PEARL OF A TOMBOY

By Expressizismission

40K 783 418

-One Night Wedding Series #2- Virginity is the most precious thing for a girl and what if a tomboy lost it? •... More

PEARL OF A TOMBOY
E P I S O D E 1 - C O U S I N
E P I S O D E 2 - L A S T
E P I S O D E 3 - A L A M
E P I S O D E 4 - A R A L
E P I S O D E 5 - W I S H
E P I S O D E 6 - S U N S H I N E ' s
E P I S O D E 7 - C A R D
E P I S O D E 8 - H A P P Y
E P I S O D E 9 - W O R S T
E P I S O D E 1 0 - N E I G H B O R
E P I S O D E 1 1 - P E R F E C T
E P I S O D E 1 2 - K A B A
E P I S O D E 1 3 - G U Y
E P I S O D E 1 4 - D I N N E R
E P I S O D E 1 5 - G E N T L E M E N
E P I S O D E 1 6 - B A B A E
E P I S O D E 1 7 - F O R G I V E N
E P I S O D E 1 8 - L I P S T I C K
E P I S O D E 1 9 - E N G A G E M E N T
E P I S O D E 2 0 - R I G H T
E P I S O D E 2 1 - L I K E
E P I S O D E 2 2 - R E A L L Y
E P I S O D E 2 3 - G U S T O
E P I S O D E 2 4 - H A L I K
E P I S O D E 2 5 - M U N D O
E P I S O D E 2 6 - B U T I
E P I S O D E 2 7 - W H I T E
E P I S O D E 2 8 - L O N G
E P I S O D E 2 9 - E A S Y
E P I S O D E 3 0 - M A C Y
E P I S O D E 3 1 - S O M E T H I N G
E P I S O D E 3 2 - T I B O K
E P I S O D E 3 3 - S T I N K
E P I S O D E 3 4 - M A L A L I M
E P I S O D E 3 5 - Y O U
E P I S O D E 3 6 - H I N D I
E P I S O D E 3 7 - T R U S T
E P I S O D E 3 8 - F R E S H
E P I S O D E 3 9 - S I Y A
E P I S O D E 4 0 - T W I S T
E P I S O D E 4 1 - S T A Y
E P I S O D E 4 2 - M A L A Y
E P I S O D E 4 3 - B Y E
E P I S O D E 4 4 - W E D D I N G
E P I S O D E 4 5 - C E O
E P I S O D E 4 6 - E X
E P I S O D E 4 7 - L O C A T I O N
E P I S O D E 4 9 - C O M M U N I C A T I O N
E P I S O D E 5 O - A P P L E
E P I S O D E 5 1 - N G I T I
E P I S O D E 5 2 - N O T I C E
E P I S O D E 5 3 - S O R R Y
E P I S O D E 5 4 - F E A R
E P I S O D E 5 5 - F I G H T
KREIT TRISTAN T. HALLSTONE
THANK YOU!

E P I S O D E 4 8 - M E E T I N G

216 4 1
By Expressizismission

Chapter 48

"How about the car?" Hinahabol na ako ni Ivan papalabas pati ang salesman ay nakikihabol na rin.

Binigay ko sa kaniya ang card ko. "Ibalik mo nalang sa akin sa mansyon, ipadeliver mo na rin sa mansyon 'yong mga kotse," bilin ko bago siya tinalikuran. Napahinto siya.

"I thought you were going to transfer to your condo?" Sigaw niya dahil palayo na ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

"Gawin mo nalang 'yong sinabi ko sayo!" Sigaw ko pabalik.

Halos matapilok na ako sa bilis kong maglakad papalabas. Paglabas ko ay inilibot ko ang paningin ko sa mga kotse lalo na sa mga dumaraan. Sinong susundo sa akin?

Napagtanto ko 'yon ng makita ang pamilyar na kotse niya. Humaharurot iyon sa papunta sa direksyon ko. Bakit siya pa? Bakit siya na naman? Kapag naiinis ako lagi siyang naroon para pumarte sa mga nang-iinis sa akin. Tsk! Mga board of directors talaga!

Nakapameywang akong naghintay hanggang sa tumapat ang kotse niya sa akin. Um-aura kaagad ako para professional. Binaba niya ang bintana.

"Get in," utos niya ng hindi tumitingin sa akin. Hindi man lang ako pagbubuksan? Sa bagay, kahit dati naman hindi. Wait, pinagbuksan niya na ba ako dati? "I said get in," utos niyang muli na tila napipigtas na ang kaniyang pasensya, pairap siyang nag-iwas ng tingin.

Umirap muna ako bago ko binuksan ang pintuan sa backseat at roon naupo. Humalukipkip ako at naghintay sa pagharurot ng kaniyang sasakyan.

"Get in the front seat," utos niya na naman.

Kumurap lamang ako at umaktong walang naririnig. Hindi ako makikinig sayo kahit na nagmamadali pa ako o ano. Kailangan ko na talaga nang driver.

"Uupo ka sa harap or we'll stay burden in here," pangongondisyon niya.

Tiningnan ko ang likod namin, marami nang nakapila at iba ang nasa likod naming ay bumubusina na. Bumuntong hininga ako. Tangina, talo na naman. Bumaba ako at umikot pasakay sa harap.

"Seatbelt please," aniya sa ganoong tono parin.

Naiinis na nagseatbelt ako. Matalim ko siyang nilingon. "Ano pa?" Sarkastikong tanong ko, kunwari pang nagmamabuti.

"Good," ngisi niya at pinaharurot na niya ang sasakyan.

Sampung minuto lamang ay nakarating na kami sa kompaniya. Paglabas naming ng sasakyan ay sinalubong kaagad kami ng mga secretary namin.

"Madam," ani Bernadeth at kinuha sa akin ang bag ko.

Kasabay naming sina Kit at ang kaniyang secretary sa elevator. Pagdating naming sa naturang palapag ay nagkalat ang mga board sa labas ng meeting room na may kaniya-kaniyang agenda. Nagulat rin ako na naroon sina tita Trina at tito Jonash.

"Hija, I thought you can't make it!" Sinalubong ako ng halik sa pisngi ni tita Trina.

"Ako nga rin po,"pilit na ngiting sagot ko. Akala ko nga hindi na ako makakaabot dahil sa maarte at nakakainis ang anak niyo.

"Mabuti nalang nandiyan ang anak ko," nalulugod na aniya at nilingon si Kit na nakatingin lamang sa amin. Hilaw akong ngumiti.

"Everyone, let's proceed!" Pormal na tinuro ni tito Jonash ang meeting room ng makitang narito na ako.

Palingon-lingon ako sa pinto habang nagmimeeting. Nasaan na si Andson? Seryoso talaga siyang si Kit na ang maggaguide sa akin?

Tumigil nalang ako sa paglingon sa pinto. Sa bagay kailangan na nilang magpakasal nina Shana. Ilang taon na silang hindi naikakasal dahil sa akin.

"I will be leaving the company with the leadership of my son, permanently..."

Napatayo ako roon dahilan ng paglingon ng mga ulo sa akin. Para silang mga domino sa sunud-sunod pa nilang paglingon.

"Ah..."

"Are you objecting, Ms.Hartsberd?" Tanong ng isa sa mga board. Nakakunot ang noo nito, minasama ang naging reaksyon ko. Hindi ba puwedeng napatayo lang kasi feel ko tumayo?

"No, I just felt something," pagsisinungaling ko na sana hindi ko nalang sinabi. Nagsisi akong sumagot pa ako. Umupo nalang ako habang ang iba'y natatawa sa sinagot ko.

Anong something na nafelt ko? I felt the danger. It is coming, very... Very soon.

May amuse sa mukha ni tito Jonash na nasa harapan habang si tita Trina sa nakaupo malapit sa kaniya ay napatakip sa kaniyang bibig, natatawa sa kahihiyang dinanas ko. Ang kaniyang magaling na anak ay nakakunot lamang noo sa akin.

At iyon na nga ang nangyari sa huli ay siya na ang naging official chairman, hindi na acting. Syempre, papanig ang lahat ng board of directors sa kaniya. Walang kinuwestiyon ni isa sa kaniyang skills bilang isang businessman. Lahat pinuri.

Sana pala naging maingat ako noon. Ang 50 million! Sana pala hindi ako nagmarunong. Tinry ko lang naman magpaka-independent sa gaanong paraan pagkatapos dito ang bagsak ko.

"Congratulations, Mr. Hallstone!"

"I am relying on you, Mr. Hallstone!"

"I heard about your hotel in Nashville, it was a smooth successful one!"

Kabila't kanan ang nakuha niyang papuri matapos ang meeting. Lahat ng board of directors ay nagkagulo para kamayan siya. Mga sipsip talaga!

Tumayo na ako para sana dumalo kina tita Trina at tito Jonash ng mapadpad ang mata sa akin ng isang board. Huli ka!

"Ms.Hartsberd. aren't you going to congratulate our new chairman in charge?" Tanong niya. Masyado niya iyong nilakasan na nagsilingunan ang mga ulo sa direksyon ko. I feel pressured na agad.

"Well..."

Kunwari akong bumalik sa direksyon ni Kit. Syempre, kunwari masyado silang marami kaya hindi na ako nakigulo.

Nasa spotlight na naman ako. Lahat sila ay nakabigay daan para macongratulate ko ang new chairperson na ngayon ay nakatayo. Nakapamulsa at pailalim ang tingin sa akin. Galit ba siya? Pinagmamasdan ang bawat kilos ko papalapit sa kaniya.

"Congratulations, Mr. Hallstone. I'm looking forward on working with you," pormal na pormal ang boses ko. Pati ang paglahad ko ng kamay, hindi moa lam kung excited ako o kinakabahan. Bakit baa ko kinakabahan?

"Sure," aniya bago tinanggap ang kamay ko. Tumambol ang puso ko sa maikling paghahaplos niya ng kamay naming. Napatingala pa ako sa kaniya. Umangat ang gilid ng labi niya roon.

Matapos ng kaguluhan sa meeting room ay nagyaya si tita Trina ng family dinner bago raw sila lumipad papuntang Nashville.

"Baka po..."

Ano na namang idadahilan ko nito? Help!

"Huwag ka ng magdahilan, I know naman na ayaw mo lang makasalamuha ang anak ko and it turns out na kayo ang magsasama sa trabaho. But, Akalesha, it's all my fault-"

"Tita, wala pong kinalaman po 'yon doon. Inaasikaso ko lang po kasi ang paglipat ko sa condo at 'yong kotse ko po nasira rin pero kaya ko naman pong ipagpaliban 'yon para sa dinner, iniisip ko lang po kung ano po 'yong gagawin ko mamaya," mabilis na explanation ko. Baka sabihin hindi pa ako nakakamove-on.

"Your car? What happened to your car?" Nag-aalalang tanong nito. Syempre, bilang siya ang Trina Hallstone hindi mawawala ang pag-aalala niya sa mga bagay na ikinawiwili niya.

"Nasira po kasi hanggang ngayon nasa pagawaan parin po, luma na po kasi. Pero mabuti naman po nakabili na po kami ng bago ni Ivan," tugon ko naman. Sinusulit ang pagkakataong nailiko ko ang topic sa kaniyang anak.

"Oh! Ivan," binigyan niya ako nanunuksong ngiti. "Are you two an item?" Nagugulantang niyang tanong.

Item? Baka friends. "Opo," nakangiting tugon na may kasamang ngiti.

"Alesia's right! How about my son?" Muntik na akong mapasapo sa ulo ko. Balik na naman sa kaniyang anak.

"Mother," singit ni Kit.

Napakislot kaming pareho ni tita Trina sa pagdating ng kaniyang bunsong anak. Seryosong-seryoso ito, walang bahid ng joke.

"Dad's waiting for you, may meeting pa kayo with the board of directors," aniya sa kaniyang ina.

"Oh! Alright!" Tumango ang si tita Trina. "Akalesha, the dinner," paalala niya sa akin bago siya umalis.

Akala ko ay aalis na rin itong kasama ko ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Let's talk," mariing bulong niya at hinila na ako.

"Teka!" Wala na akong nagawa kundi sumunod sa daloy ng hawak niya. Nakita ko ang gulantang sa itsura ng dalawa naming sekretarya.

Walang habas niyang binuksan ang pintuan sa aking office at doon kaming dalawa ay pumasok.

"Ano 'yon?" Iritang tanong ko ng bitiwan niya ang hawak sa aking palapulsuhan.

Neutral lamang ang emosyon niya ngunit nararamdaman ko ang galit niya. Inayos niya ang kaniyang coat at sa halip na sumagot ay naglakad siya papuntang table ko.

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko sa pag-upo niya sa swivel chair ko. Nagmartsa ako papunta sa kaniya. Nilapag ko ang kamay ko sa table sa inis ko.

"Ano 'yon ah? Bakit ka pa nanghihila, ah? Sasama naman ako sayo..."

"Sasama ka talaga sa akin?"

Na-speechless ako sa tanong niyang 'yon. Parang iba ang tono lalo na ang seryoso pa ng pagkakasabi niya. Saan naman niya ako dadalhin.

"Ano bang pag-uusapan natin? Tsaka umalis ka nga diyan, ako dapat diyan eh." Humalukipkip ako, hinihintay siyang umalis.

"When we're alone together..."

Nanatili ang tingin niya sa kamay ko nang bigla niya na lamang kinagat ang ibabang labi niya. Tinanggal niya iyon baka unti-unting umakyat ang tingin sa akin.

"I am your boss and you are my employee," halos pabulong niyang dugtong.

Hindi ako nakaalma dahil masyado akong nadadala sa mapaglaro niyang mga mata.

"You listen to me and I'll listen to you, are we clear?" Tumaas ang kilay niya.

"O-Oo na!" Kurap-kurap pa ako at nailing-iling sa gilid, unti-unting nakakawala sa mga malalalim niyang titig.

"That's how I like it," ngising tagumpay na anito.

Ilang saglit kaming nagkatitigan. Bahagyang nakaangat ang gilid ng kaniyang labi habang nakatitig sa akin at ang kaniya namang mga mata ay natutuwa sa hindi ko alam na rason. Nakakunot lang ang noo ko at hinihintay siyang umalis o magsalita.

"Hindi ka pa aalis?" Tanong ko ng mailang ako sa magulong titigan namin.

"I'm talking to you, you and I alone," walang kuwentang sagot niya. Pumangalumbaba siya at nanatili ang titig sa akin.

"Hindi ka alone, nandito ako," walang kuwentang tugon ko rin.

Kapag sinagot ka ng walang kuwenta, bumawi gamit ang walang kuwentan paraan.

"Do you want us to talk... In my office, maybe?" Mabagal ang pagkakasabi niyang iyon, nang-aakit habang nakatitig sa akin.

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Kunwaring napapaisip sa tanong niya.

"Siguro?" Wala sa sariling sagot ko.

Lumaki ang kaniyang mata, natutuwa sa lutang na sagot ko.

"Ay hindi, ditto nalang pala!" Mabilis kong bawi.

"Then, have a seat." Iminuwestra niya gamit ang kaniyang libreng kamay ang upuan sa tabi ko.

"Dito? Talaga?" Turo ko sa upuan. Naiirita dahil nagmumukha na akong alila parang 'yong secretary niyang buntot ng buntot sa kaniya. Grabe naman 'yong kurba ng katawa no'n.

"Why? Do you want to sit on my lap?" Dagdag katanungan niya imbes na sagutin ako.

Naitago ko ang gulat ko sa kaniyang tanong ngunit ang pamumula ko ay hindi. Naalala ko ang huli gabi namin. Hindi lang pag-upo ang ginawa ko. Nakakahiya! Bakit naiisip ko 'to ngayon?

Yumuko ako at dahan-dahang umupo sa libreng upuan.

"That's what I said..." Bulong niya. Ako ba kinakausap niya? Nagdiretso siya ng upo at naiwan sa table ang kaniyang malalaking pares ng kamay. "What you did right there is inappropriate."

Nag-umpisa na ang seryosong usapan. "What did I do?" Kumunot ang noo ko.

"Standing in the middle of the discussion without a reason. Do you always do that? Spacing out in the middle of an important meeting? The board of directors are watching you, Akalesha."

"Eh syempre, bawal akong magkareaksiyon? Hindi ko gusto sinabi ni tito Jonash, ah. Tsaka, who cares? I am the Company Executive Officer also known as the CEO!" Pagmamalaki ko.

Tumango-tango siya. Humalukipkip at sumandal sa aking swivel chair. "Very good." Bahagya siyang nangiti roon.

"So, mali ba talaga ako?" Hamon ko ngayon. Nakagain na ako ng kaunting confidence dahil sa papuri niya.

"Yes," mabilis na sagot naman niya.

"Ano ba talaga?" Naguluhan ako bigla.

"What you did was wrong in terms of respecting and listening to the speaker. The confidence that you showed me is for the board of directors, they don't need your respect because they don't respect you in the first place. But to others who idolize or looked up on you as a leader, you do the first thing I said," he leaned to the table.

"Pero hindi na ba magbabago sa akin tingin nila? Insultong-insulto kaya ako kaninang pinalibutan ka nila," sumbong ko.

"Confidence, that's what you need. You lack of confidence, Akalesha. That's why they see you as a dumb person who stepped in the company just because she's the heiress, because she had the money."

"Confident naman ako," bulong ko.

"You have the confident as a person but how about in handling a project. You have to take the risk. You lost fifty million, so what? You still have enough money behind you, you can still make another project surpassing the millions you lost. You understand me?"

Hindi ako nakapagsalita sa sunud-sunod niyang atake. Dahan-dahan akong tumango.

"Email me all of the upcoming projects and proposal this month with your opinion and ideas," nagmamadaling bilin habang inaayos ang butones ng kaniyang coat. Tumayo na siya, nakadungaw sa akin na sinasaulo ang mga sinasabi niya.

"We'll have a meeting tomorrow at Sunshine's." Kinagat niya ang ibabang labi niya, pinipigilang mangiti.

Dahan-dahan akong tumango. Umalis na siya pagkatapos.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

491K 8.2K 51
I'm a F*cker but I didn't wish to become a Mother. -- -- [A/N: 'GENERAL FICTION' po ang Category nito (bukod sa Humor) kaya warning lang sa mga HINDI...
57.7K 4.5K 48
Zeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to pain...
19.5K 245 34
Lorraine Fuego is just another typical city girl. Shopping, Bar hopping, hang out with her friends---- iyan ang buhay niya sa Manila. Paano kaya kung...
23.5K 1K 42
Maganda Mabait Masayahin Inosente ... She is the captain's tale.