Chapter 14: Asawa mo ako

567 19 4
                                    

Kiss 14

(Hao Mei's POV)

Tumawag sa amin sila Kuya Zhi Shu na pauwi na sila, pero hindi kami sasabay sa pag-uwi dahil hinatid na namin pauwi si Jun Ya sa flat niya. Ayaw rin niyang ipaalam kina Kuya Zhi Shu lalo na kay Ate Xiang Qin yung nangyari sa kanya kaya ito, kami na lang ni Yu Shu ang sumama sa kanya.

"Jun Ya, sigurado ka bang ayos ka na?" Muli kong tanong sa kanya pagkarating namin sa kanila.

"Opo." Inupo namin siya sa sofa.
"Pa-pasensya na po. Mukhang naantala ko pa yata ang lakad niyong dalawa." Nakayuko niyang sabi. Halata pang nanghihina siya.

"Ano ka ba Jun Ya? Pasalamat nga ako at nakita ka namin. Paano na lang kung hindi ka namin nakita ehh di nandun ka lang siguro sa clinic. Ano ba talaga ang nangyari sa'yo?"

"Hindi ko rin po alam ate. Ngayon ko lang po naranasan yun. Sobrang bilis po ng tibok ng puso ko na parang ewan..."

"Sino kasama mo rito?" Biglang tanong ni Yu Shu. Umiling lang si Jun Ya.

"Hah? Wala kang kasama rito?"

"Paano ka nakatira rito kung mag-isa ka lang?"

"Sa papa ko po ito. Pero huwag na po kayong mag-alala, ayos lang po ako. At isa pa, sanay na naman po akong mag-isa ehh." Nakangiti niyang sabi.

Si Jun Ya, 15 years old pa lang siya pero kinakaharap na niya ang buhay niya ng mag-isa. Samantalang ako, muntik na akong sumuko nung nawala na ang pamilya ko kahit alam kong kasama ko sila Yu Shu. Pero si Jun Ya, umalis siya sa bahay ng lola niya para lang mamuhay mag-isa. Haaayyy...

"Oh, ano naman yang ibinubuntong-hininga mo dyan?" Naglalakad na kami ni Yu Shu pauwi.

"Inaalala ko lang ang sitwasyon ni Jun Ya. Masyado pa siyang bata para mamuhay mag-isa."

"Choice niya yun."

"Choice? Kahit na. Sobrang bata pa niya."

"Mabuti pa nga si Jun Ya, kahit bata pa siya matured na siyang mag-isip. Samantalang yung isa dyan, ang tanda tanda na. Isip bata pa rin." Tapos bigla siyang tumawa.

"Hoy. Ako ba sinasabihan mo ng isip bata? Napaka-mo eh!" Pinaghahampas ko siya pero tawa pa rin siya ng tawa.

"Aba. Totoo naman ah! Isip bata ka naman talaga." Pang-aasar pa rin niya kaya ito tuloy-tuloy pa rin ang paghampas ko siya. Pero nagulat ako sa sinunod niyang ginawa. Hinawakan niya yung kamay ko na naging dahilan para mahila niya ako at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay bigla niya akong hinalikan.
"And that's the reason why I fell in love with you."

(Zhi Shu's POV)

Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako sa nasaksihan ko kanina. Alam kong may mali na sa kanya.

"Sa tingin mo, ano mas maganda para kay Yi Chen?" May pinakita ako sa kanyang damit pero natigilan siya na parang hindi niya alam kung ano ang titingnan niya.
"Okay ka lang?" Muli kong tanong sa kanya at inilapit ko hitsura ko kung ano magiging reaksyon niya.

"Hah? Ah oo. A-ayos lang ako." Nanginginig yung boses niya. Alam ko, nararamdaman kong may kakaiba na sa kanya.

Hanggang sa dumating si Chun Mei, unang tingin pa lang kilala ko na si Chun Mei iyon, pero bakit hindi niya kilala, hindi agad siya nagsasalita kaya naman inunahan ko na siya.

"Oh Chun Mei, musta na?" Bati ko sa kanya at nakita kong hindi na siya mapakali.

Pagkatapos nun ay ito, gusto kong malaman kung nakakakita pa ba siya ng maayos. Pagkauwi namin ay dumiretso na agad siya sa kwarto. Aakyat na rin sana ako, pero bigla akong tinawag ni Papa Ah Cai. Kaya naman pumunta muna ako sa salas kasama si Papa.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon