Perfect Strangers

By asdfghjess

1.6M 37.2K 4.5K

"Dahil baka kung gaano kabilis dumating, ganun din kabilis mawala." More

Prologue
Chapter 1 - Katherine Ashley Aguirre
Chapter 2 - Rapist.
Chapter 3 - Tristan.
Chapter 4 - Naghubad.
Chapter 5 - Mr. Sungit
Chapter 7 - Eat.
Chapter 8 - Gwapo.
Chapter 9 - Sky Ranch.
Chapter 10 - End of conversation.
Chapter 11 - Tristan's girlfriend.
Chapter 12 - Happy family.
Chapter 13 - Human Belt.
Chapter 14 - Kapatid?!
Chapter 15 - Please.
Chapter 16 - Lets end this.
Chapter 17 - Nurse.
Chapter 18 - Angela Kate
Chapter 19 - Kash?
Chapter 20 - The past.
Chapter 21 - Oo.
Chapter 22 - Be my wife.
END OF SEASON 1
Chapter A - Cebu
Chapter B - Anything.
Chapter C - Love of my life.
Chapter D - Mess.
Chapter E - Mommy.
Chapter F - I love you.
Chapter G - No turning back.
Chapter H - Nakakainis.
Chapter I - Thank you.
Chapter J - Ipagtabuyan.
Chapter K - Terrified.
Chapter L - Soon to be wife.
Chapter M - Mommy loves you.
Epilogue
Special Chapter I
!!!

Chapter 6 - Babe.

41.4K 1K 136
By asdfghjess

Chapter 6

Nauna siyang maglakad sakin papunta sa parking ng sasakyan niya. Nakakaloka, hindi uso maghintay? Nagmamadali talaga dapat?!

Pagdating namin sa sasakyan niya ay halos malaglag ang panga ko nang pagbuksan niya ko ng pinto. I mean, binuksan niya ang pinto ng shotgun seat at nakatitig sakin.

Napaawang ang bibig ko. "Pinagbuksan mo talaga ako ng pinto?" Gulat na tanong ko.

He shook his head. "Papasok ka ba o tititigan mo nalang ako?" Aniya.

Dali dali akong pumasok sa sasakyan niya. PMS na naman si Mr. Sungit. Nang isasarado na niya ang pinto ay pinigilan ko siya, ngumiti ako ng malapad sakanya. "Thank you Tristan." Sabi ko with all smiles.

Poker face lang siya at sinarado na ang pinto.

Naku ikaw Mr. Sungit ka! Pasalamat ka gwapo ka at gentleman. Kung hindi, nahalikan, I mean nasapak kita.

Tahimik lang siya habang nagmamaneho, medyo traffic kaya naman bored na bored ako sa loob. Sinubukan kong buksan yung ipod na nakasaksak sa speakers niya. Pagtunog ay tumingin siya sakin ng masama.

Bakit ba laging PMS to?

 

I mean, oo nakakadagdag ng kagwapuhan niya yung pagiging masungit niya pero araw-arawin daw ba?

Nagpeace sign ako. "Pagamit ah? Medyo mabibingi na kasi ako sa sobrang tahimik natin eh." Sabi ko sakanya.

Umiling lang siya at tumutok ulit sa daan. Namili ako ng kanta at yun, sakto!

Blank space.

 

Nang magumpisa ang kanta ay nakangiti pa kong nakaharap sa bintana, nang hindi ko mapigilan ay napasabay narin ako sa pagkanta.

“Gotta long list of ex-lovers, they’ll tell you Im insane. Cause you know I love the players, and you love the game...” Pagsabay ko sa kanta.

Napatingin ako sakanya. Baka naingayan si Sir Sungit. Akala ko ay papatayin niya ang tugtog para huminto ako pero nagulat ako ng makita kong bahagya siyang nakangiti.

Tinusok ko ang tagiliran niya kaya napaigtad siya. "Uyy. Nainlove siya sa boses ko." Asar ko sakanya.

Nawala ang ngiti niya at naging seryoso ang mukha. "Dream on, miss."

I smirked. "Sus. Okay lang yan. Maganda naman kasi yung boses ko. No wonder nainlove ka. Okay lang yan Tristan, naiintindihan kita. Minsan nga naiinlove ako sa sarili ko sa ganda ng boses ko eh."

Sumimangot siya. "So full of ourselves, are we?" He said as he stopped the car in front of the building.

I shook my head. "Just telling the truth, sir." Sabi ko at ngumisi.

Hindi niya ko pinansin pero pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Agad eksena tuloy kami sa mga empleyado na pumapasok. Sakto namang kakalabas lang din ni Tito Gab sa sasakyan sa harap namin.

Masaya niya kaming sinalubong. "Tristan." Bati niya kay Tristan. "Good morning, Kathy." Bati naman niya sakin.

Ngumiti ako sakanya. "Good morning po Tito. Ang laki ho pala ng kompanya niyo." Sabi ko at tiningala ang building nila. Tantya ko ay nasa 30 floors ito sa sobrang taas. Yung dati ko naman kasing pinasukan ay 7 floors lang. Grabe naman tong kila Tristan.

Bahagyang natawa si Tito Gab sa akin. "Your girlfriend is so adorable Tristan. Anyways, lets get inside."

Feeling ko nangamatis ang face ko sa sinabi ni Tito! Gosh. Oo nga pala, alam nila ay kami. Goodness gracious!

"Welcome to Sandoval-Marco Inc. Kathy. Since secretary ka ni Tristan, ay sa top floor ka din magsstay. You'll have your own place just right outside Tristan's office para madali ka niyang matawag pag may kailangan siya." Paliwanag ni Tito habang naglalakad kami sa lobby.

Pinagtitinginan kami ng iilang empleyado at binibigyang galang. Narinig ko pa ang iilang mga naguusap.

"Girlfriend ba siya ni Sir Tristan? Ang ganda naman niya." Sabi ng isa.

"Di naman." Aba! Di naman, mukha mo! Ang ganda ko kaya. Echoserang babae to. If I know inggit lang to. Baka type niya si Tristan.

Ngumiti ako sa babaeng nagsalita nun at bigla siyang napayuko.

Bad ka Kathy! Sinindak mo yung babae! Akala mo naman totoong girlfriend ka!

Eh nakakainis eh. Hindi daw ako maganda?! Hiyang hiya naman ako sakanya. Etong face na to? Hindi maganda? Aba, malabo na nag mata ng isang to.

Nagulat ako ng kabigin ako ni Tristan at pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko. "Stay here, babe." Aniya.

Babe?!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya mas lalong napayuko yung babae. Si Tito Gab naman ay todo ngiti.

"Chill anak. Walang aagaw sa girlfriend mo dito.” Natatawang sabi ni Tito Gab. “Possessive." Sabi pa ni Tito.

Hindi na ko nakapagsalita. Gulat parin ako sa mga sinabi niya.

Nang nasa elevator na kami ay nadagdagan pa ang gulat ko ng maramdaman ko ang mukha ni Tristan na sobrang lapit sakin. "Behave." Bulong niya sakin.

Ngumuso ako. "Di naman ako aso." Sabi ko sakanya. Umiling lang lang siya at tumayo ng deretso.

Pagdating namin sa top floor ay nakita kong dalawa lang ang opisina doon.

I saw the sign CEO and President at each door.

Ohh.

 

Dumeretso kami sa lamesa sa labas ng President's office. Woah, presidente si Tristan? Ang bata pa niya para sa posisyon na yun. Ang galing naman niya kung ganun.

"This would be your place Kathy. But since girlfriend ka naman ni Tristan, tingin ko ay mas madalas ka sa loob kaysa dito sa labas." Ani Tito Gab nang nakangisi.

Tumango lang ako. Nako Tito, tigilan niyo yung girlfriend na yan, kinikilabutan ako. Paulit ulit eh.

 

Pumasok kami sa office ni Tristan. Puro black ang white lang ang nasa loob ng office. White walls, black couch, white ang dalawang upuan sa harap ng itim na lamesa. Black din ang upuan ni Tristan.

Nadako ang tingin ko sa lamesa niya.

Tristan Daniel Montefalco

President, Sandoval-Marco Inc.

---------------------

Fanfiction #14

I cri. Nakakakilig kayo guythhh <3

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
161K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
937K 32.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
19.8K 206 132
I wish you knew how difficult it is to get out of bed and act happy for the day, when all you want to do is break down into tears.