The Kiss That Will Lasts Fore...

By LadyAkira

21.7K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... More

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 17: Top 1 and Top 2
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 26: Good Tree
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 34: Room 29
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 48:

131 2 2
By LadyAkira

Kiss 48:

(Xiang Qin POV)

Nasa office na kami ngayon ni Zhi Shu kakatapos lang niyang magpalit ng damit, nauna ako sa kanya, kaya naman ay ibinigsak niya ang sarili niya sa sofa at saka huminga ng malalim tapos hinawakan niya ang noo niya.

"Masakit ba ang ulo mo?" Tumabi rin ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin tapos may kinuha siyang mini pillow at ipinatong niya iyon sa mga binti ko tapos saka siya humiga ng tuluyan sa sofa at ipinikit na niya ang mga mata niya.

"Mukhang napagod ang Doctor namin ah." Saad ko habang hinahawi ko ang buhok niya. "Natakot ka ba kanina?"

Muli niyang inimulat ang mga mata na. Hinawakan niya yung isa kong kamay at ipinatong niya sa may dibdib niya.

"Sobra. Pero dahil kasama kita kanina yung takot ko napalitan ng tiwala at lumakas ang loob ko."

"Wow! Si Doc. Zhi Shu marunong na rin palang mambola." Tapos bigla niyang pinisil ilong ko. "Aray ko naman!"

"Pero, to be honest..." Hinawakan niya ulit kamay ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nakakagawa ka ng kapalpakan nakakagawa ka naman ng isang milagro. Sabihin mo nga sa akin yung totoo?" Hinila ko sa kanya yung kamay ko.

"Syempre! Isa yata akong Super Nurse! Kaya nakakagawa ako ng mga bagay na hindi inaasahan!" Pagyayabang ko sa kanya.

"Hala, hala, sige, super nurse. Hilutin mo ulo ko." Kinuha niya ulit yung kamay ko at ipinatong niya sa ulo niya tapos pumikit na ulit siya.

Sinimulan ko ng hilutin ang ulo niya. Kung titingnang mabuti kitang-kita sa expression ng mukha niya na talagang napagod siya. Ikaw ba naman ang maghapong nasa operating room tingnan lang natin kung hindi ka mapagod. Nakakalungkot nga lang dahil hindi na nagawan pa ng paraan na mailigtas pa ang Mama ni Jun Ya. Gayunpaman ay nailigtas din naman namin si Jun Ya. Hinilot ko ang magkasalubong na kilay ni Zhi Shu. Ramdam ko pa rin sa kanya ang tensyon na nangyari kanina. Kaya naman ay ibinaba ko ng kaunti ang mukha ko at saka ko siya hinalikan sa noo.

"Ano yang ginagawa mo?" Mahina niyang sabi habang nakapikit.

"Wala." Patay malisya kong sabi. Muli kong ipinagpatuloy ang paghihilot sa ulo niya.

Unti-unti ay nawawala na ang tensyon sa mukha niya. Kaya naman ay pinagmasdan ko na ang natutulog niyang mukha. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Tapos hinalikan ko siya sa ilong niya. Pero wala na siyang response, ibig sabihin ay nakatulog na siya ng tuluyan. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod sa maghapong ito. Muli akong yumuko papalapit sa kanya upang halikan siya sa kanyang labi pero nagulat ako dahil bigla kong naramdaman ang isa niyang kamay sa may likod ng ulo tapos hinalikan na niya ako.

"Hmm!" Pinipilit kong kumawala pero lalo lang niya akong hinihila. Mga ilang sandali rin kami sa ganung position hanggang sa binitawan na niya ako at hinihingal ako.

"Akala ko ba gusto mo akong halikan." Nakangisi niyang sabi kaya hinampas ko siya. Umaray lang siya tapos tumawa.

"Nakakainis ka." Inis kong sabi tapos kinindatan niya ako kaya naman ay muli ko siyang hinampas tapos nagkunwari siyang nasaktan habang sinasabi na minumurder ko siya.

Parehas kaming natigilan nung biglang may kumatok sa pinto at may isang nurse ang nagbukas nito, si Liyu, isa sa mga nurse na nakasama namin kanina sa operating room. Agad napatayo si Zhi Shu at ako naman ay kinuha yung pillow saka ko tinakpan ang mukha ko.

"So-sorry po." Agad din naman niyang sabi. "Hi-hindi ko po alam na...."

"Nagkakamali ka ng iniisip!" Taranta kong sabi. Nakita ko na nagpipigil ng tawa si Zhi Shu tapos siya naman ay tilang kinikilig din na ewan.

"Anong kailangan mo?" Tanong naman ni Zhi Shu.

"Doc. Pasensya na po kung naistorbo ko kayo, pero po kasi regarding po ito dun sa isa nating pasyente na namatay sa operation room." May ibinigay siyang form kay Zhi Shu. "Napag-alaman po namin na ang family lang niya ay si Zhang Jun Ya. Sa ngayon po, hindi namin macontact ang family nila from their province. Wala pong ibang mag-aasikaso rito."

Marami pang ipinaliwanag si Liyu kay Zhi Shu kaya naman ay dumiretso na kami sa morgue upang icheck pa ang iba pang kakailanganin. Under monitoring pa si Jun Ya kaya naman si Zhi Shu na muna ang nag-asikaso rito. Pagdating namin sa may morgue ay nakita namin ang mga magulang ni Lin Xia kaya agad ko silang nilapitan.

"Good evening po." Bati ko sa kanila.

"Nurse Xiang Qin..." Nakita kong namumugto ang kanilang mga mata.

"Bakit po kayo naandito? Kumusta po pala si Lin Xia?" Nakita kong natigilan sila at nagkatinginan sa isa't isa tapos umiyak ang Mommy ni Lin Xia na agad din naman pinapatahan ng kanyang asawa. "Bakit po anong nangyari?"

Muli kong tanong sa kanila kaya naman ay sabay na silang lumingon sa kaliwa nila. May tiningnan silang isang babae na ngayon ay nakahiga at wala ng buhay. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib kaya naman ay dahan dahan akong lumapit sa babaeng iyon. Tila binuhusan ako ng isang malamig na tubig noong nabasa ko ang pangalan ng babae, 'Jiu Lin Xia', at lalo akong nanlambot noong nakita ko kung sino siya. Mabuti na lang at bigla akong naalalayan ni Zhi Shu.

"Zhi Shu, sabihin mo nga sa akin na hindi totoo itong nakikita ko." Nanginginig kong sabi. Ipinikit ni Zhi Shu ang mga mata niya at saka niya ako itinalikod sa bangkay. Nakita ko naman si Nina at may hawakhawak itong mga papers. Sobrang lungkot din ng mukha niya na para bang kakagaling lang din niya sa pag-iyak.

Bigla kong naalala, magkasunod nga pala na dinala sa operating room si Lin Xia at si Mrs. Zhang, noong nawalan na ng buhay si Mrs. Zhang nakafocus na kami sa heart transplant para kay Jun Ya kaya halos nawala na sa isipan ko ang kalagayan ni Lin Xia. Kaya naman hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko. Hindi ako makapaniwala na wala na si Lin Xia. Paano ko ito masasabi kay Jun Ya?

Muli akong napatingin sa mga magulang ni Lin Xia. Sila rin ay labis na nasasaktan sa sitwasyong ito. Lumapit ako sa kanila at lumuhod ako sa kanilang harapan na kanila rin namang ikinagulat.

"Patawarin niyo po ako!" Iyak kong sabi. "Ako ang nagpangahas na samahan si Lin Xia sa camping pero hindi ko siya nabantayan. Hindi ko nagawa ang responsibilidad ko bilang isang nurse. Patawarin niyo po ako. Naging pabaya ako sa kanya." Dirediretso na ang pag-iyak ko.

"Ako rin po ay humihingi ng tawad sa inyo." Lumuhod din si Nina sa tabi ko. "Ako ang nurse ni Lin Xia pero hindi ko man lang siya nagawang alagaan ng maayos." Iyak din niyang sabi.

Mas lalong nagulat ang mga magulang ni Lin Xia dahil lumuhod din si Zhi Shu sa tabi ko at humingi ng patawad dahil hindi na siya nakatulong sa sitwasyon ni Lin Xia. Bigla ring dumating si Chuan Jin at lumuhod din siya sa tabi ni Nina.

"Ako po ang may kasalanan ng lahat ng ito. Sana ay hindi ko siya pinayagan na umalis ng hospital. Patawarin niyo po ako. Isa akong palpak na doctor. Hindi ko siya nagawang iligtas. Patawarin niyo po ako." Iyak din niyang sabi.

Nakita kong umiiyak na rin ang mga magulang ni Lin Xia at may mga ibang tao na rin ang nakatingin sa amin. Tahimik na lumakad ang Mommy ni Lin Xia papunta kay Chuan Jin.

"Doc." Pinatayo niya si Chuan Jin, ganun din si Nina, ako at si Zhi Shu. "Wala kayong kasalanan. Gusto ko pa kayong pasalamatan dahil ginawa niyo ang lahat ng inyong makakaya. Nagpapasalamat kami dahil kahit na sa huling sandali ng kanyang buhay ay nagawa niyang maging ligaya. Although kahit na kinidnap sila, alam ko namang payapa ang kalooban ng anak ko. Doc. Chuan Jin, sa totoo lang hindi namin alam kung paano ka namin pasasalamatan. Sa ilang taon na ginagamot at inaalagaan mo si Lin Xia. Hindi ka sumuko sa kanya. Kahit na maraming doctor na ang nagsasabing hopeless case na ang anak ko ay hindi mo siya sinukuan. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, marahil siguro hanggang dun na lang talaga ang buhay niya. Masakit. Oo. Lalo na sa aming dalawa, pero gayunpaman maraming maraming salamat dahil hanggang sa huli hindi mo sinukuan ang anak namin. Sana ay mas marami ka pang pasyente na magamot at mapagaling."

Niyakap niya si Chuan Jin kaya lalo itong nagbreakdown. Sunod niyang niyakap si Nina, nagpasalamat din siya kay Nina dahil kahit na sobrang kulit ni Lin Xia ay nagawa pa rin niyang alagaan ito ng may pagmamahal. Nagpasalamat din siya kay Zhi Shu. Huli niya akong pinuntahan. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Sana, mas maraming doctors at nurses ang maging katulad niyo." Tumingin din siya kay Nina. "Yung walang sawang mag-alaga at magmahal sa kanilang pasyente. Maraming maraming salamat kasi binigyan mo ng pag-asa ang anak ko. Pag-asa na hindi namin maibigay dahil natatakot kami na mawala siya. Ni hindi ko na iniisip ang kaligayahan ng anak ko. Noong nagpaalam siya na gusto niyang pumunta sa camping na iyon alam ko na hindi na siya magtatagal. Kaya alam ko na kahit sa huling sandali ng kanyang buhay, alam kong masaya siya. Kaya maraming salamat sa pagbibigay pag-asa at liwanag sa anak ko."

Niyakap niya rin ako. Bigla kong naalala yung bonfire sa campsite. Naalala ko ang mga ngiti ni Lin Xia. Totoong masaya siya. Totoong maligaya siya noong mga oras na iyon. Kung hindi lang sana sila kinidnap, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Lalo na akong nanlambot at tuluyan na akong napaupo sa sahig kahit na nakaalalay sa akin si Zhi Shu.

"Xiang Qin, ayos ka lang ba?" Rinig kong pag-aalala niyang tanong. Feeling ko nawawalan na ako ng lakas.

"Zhi Shu... ang bata pa niya..." Nagbreakdown na rin ako. "Paano ko ito masasabi kay Jun Ya? Sigurado akong hindi niya rin ito kakayanin. Una, namatay ang Mama niya, ngayon naman ay pati rin ang kanyang bestfriend." Niyakap lang niya ako.

Inalalayan na niya ako at pinaupo muna sa isang tabi. Ganun din si Mrs. Jiu. Umalis si Zhi Shu at maya maya pa ay may dala na siyang tubig para sa aming dalawa. Umalis na rin naman sila Nina dahil may iba pa silang gagawin kaya kami ang naiwan sa morgue. Hawak hawak ni Mrs. Jiu ang kamay ko at pinapatahan pa rin niya ako. Ang Papa naman ni Lin Xia ang nag-aasikaso ng iba nilang asikasuhin.

"Xiang Qin, sa'yo na muna ito. Pupunta lang ako sa head office." May ibinigay sa akin si Zhi Shu na folder saka siya umalis.

Binuksan ko yung folder na ibinigay niya at nakita ko dun yung information ni Mrs. Zhang. Hindi talaga ako makapaniwala na pati siya ay mawawala ngayong araw na ito.

"Nurse Xiang Qin, naandito na po yung bangkay ni Mrs. Zhang." Wika naman ni Liyu sa akin.

"Sino siya?" Tanong naman ni Mrs. Jiu sa akin.

"Ang mama po ni Jun Ya." Nilapitan ko ang bangkay ni Mrs. Zhang.

Huminga ako ng malalim at saka ko ulit siya tiningnan. May ibinigay namang report sa akin si Liyu, bukod pala sa saksak sa tagiliran ay may mga pasa rin ito sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Ano ang nangyari sa kanya?

"Oh my! Totoo ba ito?" Napatingin ako kay Mrs. Jiu dahil bigla siyang nagsalita sa tabi ko, hindi ko namalayan na sumunod pala siya sa akin.

"Bakit po? May problema po ba?" Pagtataka kong tanong.

"Si- si, Ya Jing?!" Gulat niyang sabi tapos parehas ang kanyang kamay ay nakatakip sa bibig niya na parang hindi siya makapaniwala.

"Kilala niyo po siya?" Napaupo na siya sa sahig kaya naman ay inalalayan ko siya. "Ano pong nangyari? May masakit po ba sa inyo? Nahihilo po ba kayo?"

Umiiling lang siya tapos umiiyak. Muling dumating ang kanyang asawa kaya inalalayan na siyang tumayo.

"Mama, anong nangyari?" Pag-aalala niyang tanong.

"Si- si Ya Jing..." Nanginginig niyang tinuro yung bangkay. Sumilip din naman siya at nakita kong nanlaki rin ang mga mata niya. Pati siya ay muntik na rin na ma-out balance.

"A-anong ibig sabihin... papaanong nangyari..." Halos hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Kilala niyo po ba siya?" Muli kong tanong sa kanila.

"Siya si You Ya Jing diba?" Tiningnan ko yung information na hawak ko at sinabi ko dun na Zhang Ya Jing ang pangalan nung bangkay.

"Zhang?" Halos sabay nilang sabi.

"Papa, hindi ako pwedeng magkamali, siya nga si Ya Jing." Iyak na sabi ni Mrs. Jiu. "Siya ang asawa ni Zhang Yan Jun."

"Pero.. papaanong- Miss, ano po ang nangyari sa kaniya?"

Ikinuwento ko sa kanila na halos magkasunod silang dumating sa hospital pagkagaling nila sa crime scene. Naunang pinasok sa operating room si Lin Xia at sumunod naman si Mrs. Zhang. Sinabi ko rin na galing din siya sa crime scene at may sugat ito sa kanyang tagiliran at dahil sa maraming dugo na ang nawala sa kanya hindi na nakayanan ng katawan niya kaya tuluyan na siyang nawalan ng buhay.

"Nurse Xiang Qin, sa pagkakatanda ko, nasabi mo sa akin kanina na siya ang Mama ni Jun Ya. Tama po ba?" Tumango lang ako sa tanong niya. "Kung ganun po, nasa panganib ang buhay ni Jun Ya."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Paano nila nasabing nasa panganib ang buhay ni Jun Ya? Bigla kong naalala ang gabi na kung saan may dumukot sa kanila. Sa pagkakatanda ko, si Jun Ya, si Lin Xia, at ang isang estudyante na si Stacy ang dinukot ng mga armadong lalaking iyon. Napag-usapan sa campsite noong habang nagrerescue pa sila ay wala silang makitang anumang motibo kung bakit yung tatlong bata lang ang dinukot nila. Sa pagkakaalam nila ay baka dahil kay Stacy, kasi siya ay nabibilang sa high class family. Pero ang ipinagtataka ko, bakit nasa crime scene din ang Mama ni Jun Ya?

---------------------
💗 To be continued.....

💗 Million thanks po sa pagbabasa at pagsubaybay.

💗 Happy Easter Everyone! GOD BLESS!!

-LadyAkira

Continue Reading

You'll Also Like

178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
226K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
45.8K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine