Chapter 46:

105 2 1
                                    

Kiss 46:

(Hao Mei POV)

Sinamahan muna ni Tita ang mga magulang ni Lin Xia para sa ibang mga asikasuhin dito sa hospital. Pumunta muna kami sa canteen habang hinihintay namin na magising si Jun Ya. As for now, nasa ICU pa siya kaya hindi kami pwedeng pumunta dun. Sila Kuya Zhi Shu at Ate Xiang Qin naman ay nasa operating room pa rin, simula nung pumasok sila dun kanina hanggang ngayon hindi pa rin sila lumalabas kaya naman ay pinapunta muna kami rito ni Tita sa canteen para kumain. Sa totoo lang, busog pa ako, pero itong si Yu Shu nagreklamo na kanina sinabi niyang gutom na siya kaya sinamahan na namin siya rito sa canteen, noodles lang naman ang inorder niya. Habang busy si Yu Shu sa pagkain ay napatingin ako kay Ah Nou dahil narinig ko na naman siya na nag-'sigh' tapos halos hindi niya ginagalaw yung rice cake na binili niya. Napansin din ito ni Yu Shu kaya naman ang ginawa niya ay hinila niya yung rice cake papunta sa kanya.

"Bro! Akin yan!" Natauhan niyang sabi tapos kinuha niya ulit rice cake.

"Akala ko kasi hindi mo kakainin. Kanina mo pa tinititigan yan." Pang-aasar naman ni Yu Shu.

"Sandali nga, Ah Nou, ano ang ginagawa mo rito?"

"Oo nga. Nandun ka rin sa campsite." Dugtong din ni Yu Shu.

"Nandun din siya sa campsite?" Pagtataka ko. Tinusok ni Ah Nou yung isang rice cake tapos sinubo niya ito.

"Ano... kasi... di-diba sabi ko sa inyo may iba akong schedule? Ito yung nakaschedule sa akin. Kaya ako nasa campsite kasi nirequest ako nung Principal na magperform sa kanila."

Parehas kaming naghalumbaba ni Yu Shu at tiningnan siya ng seryoso.

"Ho-hoy! Ka-kahit itanong niyo pa sa manager ko! Saka kay Ate Xiang Qin!" Taranta pa rin niyang sabi.

"Hala, hala, sige. Hindi ka na namin kukulitin." Ipinagpatuloy na ulit ni Yu Shu ang pagkain niya.

Nagpa-excuse ako sa kanilang dalawa dahil bigla akong nakaramdam ng pag-ihi kaya naman ay umalis muna ako at dumiretso na sa c.r. Mabilis lang din naman akong umihi at habang naghuhugas na ako ng kamay ko ay bigla akong nakareceive ng isang text kaya kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko.

From: Xixi

Nagtaka ako dahil nakatanggap ako ng message sa kanya sa ganitong oras. Si Xixi ang bestfriend ko simula elementary hanggang high shool pero ngayong college ay nagmigrate na siya sa America kaya minsan lang kaming magkausap. Tiningnan ko ang oras, pasado alas dos na ng hapon ibig sabihin pasado alas onse na dun ng gabi. Binuksan ko yung message niya sa akin.

'Girl, break na kayo ni Yu Shu?'

Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko naintindihan yung message niya kaya lumabas na ako ng c.r. at humanap ng magandang lugar para sa signal tapos tinawagan ko siya.

"Hao Mei!!" Ang lakas ng boses niya pagkasagot na pagkasagot ng tawag.

"Oh?? Ano yung tinext mo sa akin?" Agad ko ng tanong ko sa kanya.

"Tinatanong kita kung break na kayo ni Yu Shu?"

"Huh? Hindi. Bakit?"

"May isesend ako sa'yo. Wait lang."

May sinend sa akin si Xixi at mula dun sa links ay pinindot ko ito at may bumungad sa akin na isang picture tapos may naka-caption itong, 'My fiance's first visit...'

Tiningnan kong mabuti yung picture, may nakatalikod na lalaki tapos isang babae na nakaside view na tila inaabutan ito ng tea. Natigilan ako sa saglit.

"Saan mo nakuha ito?" Muli kong tanong sa kanya.

"Tingnan mo kung sino ang nagpost." Lalo akong natigilan sa nakita ko, flower18. "Si Ru Hua yan diba? Yung kaklase natin nung middle school?"

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now