'di ba? Don't mind my classes—"

"Anong don't mind? Hoy! Huwag kang magkakamali na mag-ditch ng klase, college ka na nga gumagawa ka pa rin niyan? Aba!? Magaling!" I scoffed.

"Because, I have a reason. Para naman maka-save ka ng time mo 'di ba? I'm the one who's adjusting here," he complained.

Napabuga ulit ako ng hangin. So, kasalanan ko pa? Wow! Ang laki naman ng utang na loob ko kung ganoon. Nakaka-imbyerna.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim.

"Huwag kang magdi-ditch ng klase, okay?" May pinal sa sinabi ko. Dinig na dinig ko ang marahas niyang singhap sa kabilang linya.

"I swear! I can do it!"

"Isa! Walang magdi-ditch ng klase. Hihintayin kita sa labas ng gate niyo mamayang alas-syete. Isasauli ko ang lunchbox at may pag-uusapan tayo."

"But—"

"Wala ng pero pero! Bye." Agad kong pinatay ang tawag at agad na nanghihinang napasandal sa marahang umiikot kong swiveling chair.

"Ang sakit sa ulo," ani ko sabay hilot sa sentido.

Ibinuka ko ang mga mata ko at napatingala sa ceiling. Ano bang meron sa lalaking 'yon at pati buhay ko ay ginugulo? Nagsimula 'yon sa banggaan at sa motor ko. Akala ko ay hindi na kami magkikita pa pero bakit may lunchbox na naman ngayon? Pero bakit ba atat akong hindi na siya kitain pa?

Napailing ako at umayos na ng upo at itinuon na lang ang pansin sa trabaho. Una kong tinapos ang mga papeles na umabot naman ng mahigit apat na oras. Pagkatapos no'n ay sumama muna ako sa mga kasamahan kong kumain. Kinakantyawan pa ako dahil daw sa may batang manliligaw na daw ako. Ano ba namang pag-iisip meron ang mga damuhong 'to?

Pagkatapos no'n ay nagpasama ako kay Lupin na pumunta sa department namin sa Pasay. Natagalan pa dahil may pinag-usapan na naman sa gaganaping raid. Pagkatapos ay bumalik na naman sa Manila Police Department para pangunahan ang ibang mga pulis sa mga dapat na gawin nila ngayong araw. Nang makita ko sa palapulsuhan na pasado alas-sais na ng hapon ay naghanda na ako para sa pag-alis. Hinugasan ko muna ang mga lunchbox at pinatuyo bago nilagay sa kaniya-kaniya nitong mga paperbag.

Pinusod ko muna ang buhok ko bago nagsuot ng itim na sumbrero at itim na leather jacket. Hinayaan ko iyong nakabukas para makita ang nakatuck-in kong white t-shirt. Nang mapansing ready na akong umalis ay nagpaalam na muna ako sa mga kasamahan na aalis muna at babalik din agad.

Mahigit kalahating oras din ang binyahe ko papuntang UST. Nag-park ako sa isa sa mga parking lots nila doon malapit sa Gate at lumabas ng kotse. Dito na lang ako sa labas maghihintay para makita niya ako agad. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang oras. Sampung minuto na lang ay mag-aalas-syete na. Agad namang may nag-pop up na message doon, galing kay Chrispher.

Chrispher:

Where are you?

Nagtipa ako ng isasagot.

Ako:

Nasa labas na ng gate niyo. Ikalawang parking lot.

Chrispher:

—I'm on my way.

Pinatay ko na ang cellphone ko at nilagay sa magkabilang bulsa ng leather jacket ang mga kamay dahil nakakaramdam na ako ng lamig. Sumasayaw ang mga mumunti kong buhok sa noo dahil nadadala ng malamig na hangin. Napatingala ako sa langit ng makita ko kung gaano kaganda ang mga bituin sa langit mula sa pwesto ko. Napangiti ako ng makakita pa ako ng shooting star.

"Miss Police!" Agad na dumako ang tingin ko sa tumatakbong si Chrispher na papalabas pa lang ng gate. Kitang kita ko ang mga matataas niyang hita dahil sa bilis ng kaniyang takbo, iyong tipong parang hinahabol lang ng aso. Nakasuot siya ng gray na hoodie jacket at ripped jeans.

Napaayos ako ng tayo at hinintay siya na makalapit sa akin. Tumigil siya sa harap ko na hawak hawak ang tuhod at huminga ng malalim. Nagtataas baba pa ang balikat dahil sa pagkalap ng hangin.

"Ba't ka kasi tumakbo?" Sermon ko.

Inangat niya lamang ang kaniyang kamay bago nag-thumbs up. Hinintay ko muna na kumalma ang paghinga niya. I crossed my arms over my chest while looking at him.

"I'm afraid... you might get bored waiting for me... that's why," hinihingal pang aniya. Ilang kilometro ba ang tinakbo ng isang 'to?

Napabuga ako ng hangin at hindi makapaniwala siyang tinitigan. Iyong tipong isa siyang mathematical equation na sobrang bago pa lang sa akin at hindi talaga kayang kuhain ng utak ko.

"Hindi ako madaling ma-bored, lalo na kapag importante ang pakay ko," ani ko at tumalikod sa kaniya. Habang binubuksan ko ang pintuan ng frontseat para kuhain ang mga paperbag niya ay narinig ko siyang nauutal na nagsalita.

"I-importante? T-talaga?" Bakas ang mangha at tuwa sa boses niya ng sabihin 'yon. Hinarap ko siya at inabot sa kaniya ang paperbag. Nagkagat labi siya para siguro itago ang malaking ngiti pero kahit iyon ay walang nagawa.

"Oo," ani ko at ininguso ang paperbag na agad niya namang inabot.

Bahagya pang dumaplis ang kamay niya sa kamay ko na nagbigay ng kakaibang elektrisidad sa akin. Nang inangat ko ang tingin ko sa kaniya ay klarong-klaro ko ang pamumula ng kaniyang tenga. Tumikhim ako at sumandal sa hood ng kotse ko.

"Salamat nga pala sa mga pagkain," I gave a small smile to him, it made him smile wider.

"Does it taste good?" A slight worry crossed his eyes. Napangiti ako.

"Sobra, galing mong magluto ah?"

He chuckled and slightly scratch his hair. "It's a hobby." Nakangiti akong tumango bago nagsalita.

"Na-appreciate ko sobra, pero... baka nakakaabala na sa pag-aaral ang ginagawa mong 'to. Gigising ka pa ng maaga para magluto tapos—" hindi niya ako pinatapos.

"No, nageenjoy naman ako, tsaka madalas talaga akong nagigising ng maaga kaya okay lang na ipagluto kita ng... lunch... 'di ba?" He gulped. Bakas ang takot sa mukha at mata niya sa hindi ko malamang dahilan. "A-and... I want to be your f-friend... t-that's why."

Tinitigan ko pa siya ng ilang saglit bago nag-iwas ng tingin at napatikhim. Umayos ako ng tayo at nginitian siya. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid bago binalik ang tingin sa kaniya. I can clearly see a spark within his eyes. His messy hair and sweaty forehead made him even look more... fascinating. Pasimple kong iniling ang ulo bago siya ulit tinitigan.

"Hindi mo na ako kailangang ipagluto para maging kaibigan mo lang," I smiled and reach for his shoulders. I tapped it two times. "Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka."

Namilog ang mga mata niya at gulat na napatitig sa akin. Tinalikuran ko na siya at umikot na papuntang driver's seat. Binuksan ko ang pinto at bago pa man ako makapasok ay nagsalita siya.

"I can visit you... right?" Kinakabahan niyang tanong. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niyang tila nag-aalala sa maaari kong sabihin. Napangiti ako at tumango.

"Alis na ako," ani ko at pumasok na sa loob ng kotse. Nakitaan ko pa siya ng tagumpay na ngiti bago ako tuluyang nakaalis.

I pursed my lips while trying to hide a smile, pero talagang hindi ako nagtagumpay.

Continue Reading

You'll Also Like

940 80 16
Averina Perez hopes for the attention and love of Logan Bustamante. The basketball team captain and heartthrob of the engineering department. Her hig...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
168K 4.1K 39
Greed Ryder Tatus is an excellent Doctor in morning and a Reckless racing driver at night that's his life...BEFORE. Dahil guguluhin ni Azalea Mireill...
754K 12K 74
Maybe her husband doesn't have any idea yet. But she already knows she's not the only one anymore. ••••• Siya nga pala si Zabrina... Naging artista...