The Governor's Daughter

بواسطة bababluster

41.5K 1.3K 112

ON GOING "It's time to put you in a box and stop thinking I was never enough." -Cirea Georgia Villareal, The... المزيد

THE GOVERNOR'S DAUGHTER
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47

Chapter 4

787 27 1
بواسطة bababluster


Chapter 4

Takas

Lumipas ang ilang araw at ganun pa din ang nangyayari. Nasa loob lang ako ng kuwarto, minsan ay nanonood ng TV, nililibang ang sarili sa groupchat. Dumalas din ang pagtitext namin ni Zeid. Thanks to him, hindi na ako nabuburyo sa mga araw na nagdaan.

Nasa harap ako ng malaki at pahabang salamin ngayon. Bahagya kasing nag fly away ang dulo ng buhok ko at ayaw ni Nana ng ganoon. Nagpadala siya ngayon ng isang parlorista.

Ngumiti sa akin iyong bakla. "Ang ganda ng buhok mo, 'neng.." aniya.

Abala si Nana sa paghahanda ng magiging meryenda noong bakla. Ngumiti lang ako at pinagmasdan siyang ginugupitan ang buhok ko. Sabi ni Nana, aayusin daw iyong bahagyang nag fly away. Pati iibahin din ang kaunting ayos ng buhok ko.

May sinasabi pa iyong bakla sa akin ngunit hindi ko na nasundan ng tumunog ang cellphone ko. Hapon na ng oras na iyon. Kinuha ko iyon sa harap at agad namang nagreklamo iyong bakla.

"Huwag kang malikot, 'neng.." saway sa akin dahil sa ginawa kong paggalaw.

Nahihiya akong ngumiti. "S-Sorry. I just need to answer this call," paumanhin ko.

Nag ngising aso iyong bakla sa akin at tiningnan ako sa salamin. Hindi ko na iyon pinansin at tiningnan na lang ang cellphone. May missed call kay Zeid. Nag iwan din siya ng text.

From: Zeid Ausborn

I'm done. Pauwi na kami ni Andrei, what are you doing?

Hindi ko namalayang nakangiti na din pala ako habang binabasa ang text ni Zeid. Nakakatawang isipin na sa simpleng tanong niya lang sa akin ng ganoon ay parang kinikiliti na ako.

Agad akong nagtipa ng mensahe.

To: Zeid Ausborn

Ginugupitan ako ngayon. Utos ni Nana, pumapangit na daw ang buhok ko, e. By the way, ingat kayo sa byahe.

Matunog na ngisi ang narinig ko kaya nag angat ako ng tingin sa salamin. Uminit ang pisngi ko ng makitang tinititigan na niya pala ako.

"B-Bakit?" Nauutal kong tanong.

"Boyfriend mo?" Pilya niyang tanong.

Umiling ako. "H-Hindi.." mahinang sagot ko dahil baka marinig ni Nana.

Nagtaas ng kilay iyong bakla. "Weh? Kung hindi, e ano? Sige. Manliligaw?" Muling hirit niya.

I sighed. Mukhang hindi ako titigilan ng isang 'to.

"Magkaibigan lang kami." tipid kong sagot at itinuon ulit ang paningin sa cellphone nang tumunog iyon.

From: Zeid Ausborn

I will. Text you later when we got home. :)

Tinago ko na lang iyon at hindi na nag reply pa. Sabi niya naman magtetext na lang ulit siya pag nakauwi na sila. Kaya kahit mag reply pa ako ngayon, hindi na siya magrereply ulit.

"Huh? Magkaibigan? Okay, let me guess. Magkaibigan kayo pero lagi kayong magkausap?"

Nag-angat ako ng tingin sa baklang nasa harap. Kulay gray ang buhok niya na halatang kinulayan. Hanggang balikat ang buhok niya. Bagsak iyon.

Tumango ako. "Oo. Paano mo nalaman?"

"Palaging may good morning and good night texts? Pinagbabawalang makipag usap sa iba?" Pagpapatuloy niya. Binabalewala ang tanong ko.

I bit my lower lip. Paano niya din nalaman ang bagay na iyon?

Naguguluhan man ay tumango ako. He sighed. Pinagkrus niya ang braso niya sa kanyang dibdib at mataman akong tiningnan.

"Huwag na huwag kang magpapahulog masyado diyan, 'neng. Mahirap 'yang m.u na yan. Tsk. Tsk." sambit niya at umiling.

Kumunot ang noo ko. M.U?

Magsasalita pa sana ako kaya lang ay nakita kong tapos ng maghanda si Nana. Dala dala ang tray at nilapag iyon sa coffee table. Tinanong niya itong bakla kung tapos na ba.

"Oo, Nana. Tapos na." sagot ng bakla at muli akong tiningnan.

"Ganun ba? Halika at mag meryenda ka muna. Pinaghanda kita.." alok ni Nana at hinila siya palabas papunta sa living room.

Namamangha iyong bakla habang umuupo sa sofa. Nag charge muna ako ng cellphone bago ako sumunod sa kanila sa sala. Nana smiled and offered me a snack, too.

"Ganda naman pala ng kuwarto ni ineng.." natatawang sambit noong bakla.

Nana smiled. "Only child, e." Aniya.

Tumango iyong bakla at tinitigan na ako. "Talagang wag kang magpapaloko, 'neng! Naku! I've been there before. Masakit. Mas mahirap maka move on kasi hindi mo alam kung dapat ka bang mag move on dahil wala namang kayo!" Umiiling na sambit nito.

Kumunot ang noo ko. "Phoebe, ano ka ba! Ano bang pinagsasabi mo dito sa alaga ko!" Saway ni Nana sakanya.

Umirap iyong bakla. Phoebe pala ang pangalan niya.

"Duh. Para aware siya, Nana! Masyado pa namang mabait itong alaga mo. Maganda pa kaya talagang delikado!" Sibat niya at muli akong hinarap.

"Naku, 'neng. Ayos lang sana kung usap lang ang habol mo. Pero kung nahuhulog ka na.. masama yan." Aniya.

Dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nitong si Phoebe, hindi ko na lang pinansin iyon at ngumiti na lang sa kanya. Ininom ko ang vitamilk na hinanda sa akin ni Nana.

"Ikaw talaga, Phoebe. Magtigil ka diyan.. baka mamaya ay kung ano ang isipin ni Georgia dahil diyan sa mga pinagsasabi mo.."

"Eh kasi, madami ng nabiktima sa text text na 'yan, Nana! Kahit ako, biktima din. Psh. Okay sana kung may label sila noong katext niya, kaso wala."

"Ano bang label na yan?! At anong text text?! Georgia, may katext ka?" Paratang ni Nana sa akin. Nanlalaki ang mata.

Nahinto ko ang pag-inom dahil doon. Binaba ko ang bote ng vitamilk. Tiningnan ko si Nana at nakitang nag-aabang ito ng sagot ko. Habang si Phoebe naman ay nakangisi lang.

"U-Uh, It's just Zeid, Nana." Mahina kong tugon.

Kumunot ang noo ni Phoebe. "Zeid? Zeid Salonga? Iyong athlete?"

Tumango. "Yes. Paano mo siya nakilala? Nagpagupit na din ba siya sa parlor mo?" Tanong ko pabalik.

Nanlaki ang mata ni Phoebe. Sa una ay akala kong dahil kay Zeid iyon ngunit nang tumawa siya at hindi makapaniwalang binalingan si Nana ay nag init agad ang pisngi ko.

Nana looked shocked.

"What the? Nana! Did you hear that? Oh my! You heard that?"

Napakurap kurap ako.

"Georgia.." tawag sa akin ni Nana.

Phoebe laughed. "Ineng! I'm Phoebe Sandoval! Famous Stylist and Make up Artist!"

Diba ganun na din yun sa parlor?

But wait..

PHOEBE SANDOVAL

THE FREAKING PHOEBE SANDOVAL.

"Yes, dear! Hay naku! It's okay. Since you're the Governor's Daughter, I will let it pass. Oh no. Grabe." Natatawa pa din niyang sambit at bahagya pang pinaypayan ang sarili kahit nakabukas naman ang aircon.

Kaya naman hanggang sa makaalis siya ay hindi pa din ako makapaniwalang si Phoebe Sandoval ang nag ayos ng buhok ko. Famous siya at palaging laman ng magazine dahil sa daming artista na gustong magpaayos sakanya. Minsan ay nagpapagawa ng gown sakanya.

Jusko, Georgia.

Phoebe left his business card to me. Aniya pag may kailangan daw ako, tawagan ko lang siya. Lalo na'y nabanggit sa kanya ni Nana na baka magkaroon ng party para sa akin.

And since I am the Governor's daughter, nag offer siya na siya ang mag-aayos sa akin. Ayos lang naman sa akin dahil sa ikli ng pag-uusap namin kanina ay masasabi kong maayos naman siya. Idagdag mo pa na masayang kausap... kahit papaano.

Zeid texted that he got home. Past 6:30 na yun. Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal yata pero hindi na din naman ako nagtanong pa. Kumakain na kami ng dinner ng oras na yon kaya hindi ko muna ni-reply si Zeid. Baka mamaya ay magalit sa akin si papá.

Tinanong sa akin ni papá kung anong nangyari kanina. Ang plain kong buhok na mahaba ay nagkaroon na ng hugis. V Shape iyon, ayon kay Phoebe kanina bago umalis. Simpleng gupit lang naman daw yon kaya mabilis natapos.

"Papá.. you didn't tell me that it's Phoebe Sandoval."

Nagtaas ng kilay si Papá. "Hindi ba sinabi ni Nana sa'yo?"

Umiling ako. He chuckled. "Baka nakalimutan niya. Alam mo naman, matanda na 'yon.."

"Siguro.. but wait, he gave me his business card. Kapag.. may event daw.." ngumuso ako. Ngumisi naman si Papá. "Yes. I decided to make him your personal stylist. Maybe not now." Nagkibit balikat ito.

Hindi na ako nagtanong pa. Tinapos na namin ang dinner, nagulat pa nga ako ng mag stay pa si papá dito sa kuwarto ko. Not that I don't want him to stay, nagulat lang talaga ako dahil hindi naman niya gawain iyon.

Tiningnan niya ang mga print documents ko. Isa iyon sa mga ginagawa kong reviewer kapag may sinend sa akin ang professor ko sa online. Gusto ko kasing matuto talaga kahit na nandito lang ako sa kuwarto ko. Minsan ay ang professor ko ang pumupunta dito para lang may maituro siya sa akin ng personal. Hindi kasi kaya kapag sa online lang minsan.

Kaya naman nang dumaan pa ang ilang araw at nang magkayayaan muli sila Zeid na tumambay sa mansyon nila, napilitan akong tumakas na lang para makasama. Hindi naman sa kinunsinti nila akong lahat na gawin iyon. Wala silang alam na tumakas lang ako.

Halos biglaan kasi ang pagyaya. Wala si Nana nang oras na iyon, abala si Papá sa trabaho at as usual, wala siya sa mansyon. So I had no choice. Nag text lang ako kay Nana at tumakas na gamit ang likod ng bahay.

Hindi naman naging mahirap sa akin ang pagpunta kila Zeid dahil bandang dulo ang mansyon nila at tanda ko iyon. Mabuti na lang at may taxi akong nadatnan sa labas kaya nakarating talaga ako.

Nilapag ni Janice ang ginawa niyang buko pastillas. Nag unahan agad sila Andrei na kumuha doon. Nagreklamo si Elise dahil kaunti na lang ang natira. Tumawa ako.

"Hindi halata na sugapa kayo.." natatawa kong asar sa tatlong lalaki.

Sinipat ako ni Cloud. "H-Huh? Hindi ako sugapa ah! Ito nga oh, bibigyan kita." Nakanguso niyang sambit at nilapag sa harap ko ang isang pirasong pastillas.

Ngumiti ako. "Thank you!"

Elise interrupted. "Teka lang, Georgia, saan mo nakuha 'yang word na sugapa na yan? Hindi ka naman nagmumura o nagsasalita ng ganyan." nagtatakang tanong ni Elise.

Napaubo naman si Andrei kaya nabaling sa kanya ang lahat ng atensyon. Tinuro ko ito.

"Sakanya ko narinig kanina," sambit ko at binuksan ang pastillas bago kinagatan.

Binatukan agad siya ni Janice dahil doon. Ang ending, silang dalawa na naman ang nagbangayan. Narinig ko kasi yun kanina kay Andrei nang inubusan siya ng pagkain kanina ni Zeid.

Speaking of Zeid, saan kaya ang isang yon?

Inuutusan ni Janice si Andrei na kumuha ng malamig na tubig. Abala si Cloud ngayon sa pag-aayos ng TV nila Zeid para makapag movie marathon ulit kami. Elise is busy on her laptop. Mukhang naghahanap na ng movie.

"Ako na lang ang kukuha." Pag presinta ko ng matantong hindi susunod si Andrei.

"Naku, gorg! Hulog ka ng langit! Maraming salamat!" Humalakhak si Andrei.

Masamang tingin ang ipinukol sakanya ni Janice. I sighed. Tumayo na ako at lumabas na ng room. Luminga muna ako sa paligid at nagbabaka sakaling makita si Zeid doon. Nang makumpirmang wala ay bumaba na ako sa hagdan para makakuha na ng tubig.

Bakit kaya sa tuwing tumatambay ay nawawala palagi si Zeid? Naalala ko yung unang tambay ko dito. Nawala din si Zeid doon at kalaunan ay nakita ko lang siya sa veranda.

Nakasalubong ko ang katulong nila Zeid nang pumasok sa kitchen. Nanghingi ako ng tubig doon sa pitsel. Mabilis naman iyong umalis para kumuha.

Habang nakatayo doon sa pinto ay nakita kong naglakad si Zeid paakyat. Napaayos ako ng tayo doon. Nakalagay ang cellphone sa kanang tainga niya. May kausap siya?

"Ito na miss," nakangiting sambit sa akin ng katulong. Inabot niya sa akin ang babasaging pitsel.

"Salamat." sambit ko at naglakad na paalis doon. Nagmamadali akong umakyat sa itaas. Nang huminto ako sa tapat ng kuwarto kung saan kami manonood ngayon, nakita ko si Zeid na pumasok muli sa veranda.

Tama nga ang nakita ko kanina. May kausap siya. He looks serious. Bahagya siyang gumalaw at tumalikod sa akin.

Pupuntahan ko sana kaya lang..

"Lika na dito, Georgia!" Nakangiting tawag sa akin ni Elise.

Tumango ako at pumasok na. Inabot ko kay Janice ang tubig. Umupo ako at tumabi kay Elise. Ngumisi siya sa akin.

"365 days!" Masayang sabi niya at tinuro ang TV.

Kumunot ang noo ko. Humiyaw si Andrei habang binato siya ng unan ni Cloud. "Anong palabas yan? Bago ba yan?" Tanong ko.

Elise nodded. "Mas wild daw yan kesa sa Fifty Shades," aniya.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman kasi alam ang palabas na yon. Horror ba yun?

Tahimik na ang lahat nang magsimula na ang movie. Mabuti na lang at may english subtitle iyon. Hindi kasi maintindihan ang language.

Tumayo si Andrei. Napatingin ako sa kanya. He playfully winked at me. "Puntahan ko lang si Zeid. Gusto niya din mapanood 'to, e."

Nag angat ng tingin si Janice. "Nasaan ba yun? Palaging nawawala." Umiling ito at muling binalik ang paningin sa TV.

Sinundan ko ng tingin si Andrei hanggang sa makalabas siya. Nakatingin lang ako doon at hinihintay ang pagbabalik ng dalawa ng siniko ako ni Elise.

"Tulala ka girl." Aniya at ngumisi.

Napatingin tuloy sa'min si Janice. "Duda ko nag-iisip na yan para sa pasukan."

Ngumuso ako. "H-Hindi naman.."

Ngumiwi si Elise. "E ano? Teka, saan ka nga pala nag-aaral ulit?"

Natawa ako ng mahina. "Home school ako girl." Ginaya ko ang word niya kanina.

Natawa na din si Elise sa akin. "Mabilis kang matuto ah." sambit niya.

"Ayaw mo bang mag-aral sa mismong university talaga, Georgia?" nagtatakang tanong sa akin ni Janice.

Napatitig ako sa TV. "Gusto din. Syempre.."

Nag pause ang palabas. Tumingin sa akin si Cloud habang pumalakpak naman si Janice. "O! Ba't di mo sabihin sa Daddy mo? I'm sure papayag yun! Kulitin mo lang!"

Elise smirked. "Tapos sa St. Claire Xavier ka mag-aral. Doon kami nag-aaral lahat. You're beautiful and smart, Georgia. I'm sure once na pumasok ka doon, you'll gain more friends. Isa pa, mapapansin ang talino mo doon.."

Nakisali na din sa amin si Cloud. "Sure din ako maraming magtatangkang manligaw sa'yo."

Uminit ang pisngi ko. "H-Hindi naman siguro.."

Tumili si Janice at sinundot ang tagiliran ko. "Omg! Kaya bet na bet kita. Humble!" She winked at me.

Elise smiled. "Try to convince your dad, Georgia. Papatapos na ang summer.. hindi natin alam kung kailan ulit tayo makakapag bonding. But if you're there, madalas tayong magkikitang lahat."

"Isa pa, you want to experience the normal life, right?" Segunda ni Janice.

Tumango ako at sinabi kong pag-iisipan ko. Totoo naman kasi. I want to think of it. Gusto ko nga na maranasan ang normal na buhay. Iyong hindi palaging nakakulong.. pero paano?

Kaligtasan ko ang pinag-uusapan dito.

Janice continued the movie. Tumahimik na sila at tinuon na ang atensyon sa palabas. Ngunit ang isip ko ay hindi nanahimik. Patuloy kong iniisip iyong mga sinabi sa akin nila kanina.

The door opened. Pumasok si Andrei doon. May dala ng pop corn. Nilapag niya ang mga ito sa harap namin bago tumabi kay Cloud.

Sumunod na pumasok ay si Zeid. Madilim ang kanyang tingin. I almost jumped when our eyes met.

"Zeid!" Tinig ko. Hindi nakatakas ang tuwa doon.

Nilingon ako ni Janice. Nagtataka sa ginawa ko.

"Luh. Georgia, ayos ka lang?"

Bumaling ako kay Janice at tumango. She smirked at me. Bago pa ako makapagsalita ay hinablot na ni Zeid ang braso ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Saan kayo pupunta?" Elise asked.

Napatayo si Janice. "Zeid! Nasasaktan si Georgia, ano ba!" Sambit niya nang mapansin ang reaksyon ko.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Zeid. I looked at him. "Ano bang nangyayari?" Tanong ko dito.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Mag-uusap tayo." Mariin niyang sabi at naunang lumabas.

Dinaluhan ako ni Janice. Tinanong niya kung okay lang ako. Tiningnan naman ni Elise ang braso ko.

"Anong problema ng isang 'yon?" Inis na utas nito.

Maski ako ay nagulat pero sabi ni Zeid, mag-uusap daw kami, diba? Kailangan ko siyang sundan ngayon.

I excused myself. Pinigilan pa ako ni Elise pero hindi ako nagpaawat. Narinig kong nagsalita si Andrei nang makalabas ako ng pintuan.

"Let her."

Agad kong nakita si Zeid na nasa veranda. Huminga ako ng malalim bago sumunod sakanya. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, ang itim niyang mata ang bumungad sa akin.

"A-Anong pag-uusapan natin?" Mahina kong tanong.

Umigting ang kanyang panga.

"May hindi ka sinasabi sa akin.." mariin niyang sambit.

Kumunot ang noo ko. Anong tinutukoy niya? Is this about my father? Akala ko ba hindi na kailangan ang family background ko?

"I thought.." hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng tumulo ang luha ko.

Napailing ako. Ang bilis kong maiyak. Hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag, e.

Naisip ko ang maaaring mangyayari. Hindi na ba nila ako kaibigan? Hindi na ba kami mag-uusap ulit? How about the text? Hindi na ba iyon mauulit?

"Look at me, Georgia." Utas niyang muli.

Mabilis ko siyang sinunod. Kinagat ko ang labi ko para hindi na muling tumulo ang nagbabadyang luha sa aking mata.

"Bakit ka tumakas?" Tanong niya na mas nakapagpatigil sa akin.

Awtomatikong nalaglag ang panga ko. Ang akala ko.. akala ko..

"Goddamnit! Answer me properly, Georgia! Bakit ka tumakas sa inyo?" tila isang kulog ang boses niya.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

176K 13.2K 20
"YOU ARE MINE TO KEEP OR TO KILL" ~~~ Kiaan and Izna are like completely two different poles. They both belong to two different RIVAL FAMILIES. It's...
325K 21.3K 19
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
2.9M 243K 97
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
2.5M 166K 86
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...