CIEATH

Od hara_angelica

34.7K 1.9K 84

Vessels of Martiti #3 There's a city in Vista Onse that creeps out the people living in there. Rumor says tha... Více

CIEATH
Prologue
1st Death: Stupid
2nd Death: Patience
3rd Death: Zombies
4th Death: Glare
5th Death: Creatures
6th Death: Waves
7th Death: Pissed
8th Death: Like
9th Death: VM
10th Death: Lerine
12th Death: Intention
13th Death: Choices
14th Death: Stupid
15th Death: Mystery
16th Death: Sorry
17th Death: Kill
18th Death: Lies
19th Death: Shanes
20th Death: Trap
21st Death: Untitled
22nd Death: Her
23rd Death: Wake
24th Death: Keann
25th Death: Still
26th Death: Limit
27th Death: Attacked
28 Death: Ten Seconds
29th Death: Poison
30th Death: Ella
31st Death: Confused
32nd Death: Weird
33rd Death: Walk
34th Death: Clue
35th Death: Tired
36th Death: Saved
37th Death: Captured
38th Death: Not yet
39th Death: Dale 143
40th Death: Family
41st Death: Jeremy
42nd Death: Downfall
43rd Death: Flashback
44th Death: Escape
45th Death: Unveil
46th Death: Alliah
47th Death: Hatred
48th Death: Message
49th Death: Save
50th Death: Surprise
Epilogue

11th Death: Words

522 32 3
Od hara_angelica

11th Death
Words

LAILANIE

"ANONG nangyari?" tanong ko nang makitang akay-akay ni Jeremy si Archi.

"Nabalian yata ni Ate Shane si Boss." Napangiwi si Jeremy at nanlaki naman ang mga mata ko.

"A-ano?! Is she really insane?!" Naghe-hesterikal naman si Alliah na ikinairap ko.

Kahit mabait ang pakikitungo ko sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi mairita sa mga kaartehan niya.

"Patingin ako, Archi." Lumapit ako sa kanya at akmang ang hahawakan ang braso niya nang tabigin niya ang kamay ko. Marahas akong napabuntong-hininga at naupo na lang ulit. Kahit lider namin ay pagkaarte-arte.

Mukhang malala ang tama ng braso niya pero ayaw niyang ipatingin kasi ayaw niyang magpahawak. Ang galing. Ang galing-galing mo talaga, Archi.

"Ako na lang." Biglang hinila ni Jeremy ang braso ni Archi. "Hehe. Tiisin mo muna, Boss. Kung bakit mo naman kasi inaway si Ate Shane e, tingnan mo tuloy kung anong napala mo."

Napailing na lang ako sa inaasta ni Jeremy. Sanay na ako sa pagiging isip-bata niya dahil siya naman ang pinakabata sa aming lahat. Pero ano nga bang ginawa ni Archi kay Shane para makuha niya 'yan?

"I just wanna talk to her." kalmadong sagot ni Archi.

"Bakit mo pa kasi kakausapin 'yon?! Wala namang pakialam sa atin ang isang 'yon e!" singhal ni Alliah. "Saka marunong naman na tayong makipaglaban hindi ba?! Hindi na natin kailangan ang tulong niya!"

Bahagyang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Kahit ganoon ang ugali ni Shane ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi na kami humihinga ngayon.

'Yon nga lang ay may isa rito na hindi marunong magpasalamat at tumanggap ng utang na loob.

"Ah, kaya pala kung hindi dahil sa kanya ay wala kang kakainin ngayon." sarkastiko ngunit mahinang wika ni Jeremy.

Isa pa ang bagay na 'yon. Oo nga at marunong kaming makipaglaban pero hindi naman kami marunong pumatay. Hindi namin alam ang gagawin lalo na kung ang kalaban ay hindi namin kauri. At dahil doon ay hindi kami makalabas dito at iniaasa lang kay Shane ang lahat.

"Ha! At talagang kinakampihan mo pa siya?!" Hindi makapaniwala si Alliah sa narinig. "Baka nakakalimutan mo, kami ang mga kaibigan mo!"

Hindi na ako magtataka kung mas kinakampihan ni Jeremy si Shane dahil may punto sila. Ang ipinapagtaka ko lang ay ang pagiging sobrang malapit niya sa babae na para bang matagal na silang magkakilala.

"Boss, wait lang." Kalmadong binitawan ni Jeremy ang braso ni Archi na nakangiwi lang bago harapin si Alliah. "Kaibigan? Oo, kaibigan ko kayo." Tumango-tango si Jeremy na may ngisi sa labi. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay kayo na ang kakampihan ko! Lalo ka na! Damn it, Alliah! Paano kita kakampihan kung ikaw naman mismo ang laging mali?!"

Napalunok ako sa biglaang pagsigaw ni Jeremy. Hindi na bago sa akin 'yan dahil kapag naiipon ang nararamdaman niya ay para 'yong bulkang sasabog na lang bigla. Minsan lang magalit si Jeremy at hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang nararamdaman niya ngayon. Wala kaming balak pigilan siya dahil alam naming nasa tama ang kung ano man ang sasabihin n'ya. At kailangang-kailangan 'yon ni Alliah.

"M-mali?!"

"Yes! Sino bang nasa matinong pag-iisip ang hindi marunong tumanaw ng utang na loob?! Ni hindi ka marunong magpasalamat! Ang gusto lang niya ay masunod ang rules niya pero hindi n'yo pa nagawa! O sige, sabihin na nating walang rules. Pero bakit mo ginawa?! Bakit n'yo ginawa!" Namumula na sa galit ang buong mukha ni Jeremy at masama na rin ang tingin niya kay Alliah na masama rin ang tingin sa kanya. "With or without rules, the fact na nasa ibang pamamahay kayo, sapat ng dahilan 'yon para mahiya kayo! Sabagay, delikadesa nga wala ka, hiya pa kaya? Parang may utak ka nga, hindi mo naman pinapagana." Sarkastikong ngumiti si Jeremy. "Sa susunod na magsalita ka pa ng kahit ano sa kanya, basta masama sa pandinig ko, isusumbong na kita."

"Ha! Edi gawin mo! Hala sige, magsumbong ka! Samahan pa kita!"

Sa hinaba-haba ng speech ni Jeremy ay 'yon lang ang sasabihin ni Alliah. Wala talagang utak.

"Talaga?" Nakakalokong ngumisi si Jeremy. "Alam mo ba kung gaano siya kagalit sa 'yo? Alam mo rin ba kung ano-ano ang gusto niyang gawin sa 'yo? Sige, sasabihin ko sa 'yo para magkaideya ka naman. Makinig ka sa choices na babanggitin ko. A) itulak ka mula sa rooftop, b) ipakain ka sa mga nilalang na nasa labas, c) i-dissect ang mga lamanloob mo at ipamigay sa labas, kung ayaw mo ay pwede niyang ipakain na lang sa 'yo ang sarili mo. At d) depende sa mood niya ang gagawin sa 'yo."

Napalunok ako sa mga narinig. Hindi ko mabasa sa mukha niya kung nagbibiro lang siya o hindi. Aaminin kong nakaramdam ako ng kilabot sa mga narinig. Natahimik kaming lahat nang may kumatok.

"Jeremy." boses iyon ni Shane na ikinalunok naming lahat.

"O, paano ba 'yan? Isusumbong na kita." Nakangising naglakad na si Jeremy palapit sa pinto.

"W-wag!" Biglang humabol si Alliah at hinawakan sa braso si Jeremy. "Wag, please."

"Okay, hindi ako magsusumbong pero mag-sorry ka sa kanya at magpaalipin na rin."

"A-ano?"

Sa halip ulitin ni Jeremy ang sinabi ay ginaya niya ang tunog ng orasan. "Tic tock, tic tock, tic tock. You're time is running. Tic tock, tic tock, tic---"

"Papayag na 'ko!"

"Jeremy!" sigaw ni Shane at malakas na kinatok ang pinto. "Mga bingi ba kayo ha?!"

"Buksan mo ang pinto." utos ni Jeremy. "Buksan mo na bago pa 'yan magalit ng tuluyan."

Kitang-kita ko ang panginginig at panay na paglunok ni Alliah habang mabagal na pinipihit ang doorknob. Kahit ako ay kinakabahan din.

"Kingina! Wala kayo sa horror film, mga letse!" singhal ni Shane at pwersahang binuksan ang pinto. "FYI, you're not a model so don't act like one. Lumayas ka sa harapan ko bago kita sipain."

Mahina akong napatawa sa ugali niya. She's really blunt.

"Ano 'yang dala mo, Ate Shane?"

"Hmm. Knives. Ginagamit pantanggal sa mga utak na hindi naman gumagana."

"G-gusto mong tulungan na kita?" pabulong na tanong ni Alliah.

"Oh, wow. But no thanks." Pumasok si Shane dala ang isang basket at inilapag sa center table kaya napaupo kami ng maayos. "Pwede ninyo itong gamitin pansamantala. Hindi ko na problema kung hindi n'yo kayang gumamit n'yan."

"S-sor---"

"I don't need your apology." Mabilis na hinarap ni Shane si Alliah. "Whatever did that kid tell you, I can do it if I want to." Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Alliah na napayuko na lang. "But you're not worthy of my time. Just don't go on my way or you'll see what you deserve. Tss. Walang lalabas."

Lumabas si Shane at naiwan kaming mga nakatulala. Ganoon ba talaga siya magsalita? Iniangat ko ang braso at kitang-kita ko ang nagtitindigan kong balahibo. Her words are enough to make me shiver.

Tumayo ako at mabilis na lumabas doon. Pinuntahan ko ang unit ni Shane at kumatok. Naghintay ako ng ilang minuto bago iyon bumukas.

"Hi?" Napalunok ako sa lamig ng mga mata niya.

"Tss. Bakit ba hindi kayo marunong makinig?" Umirap siya at malawak na binuksan ang pinto bago tumalikod.

Pumasok naman ako at isinara ang pintuan. Sinundan ko siya sa salas at nagkusa na akong maupo sa sofa. Alam ko namang hindi niya ugali ang mag-alok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang ginagawa niya. May mga alcohol, boteng walang laman at ilang bote na may likido. May funnel din na nakasuksok sa isang bote para hindi matapon ang isinasalin niya.

"Para sa bomba 'yan hindi ba?"

"Yeah. At alam kong hindi ka nandito para panoorin ako." Tutok na tutok siya sa pagsasalin habang maingat na tinantiya iyon.

"I'm here to thank you for saving and taking care of us." sabi ko at pinanood ang reaksyon niya. Tumango lang siya at hindi nagsalita kaya nagpatuloy ako. "And I'm sorry for my friends disobedience. I also want you to know na walang nangyari sa amin ni Archi."

"Tapos?" walang kabuhay-buhay na tanong niya at sinulyapan ako.

"Ganyan ka ba talaga?"

"Ano? Rude? Walang modo? Bastos?" Nagkibit-balikat siya. "I don't give a fuck for other's opinion. I only care for myself."

"You're unbelievable."

"I'm here in front of you so yeah I'm real. Ako ang buhay na patunay para maniwala ka. Anyway, mukhang ikaw naman ang pinakamatino sa inyong lahat, bakit hindi mo gawain iyan ng may silbi naman kayo?" Ininguso niya ang mga nasa mesa. "Those bombs can make you live longer. So if you want to live longer, fill those empty bottles with this and this. Para matuwa naman ako kahit papaano sa inyo."

Napaawang ang labi ko na agad ko ring itinikom. Napapailing na pinagmasdan ko siya bago bumuga ng hangin at magsimulang magtakal.

Hindi talaga kapani-paniwala ang bibig ng isang ito.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

7.1K 499 6
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...
1.2M 40.6K 55
"Scared already? Oh boy, you haven't even meet the real me." _ Fantavian Academy, the only academy for power users in Zanvier. It is known as the mos...
611K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
6.1K 410 27
Magnolia... Such a beautiful white flower. What would happen if this white, calm, and pretty flower would go for a disaster? Maybe this white flower...