PEARL OF A TOMBOY

By Expressizismission

40K 783 418

-One Night Wedding Series #2- Virginity is the most precious thing for a girl and what if a tomboy lost it? •... More

PEARL OF A TOMBOY
E P I S O D E 1 - C O U S I N
E P I S O D E 2 - L A S T
E P I S O D E 3 - A L A M
E P I S O D E 4 - A R A L
E P I S O D E 5 - W I S H
E P I S O D E 6 - S U N S H I N E ' s
E P I S O D E 7 - C A R D
E P I S O D E 8 - H A P P Y
E P I S O D E 9 - W O R S T
E P I S O D E 1 0 - N E I G H B O R
E P I S O D E 1 1 - P E R F E C T
E P I S O D E 1 2 - K A B A
E P I S O D E 1 3 - G U Y
E P I S O D E 1 4 - D I N N E R
E P I S O D E 1 5 - G E N T L E M E N
E P I S O D E 1 6 - B A B A E
E P I S O D E 1 7 - F O R G I V E N
E P I S O D E 1 8 - L I P S T I C K
E P I S O D E 1 9 - E N G A G E M E N T
E P I S O D E 2 0 - R I G H T
E P I S O D E 2 1 - L I K E
E P I S O D E 2 2 - R E A L L Y
E P I S O D E 2 3 - G U S T O
E P I S O D E 2 4 - H A L I K
E P I S O D E 2 5 - M U N D O
E P I S O D E 2 6 - B U T I
E P I S O D E 2 7 - W H I T E
E P I S O D E 2 8 - L O N G
E P I S O D E 2 9 - E A S Y
E P I S O D E 3 0 - M A C Y
E P I S O D E 3 1 - S O M E T H I N G
E P I S O D E 3 2 - T I B O K
E P I S O D E 3 3 - S T I N K
E P I S O D E 3 4 - M A L A L I M
E P I S O D E 3 5 - Y O U
E P I S O D E 3 6 - H I N D I
E P I S O D E 3 7 - T R U S T
E P I S O D E 3 8 - F R E S H
E P I S O D E 3 9 - S I Y A
E P I S O D E 4 0 - T W I S T
E P I S O D E 4 1 - S T A Y
E P I S O D E 4 2 - M A L A Y
E P I S O D E 4 3 - B Y E
E P I S O D E 4 4 - W E D D I N G
E P I S O D E 4 6 - E X
E P I S O D E 4 7 - L O C A T I O N
E P I S O D E 4 8 - M E E T I N G
E P I S O D E 4 9 - C O M M U N I C A T I O N
E P I S O D E 5 O - A P P L E
E P I S O D E 5 1 - N G I T I
E P I S O D E 5 2 - N O T I C E
E P I S O D E 5 3 - S O R R Y
E P I S O D E 5 4 - F E A R
E P I S O D E 5 5 - F I G H T
KREIT TRISTAN T. HALLSTONE
THANK YOU!

E P I S O D E 4 5 - C E O

209 5 0
By Expressizismission

Chapter 45

Kapag mahal mo ang isang tao, ang kasiyahan niya ay kasiyahan mo rin. Kahit pa ang sayang iyon ay ang pagpapalaya sa kaniya. Panonoorin siyang maging masaya sa iba.

Masyadong masakit ang tinamo ng pag-ibig ko kay Kreit at kahit kailan ay hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya. O dahil mahal ko parin siya?

Magkakaakbay kami nina Ryan, Ivan, Clarence, Troy at ni Anne suot ang mga toga namin. Sa unang letrato ay nahihirapan ako sa pag-akbay dahil sa liit ko kaya naman nagpasya silang buhatin nalang.

Ang bilis ng panahon. Graduate na ako, tumingala ako sa langit at ipinakita roon ang diploma ko.

"GRADUATE NA KO DADDY!" Sigaw ko. Naghiyawan ang mga kasama ko at nakigaya rin sa akin.

"Congratulations, Aki!" Niyakap ako ni tita Trina.

"You made it!" Si tito Jonash na nakipagpfist bump muna sa akin bago niya ako niyakap.

Sumunod sina Shana at Andson, hanggang ngayon ay hindi pa sila kasal. Hinihintay talaga ang paggraduate ko.

Dumating din ang mag-asawa, nauna pang ikinasal kina Shana. Buhat-buhat ni Kris ang kanilang anak na babae. Kamukhang-kamukha ni Kris, syempre anak talaga.

"Naks! Kakagraduate mo lang pero CEO na, Akalesha lang malakas!" Salubong naman ni Alesia.

"Sure, she is," sarkastikong singit ni Andson. Nagtawanan na lamang kami dahil kinukuwento niya lahat ng piang-awayan namin na muntik ng maging dahilan ng paghihiwalay nila ni Shana.

"Alangan maraming pinagdadaanan si Aki! Kaya siya talaga kakampihan ko. Bigla-bigla pa namang umiiyak,"paliwanag naman ni Shana. Makahulugan niya pa akong tiningnan pagkatapos ng huling pangungusap niya.

"Ang sakit naman," pang-aasar ni Alesia dahil alam niya kung ano ang nangyari.

"Baby!" Sinalubong kaagad ako ng yakap ni Ivan ng makita niya ako. "My date sucks, you are so much better!" Kuwento niya pagkakalas ng yakap.

"Talaga?" Pinilit kong maging interesado ngunit masyadong okupado ang isip ko tungkol sa napag-usapan namin ni Dorothy.

Ikakasal sila? Bakit 'yong singsing pa na 'yon? Bakit ganoon kabilis? Baka totoo nga sinabi ni tita Trina na laro lang iyon para sa kaniya at si Dorothy parin talaga ang mahal niya. Kahit pa naman na maayos na kami ay wala siyang binawi sa mga nasabi niya, humingi siya ng tawad ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi na totoo ang mga sinabi niya.

Kinikirot ang puso ko habang iniisip ang mga nangyari sa amin. Ibig bang sabihin no'n wala lang iyon sa kaniya? Na habang magkasama kami ay si Dorothy ang nasa isip niya?

"Hey? Are you alright?" Nilingon pa ni Ivan si Anne na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"What happened? Is something wrong?" Lumapit sa akin si Anne at hinawakan ang braso ko. "Akalesha, what happened?" Tanong niya muli.

Pumikit ako ng mariin upang pigilan ang luha ko. "Puwede bang mauna na ako? I feel sick," dahilan ko.

Hindi nawala ang pag-aalala sa mga mata nila. Nagkatinginan silang dalawa.

"I'll drive you home, okay?" Si Ivan na kinuha ang susi sa bulsa niya.

Umiling ako. "Hindi na, dala ko 'yong kotse ko."

"But you're sick, ang init mo." Hinawakan pa ni Anne ang kamay ko. "Kunin mo na ang car mo, Ivan. We'll wait for you here," utos nito.

"Hindi na!" Inalis ko ang kamay ni Anne sa akin. Natigilan naman si Ivan sa pag-alis niya.

"Masakit lang 'yong ulo pero kaya ko pang magdrive, napuyat lang ako tsaka hindi pa ako nakakain." Humawak pa ako sa ulo ko.

"Are you sure? We can-"

"Oo, sige na." Putol ko kay Anne at tumalikod na. Pagkatalikod ko ay siya mismong pagbagsak ng mga luha ko. Pagdating ko sa kotse ko ay hindi halos ako makagalaw.

Napasubsob nalang ako sa steering wheel habang umiiiyak. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Ang sakit sakit sa puso. Pakiramdam ko ay sinasaksak ako ng paulit-ulit.

Pero anong magagawa ko? Hindi pabor sa amin ang tadhana. Siguro totoo nga ang sinabi sa akin ni Dorothy. Na hindi kami para sa isa't isa.

Gustong-gusto ko ng umuwi ngunit hindi ko magawang magmaneho. Nanginginig ang kamay kong kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Shana.

"Oh ano? Nasaan ka nagga-"

"Puwede mo ba akong sunduin ngayon?H-Hindi ko na kasi kaya,"pumiyok ako. Hindi ko na kayang itago ang sakit at lalo pa ngayon na siya ang tinawagan ko.

"Anong nangyari sayo? Nasaan ka? Hon! Andson! Nasaan ka?" Naririnig ko na ang pagpapanic sa kabilang linya. "Si Aki!" Sigaw niya.

Pinatayan ko siya at kahit nanginginig ang kamay ko ay naitext ko sa kaniya kung nasaan ako. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng kotse. Nang makita ko roon si Ivan ay pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi na siya nakapaghintay at siya na mismo bumukas ng pinto.

"What happened to you?" Tila galit pa ito. "Kanina ka pa rito... Why are you crying?" Lumambot ang ekspresyon niya ng makita ako.

Umiling ako at pilit na tinago ang mukha ko mula sa kaniya. Iniharap niya ako sa kaniya. "Wala lang 'to-" Niyakap niya ako bigla.

"It's alright," pagpapakalma niya ngunit lalo lamang ako naluha. Inayos niya ang nagulo kong buhok at hinagod niya ng marahan ang likod ko.

Naikuyom ko ang mga kamay kong kumapit sa damit niya habang ang mukha ko'y nakabaon sa dibdib niya. Sigurado akong nababasa ko siya ngunit hindi siya nagreklamo. Parang uminit ang puso ko sa yakap niya. Iniisip ko na yakap ko siya ngayon o na sana siya ang kayakap ko ngayon.

Dumating si Shana kasama si Andson. Hindi ko napansin na naroon rin pala si Anne. Niyakap ako ni Shana pagkakita niya sa akin at dinala niya ako sa kotse ni Andson. Nilagay niya ako sa front seat. Maya-maya ay sumakay siya sa driver's seat. Mukhang nag-usap pa sila ni Andson.

Pagdating namin sa mansyon ay nakaalalay siya sa akin hanggang sa kwarto ko. Nabulabog rin ang mga kasambahay namin na nakasunod rin. Dumating rin sina Alesia. Walang nagsalita sa kanilang dalawa.

Nang makahiga ako sa aking kama ay unti-unti akong kumalma mula sa aking pag-iyak. Naroon ang dalawa at hindi nagsasalita. Hindi rin ako nakaimik dahil nahihiya ako sa nangyari. Pakiramdam ko ay iiyak lang ulit ako kung magkukuwento ako sa kanila.

Tulala ako sa kisame. Masakit na ang mata ko at iniiwasan kong isipin siya ngunit hindi ko magawa. Naglandas ang luha ko pababa sa gilid ng ulo ko. Lalong masakit dahil mainit ang mga luha, parusa ba 'to?

"Mahal na mahal ko siya," wala sa sariling sabi ko. Dati rati ay tinatawanan ko lang ang mga taong iniiwan ng mahal nila o kaya naman nawiwirduhan dahil masyado silang OA kung makaiyak minsan ay may nagpapakamartyr pa. Sa mga napapanood ko sa mga palabas. Hindi ko alam na mangyayari rin pala sa akin ito. At masakit lang talaga. Sobrang sakit. Ang bigat sa pakiramdam at ang hirap kumilos.

Hindi naman ganito ang naging reaksyon ko noong umalis siya eh, noong pinaalis ko siya. Dahil kahit isipin ko pa siya ay kailangan ko paring gumalaw o kumilos dahil may kompaniyang nag-aantay sa akin. Kailangan ko paring magpatuloy kahit na iniwan ako ni Daddy. Kahit ganoon ang nangyari sa amin.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagkilos ng dalawa at humiga sa magkabilaanng parte ng kama, pinagigitnaan ako. Sa kanan ay si Shana, sa kaliwa naman ay si Alesia na nararamdaman ko sa gilid ko ang umbok ng tiyan niya. Niyakap nila akong dalawa at nadala muli ang emosyon.

"Ang sakit sakit,"nagsimula akong umiyak. Wala silang ginawa kundi yakapin ako at pakinggan ang mga hinanakit.

"Guys, past is past!" Singit naman ni Ivan at inakbayan ko.

"Sipsip! Hindi ka sasagutin kaagad niyan kung sipsip ka. Past is past sabay akbay?" Umirap si Alesia at humalukipkip.

Nagkatinginan kami ni Ivan at parehong tumawa. Ilang beses na ba kaming in-issue ng isang 'to?

"Yumi!" Ang anak nalang nila ang pinagtuonan ko ng pansin dahil nagsimula na namang magdebate ang mag-asawa. Kinuha ko kay Kris ang baby girl nila. Isinayaw-sayaw ko ito habang ibinabalita sa kaniya na nakagraduate. Tumatawa lamang ito, galak na galak sa pagsasayaw ko sa kaniya.

"Wow, what a nice mother you are," papuri ni Ivan na napatakip pa sa kaniyang bibig. May tiningnan siya sa likod pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi. "I have to go, tinatawag na ako nila Dad. Bye, babies!" Paalam pagkatapos umalis na.

Nauna na rin sina Anne, Clarence at Troy. Sina Ryan naman at ang kaniyang tita Nina ay nag-iiyakan sa gilid. Tumatawa lamang siya habang pinapanood ang kaniyang ina pati ang kaniyang ama ay naiiyak narin. Ang kanilang katulong ay kinukunan lang sila o vinivideohan.

"Grabe!" Napalingon kaming lahat ng marinig namin ang boses na iyon maliban nalang kina tita Trina at tito Jonash na abala sa apo nila. Buhat-buhat ni tita si Yumi habang pinapatawa naman ito ni tito.

"Pema?"Gulat na banggit ni Alesia sa pangalan nito.

"Jhun? Walen? Nandito kayo?" Isa-isa ko silang niyakap at bineso. Ganoon rin sina Shana at Alesia. Nakipagkamay lang ang mga lalaki at bumati.

"Syempre! Para sayo, Aki! Congratulations!" Umirit pa siya at binigay sa akin ang isang paper bag. "Pabango mo!" dagdagg pa ni Jhun.

"Nag-abala ka pa. Thank you!" Niyakap ko siyang muli.

"Congratulations, Aki! Mabuti kaming tao dahil inuna namin ang kaibigan kaysa sa IBA diyan, inuna ang landi!" Pinaringgan niya pa si Pema na nagtatakbong dumalo kay Ryan pagkakita niya sa mga ito.

Natigil tuloy ang drama ng pamilya at natuon sa kaniya. Salita siya ng salita ngunit mukhang walang nakikinig sa kaniya, tila nagulat sa presensya siya. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Ryan habang nakatingin kay Pema.

"Chaka! Siya pa nanliligaw. Kahiya ka, huwag dito Pemanget!" Saway ni Walen sa makabaklang tono.

"Walang hiya-hiya! Nasaan na ang mga boys? Nagpagganda pa naman ako ng todo, si Ivan?" Si Jhun na nililibot ang paningin rito at ngumunguso-nguso pa.

"Umalis na, bakla! Late kana!" Tumatawang ani Alesia.

"Haguy!" Mukhang pinagbagsakan siya ng lupa.

Dumiretso kami sa bahay upang magcelebrate. Kasama silang lahat.

"Naku! Proud na proud ako sayo!" Sinalubong ako ng yakap ni manang at hinalikan ako sa pisngi.

"Thank you po!" Niyakap ko siya pabalik.

"Halina kayo! Nakahanda na ang pagkain." Pinatuloy niya kami sa dining area, halos matibag na ang mahabang kahoy na lamesa dahil sa dami ng pagkain na nakahain. Lalo na ang mga panghimasgas. Umay!

Nauna ng umupo ang tat-dalawa lang sila? Mukhang lumandi na ng todo si Pema. Sumunod naman sina Shana, Andson, Alesia at Kris. Hihintayin ko munang makumpleto kami bago ako umupo.

"Madam, sir, magandang gabi po!" Rinig kong bati pa ni manang kina tita Trina. Nilagay nila sa high chair si Yumi katabi ni Alesia. Umupo na rin sina tita Trina at tito Jonash.

"Reynaldo! Bakit ngayon kalang?" Kaagad kong dinaluhan si tita Raine ng yakap pagdating niya.

"Congratulations! Finally, nakagraduate kana. Masayang-masayang si Alexander sa langit ngayon, nuh?" Hinalikan niya ako sa noo at niyakap muli. Naramdaman ko pa ang pagbadya ng luha ko.

"Congrats, be!" Kasama niya ate Doray na may dalang cake.

"Thank you, ate Doray!" Kinuha ko ang cake at binigay kay Manang. Nagsi-upuan na silang lahat at ako'y naiwang nakatayo. "Manang, hindi ako uupo kung hindi ka sasabay sa amin." Natigilan siya at napahawak pa sa kaniyang dibdib na tila ba naging emosyonal sa sinambit ko. Umupo siya sa natitirang upuan maliban sa upuan sa kabila na katapat ng sa akin na iniwan kong espasyo para umupo siya. Alam ko namang nandito siya.

"I'd like to take this moment to thanked everyone, each of you. In general, thank you for taking care of me and thank you for bearing with me through all these years. Alam kong unang hakbang palang itong nagagawa ko but your support made me feel like I am now a successful." Pinigilan ko ang sarili kong maluha habang isa-isa silang tinitingnan.

"Naiiyak ako kahit hindi naiintindihan, bakit ganoon?" Umatras ang mga luha ko at natawa sa biglang ni Walen.

"True! Ang powerful niya," sumang-ayon naman si Jhun. "Sige, tuloy na." Nahiya ito bigla.

"Daddy, alam kong nandito ka." Nilibot ko ang paningin ko, sa huli ay tumuon iyon sa upuan na para sa kanya. "Lagi ka namang nandito eh. Maraming salamat sa mahabang pasensya mo para sa akin at maraming salamat dahil buo ang pagmamahal mo sa akin, na pakiramdam ko ay hindi ko nasuklian. Kaya susuklian ko hanggang nabubuhay ako, Daddy. Kung hindi ko man mahigitan iyon sana mapantayan ko. I love you always, Daddy." Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi.

"Manang, salamat dahil pinili mong manatili rito at alagaan ako kahit na ang kapalit noon ang pag-iwan mo sa pamilya mo. Maraming salamat dahil tinuring mo akong kapamilya mo kahit hindi mo naman ako kadugo, kami ni Daddy." Nagpupunas na ngayon ng luha si manang at tumango-tango.

"Tita Trina and tito Jonash, thank you for helping me rebuilding the company. The advices and the never ending support. I promise that I will use it in everyday life. Salamat po!" Ngumiti ako sa kanila habang unti-unti silang nagiging emosyonal. "Jhun, Walen at kahit kay Pema na wala rito, salamat sa sayang binibigay niyo sa amin araw-araw. You're all my rainbow after the rain." Maarteng nagsi-iyakan ang dalawa kaya imbes na maluha ay natawa na naman ako.

"Tita Raine, maraming salamat dahil palagi ka ring nandiyan at nakaantabay sa akin. Alam mo naman na ikaw ang mother figure ko. Mahal na mahal kita! Sana makapag-asawa kana. Baka si ate Doray na 'yan," tinukso ko pa ito kaya napuno ng hiyawan sa hapag-kainan. "Thank you, ate Doray! Dahil nandiyan ka para kay tita Raine."

"Kris, thank for loving my best friend. Tumino na siya kahit kaunti." Inakbayan niya si Alesia na parang proud na proud ito. "Thank you rin sa maagang pagbibigay niyo ng pamangkin! Our precious Yumi!"

"Andson, thank you also for loving my best friend kahit na mas mahal niya ako kaysa sayo. Alam ko naman na pinagagalitan mo ako lagi dahil nagseselos ka sa amin. Just kidding! Thank you for your undying patience while teaching me so many things kahit na minsan ay pasaway ako. Thank you!" Tumango-tango lang siya, inaaasar na naman ako.

Umiling ako. "At sa dalawang taong parang mga kapatid ko na rin, ang mga lokaret. Maraming salamat kasi hanggang ngayon ay matibay tayo. Hanggang ngayon ay nanatili kayo, hindi niyo ako iniwan at hindi ko rin kayo maiwan-iwan. Si Shana na taga-luto ko at si Alesia na tiga-hugas ng plato. I love the two of you very much that I will die just for you. My best of friends!" Nagpupunas na ngayon sila ng luha nila. Pinunasan ko rin ang sa akin.

"Hindi mawawala sa lahat syempre... I want to thanked God wholeheartedly for giving this people in front me. For having them in my life. Hindi ko man na-eexpress ang sarili ko lagi pero ngayon gusto kong malaman nila na ginawa nilang best ang panahon ko na kasama sila." Kinuha ko ang wine glass at itinaas iyon sa ere. "Cheers! For the next life with you all!"

Naging masaya at emosyonal ang eksena namin sa hapag. Sa wakas at ikakasal na rin sina Shana at Andson sa susunod na tatlong buwan.

"Someone's coming back," ani Kris sa akin habang kandong ko ang kaniyang anak. Umuwi na ang lahat ngunit nanatili sila ni Alesia rito. Wala na rin kasi akong kasama dito sa mansion kung hindi si manang dahil lumipat na sina Shana sa bahay nila ni Andson.

"Anong coming?" Si Alesia na galing ng kusina upang kumuha ng snacks. Iyon lang narinig niya. Inilapag niya iyon sa center table at umupo sa tabi ng asawa niya.

Narito kami sa living room at nagbalak na manood ng tv. Maaga pa naman kaya naisipan naming ito. Tulog na sina manang, marahil pagod sa dami ng niluto kanina.

"I said someone's coming back," ulit naman ni Kris na umakbay kay Alesia at humalik pa sa pisngi. Required ba 'yon?

"Sino? Si Kreit?" Tanong naman pabalik ni Alesia. Natigilan ako ngunit agad akong bumawi at nagkunwaring nilalaro si Yumi ngunit bigla itong nagpumiglas at tumakbo sa kaniyang ina.

"Antok kana, Yumi?" Malambing na tanong ni Alesia sa anak. Tumango ang anak niya ngunit bumalik sa akin at nagpakandong muli. Humagikhik pa ito ng yumakap siya sa akin pagkatapos niya akong tingalain.

"Who else?" Tugon naman ni Kris na sa akin nakatingin. Bahagya itong nakangisi, chinecheck ang reaksyon.

"Bakit ka nakatingin?" Inosenteng tanong ko. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Babalik na talaga siya? Eh ano namang pakialam ko? Baka nga kasal na sila ni Dorothy. Hindi naman nag-imbita. Hindi ko sinabi iyon kina Shana at Alesia. Umiiyak lang ako pagkatapos ay wala namang paliwanagan na mangyayari.

Baka isinikreto nila ang kasal dahil naaalala kong pumunta ang mga Hallstones sa state. Tatlong araw lamang iyon, hindi naman ako makapagtanong kung ano iyon at aasarin lang nila ako. Nangunguna pa naman si Alesia kaya hindi ko naman mautusang magtanong para sa akin. Wala ring sinasabi sa akin sina tita Trina at tito Jonash. Mukhang pinili nalang nila na hindi nalang sabihin dahil alam nilang may past kami ng anak nila.

"He'll manage the company for good, the Hallstone Enterprise." Hindi mawala-mawala ang ngisi niya. Si Alesia ay kumakain at nakatuon lamang sa telebisyon, hindi interesado sa usapan naming ng asawa niya.

"Edi i-manage niya," tumango-tango ako.

"You're not getting it do you or you're playing innocent? Alam mo ang nangyari sa kompaniya natin dahil sa nawalang 50 million. It means you'll work together," explain niya.

Hindi ako nakapagsalita roon. Nablangko ang utak ko at wala akong maramdaman kung hindi kaba. O baka excited pa ako? Nagmerge ang dalawang kompaniya, iyon na lamang ang naging ideya ni Andson para na rin mahatak ang tiwala ng board. Kung tutuusin ay hindi problema ang nawalang pera ngunit napabayaan ang kompaniya sa pagkawala ni Daddy.

Hindi masyadong kilala ng board si Andson para pagkatyiwalaan siya at ang iba'y umalis sa kompaniya dahil sa pagkawala ni Daddy. Hindi masasabing nasa bingit na ang kompaniya ngunit kinailangan talaga namin ng tulong noon.

"Finally, the Chief Executive Officer is getting it." Panunukso pa nito.

"Huwag kang ma-excite baka hindi baggage ang dala, babae!" Sumali na si Alesia, kumakain ito at nakatuon lang sa tv.

"We'll see," hamon naman ni Kris na may nakakainis na ngisi.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

61.6K 1.4K 37
Bata pa lamang si DJ ay mahilig na ito sa Musika. Pero ang kanyang magulang ay labag dito. Sa paglipat nya ng school, makakatagpo nya si Kath, na bat...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
647K 13.5K 54
(Revised Version) Si Silendence Aiko De Asis ay isang new student sa International School for Colleges dahil sa kailangan niyang lumipat kasama ang p...
491K 8.2K 51
I'm a F*cker but I didn't wish to become a Mother. -- -- [A/N: 'GENERAL FICTION' po ang Category nito (bukod sa Humor) kaya warning lang sa mga HINDI...