Chapter 30: One day miracle

203 9 2
                                    

Kiss 30

(Xiang Qin's POV)
May nahanap na si Zhi Shu na isang Otologists. Sabi niya sa akin ay nirefer ito sa kanya ni Chuan Jin, sa kabilang City Hospital. Nagfile muna ng leave si Zhi Shu dahil gusto niya na kasama siya. Inayos ko na yung mga dadalhin namin lalong lalo na ang gamit ni Yi Chen. Hindi na sumama sa amin si Mama kasi siya na muna ang magbabantay kay Zheng Chen. Si Zhi Shu na ang nagdrive ng kotse at ako naman ay nasa likod bawal kasi ang baby sa passenger seat ehh. Three hours din ang biyahe namin. Umalis kami ng 7am sa bahay dumating kami ng 10am. Diretso na kami sa hospital kasi 10:30 yung appointment namin. Pagdating namin sa hospital ay hindi ako makapaniwala dahil sobrang daming tao ang nakapila. Lahat ba sila ay may appointment din? Grabe! Parang manunuod lang ng sine. Blockbuster!

"Mr. And Mrs. Jiang." Tinawag na kami nung assistant nurse. Sumunod kami sa kanya. Bago kami pumasok sa loob ay nabasa ko ang pangalan ng Doctor sa pinto.

Dr. Jiang Chen

Bakit parang familiar sa akin yung pangalan? Ah dahil siguro kaapelyido ni Zhi Shu at kapangalan ng mga anak ko yung Chen. Wow! Astig ah!

"Maupo po muna kayo."

Pinaupo muna kami nung assistant nurse, kinuha naman muna sa akin ni Zhi Shu si Yi Chen kanina ko pa kasi buhat si Yi Chen baka raw nangangalay na ako. Ayaw ko sanang ibigay sa kanya si Yi Chen kasi alam kong pagod din siya sa pagdadrive kanina kaya lang nakuha na niya agad sa akin si Yi Chen sa akin.

Nagpalinga-linga ako at nakita ko sa bookshelf ang isang comic book na familiar sa akin.

A Love So Beautiful

Namangha ako kasi Volume 1-10 ang naandun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Namangha ako kasi Volume 1-10 ang naandun. Waah! Grabe! Buti pa siya! Fanatic din ba siya ng comic book na yun? Best seller kasi yun. Meron din ako nun kaya lang hanggang Volume 9 pa lang ako. Kakarelease pa lang kasi nung Volume 10 at medyo mahal pa kaya hindi muna ako bumili. Kung itatanong niyo kung bakit meron ako nun, simula kasi nung nabuntis ako halos yun lang ang naging libangan ko ang magbasa ng comic book. Yung comic book kasing yun ay may pagkasimilar sa love story namin ni Zhi Shu kaya naman ay tuwang tuwa ako. Nakakakilig pati yung story. Pakiramdam ko nga ay love story din namin yun ni Zhi Shu ehh. Kasi yung bidang lalaki dun ay genius parang si Zhi Shu tapos yung bidang babae ay cute parang ako. (>o<)

Kaya lang iba lang yung pangalan nung bida. Si Jiang Chen at si Chen Xiao Xi. Oh. Kapangalan pa pala ng Doctor dito. Kaya pala familiar sa akin yung pangalan niya ehh. Kapangalan niya si Jiang Chen ng 'A love so beautiful'. Well, si Jiang Chen sa comic book ay Doctor din isa siyang heart surgeon.

May isang doctor na naka-face mask ang lumabas mula dun sa isang pinto sa loob. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaibang liwanag ang lumalabas sa kanya.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now