Chapter 37: Reunion

141 6 1
                                    

Kiss 37:

(Xiang Qin's POV)

Magkasama pa rin kami ni Yanong ngayon. Pumunta kami sa restaurant ni Ah Jin at dahil VIP guests kami ay maraming inihandang putahe si Ah Jin para sa amin. Wala sa restaurant si Christine dahil dumating ang Papa niya. Sinubukan din naming tawagan si Chun Mei pero nasa out of town silang mag-anak, kaya ito, kaming tatlo nalang ang nagsalosalo.

"Grabe, Ah Jin! Hindi ko akalain na bebenta itong restaurant mo. Tingnan mo, ang dami mong customer!" Manghang sabi ni Yanong.

"Hindi ko naman ito nagawang mag-isa ehh. Siyempre ang unang tumulong sa akin ang papa ni Xiang Qin, kung hindi niya ako ginawang apprentice nun, baka hindi ko na rin magawa ang lahat ng ito." Nahihiyang sabi ni Ah Jin. "At kailangan na rin kumayod ng mas maraming pera, lalo na't malapit ng manganak si Christine."

"Aiyaaaa~" Tuwang sabi namin ni Yanong.

"Hindi rin ako makapaniwala na magiging Daddy ka na."

"Eh, ikaw Yanong, ang tagal mong hindi nagpakita? Anyare sa'yo?"

"Ah ayun, matapos kong makagraduate ng College, umuwi na muna ako sa probinsya namin. Masyado na kasing crowded sa bahay ehh."

"Na saan na pala yung boyfriend mo. Diba tumutogtog sya?"

"Nakipagbreak sya sa akin kasi gusto niyang ipursue yung banda nila. Kaya pumunta sila sa Korea for trainings." Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. "Pero, wala na yun. Sobrang tagal na pati nun. Past is past!" Nakangiti niyang sabi.

"Sandali, paano ulit kayo nagkita?" Biglang tanong ni Ah Jin.

Kinuwento namin ni Yanong ang scenario. Kung paano naospital ang kapatid niya, kung ilang araw itong nacoma sa hospital, at kung paano ito nagising muli dahil sa pagiging clumsy ko. Natanong ko naman sa kanya kung hanggang kailan siya magstay? Ang sagot lang niya ay depende kung hanggang kailan sa hospital ang kanyang kapatid. Wala kasing ibang magbabantay rito dahil halos lahat pa ng kanyang kapatid ay mga nag-aaral pa at busy rin ang kanyang magulang sa pagtatrabaho. Aabutin pa siguro ng isang buwan kapatid niya sa hospital dahil kailangan pa niyang magtherapy.

Marami pa kaming napagkwentuhan katulad na lang kung ano ang nangyari sa akin habang pinagbubuntis ko ang kambal. Yung mga panahong halos nataranta na sila mama sa paglilihi ko, dahil hindi ako makakain. Halos lahat lahat sila ay nagluto na ng pagkain ko. Sinang-ayunan din naman yun ni Ah Jin at kinuwento rin niya nangyari sa akin nun sa restaurant na sobrang nanghihina na. Kaya nga natakot siya nung nalamang buntis si Christine, baka ganun din yung mangyari. Mabuti na lang at hindi maselan ang pagbubuntis ni Christine. In fact, sobrang takaw nga nito sa pagkain.

Kinuwento ko rin na hindi namin alam na kambal pala anak namin, nalaman lang namin last minute na. Alam din ni Yanong na kambal ang anak namin dahil updated din siya sa blogs ni Mama. Kaya nagulat siya dun sa ikinuwento ko na muntik na akong mamatay. Kasi sinabi ng doctor na 50-50 ang chance sa aming tatlo. Pero ito, sa awa ng Diyos ay tatlo kaming buhay. Masaya akong nagkukuwento sa kanila kaya naman ay hindi ko maintindihan kung bakit biglang umiyak si Yanong. Parehas kaming nagkatinginan ni Ah Jin at tinanong kung bakit siya biglang umiyak.

"Ya Nong, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"

"Allergy ka ba sa mga pagkain?" Nataranta na kami ni Ah Jin.

"Wala ito. Ayos lang ako..." Pinahid niya yung mga luha niya at hinawakan niya ako sa kamay. "Xiang Qin, sa ilang taon na hindi natin pagkikita natutuwa lang ako kasi ganun ka pa rin sa dati. Walang nagbago sa'yo. Kinakaharap mo lahat ng mga pagsubok mo sa buhay ng nakangiti ka. Ganun din ikaw Ah Jin, sa ngayon, naging matured ka na kumpara nung high school tayo." Dirediretso lang ang pagpatak ng mga luha niya.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now