Chapter 25: Magkamukha o mag-ama

213 8 1
                                    

Kiss 25

(Lin Xia's POV)
Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay nananaginip ako. Hindi ako makapaniwala na may tatlong magagandang nilalang ang naandito sa harapan ko. Tinanong ni Ate Hao Mei kung ano yung hinacked ni Jun Ya. Tinanong din niya kung bakit nahimatay si Jun Ya, kaya naman ay kinuwento ko sa kanila yung nangyari kanina.

"Sa totoo lang, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Matapos naming kumain ni Jun Ya ng lunch ay dumiretso siya sa library. Pero bago kami pumasok ay may tinawagan muna siya. Galit na galit nga si Jun Ya ehh."

"Hoy!!! Wala akong pakialam sa trip mo sa buhay. Okay na sa akin na ako na lang ang ibully mo! Huwag mong idamay si Ate Hao Mei!!!"

"Jun Ya, sino yun?" Agad kong tanong sa kanya.

"Isang monster. Tara na."

"Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa computer sections, sabi niya may gagawin lang daw siya kaya ayun. Pinanuod ko yung ginagawa niya pero wala akong maintindihan dahil puro computer codes ang lumalabas. Mga 30 minutes din kami sa computer lab. After nun ay pumunta na kami sa gymn kasi ang next class namin ay P.E. Pagdating namin sa locker room upang magbihis ay wala yung P.E. uniform ni Jun Ya. Hanggang sa may narinig kaming flush ng tubig mula sa c.r."

"Oops!" Nakita namin si Stacy na inihulog niya yung uniform ni Jun Ya sa inidoro.

"Ano bang problema mo?!" Susugod na sana ako pero pinigilan ako ni Jun Ya.

"Sorry... nakakalat kasi, akala ko ay basura." Tapos umalis na si Stacy.

Pinulot lang ni Jun Ya yung uniform niya at binanlawan niya sa lababo. Hanggang sa tumunog na bell para sa P.E. class namin

Kaya ang nangyari ay hindi nakapagpalit si Jun Ya ng uniform. Nagalit yung teacher namin kaya pinatakbo siya ng limang laps sa basketball court, pero nakakatatlong ikot pa lang si Jun Ya ay bigla na siyang natumba."

Hinawakan ni Ate Hao Mei si Jun Ya sa kanyang pisngi, kasunod nun ay muntik na siyang matumba mabuti na lang ay inalalayan siya nung lalaking tinawag ni Prince Nobu na Yu Shu.

"Ayos ka lang." Pag-aalala niyang tanong. Tumango lang si Ate Hao Mei. Tapos hinawakan niya yung noo ni Ate Hao Mei.

"Mainit ka pa rin. Sabi ko naman kasi sa'yo na huwag ka ng pumunta rito." Pinapagalitan niya si Ate Hao Mei pero ang tono ng pananalita niya ay sobrang lambing.

"Pero..." Pinaupo niya si Ate Hao Mei sa kabilang kama.

"Diyan ka lang. Huwag kang aalis." Pumunta siya dun sa nurse tapos may hiniram siyang thermometer at inilagay niya iyon kay Ate Hao Mei. "Masakit ba ang ulo mo? Nahihilo ka ba?"

Bakit may kakaibang aura akong nakikita? Bakit ang liwanag nilang dalawa? Bakit parang nanunuod ako ng isang love story movie?

"Hindi pa rin bumababa ang temperature mo. Kailangan mo ng umuwi." Totoo ba ang nakikita ko? Eeek! Bakit kinikilig ako?

"Isara mo na yan. Baka pasukan pa ng langaw." Naramdaman ko na lang na itinikom ni Prince Nobu yung bibig ko dahil nakanganga na ako sa sitwasyon na nakikita ko.

Wait.... hinawakan ako ni Prince Nobu?!! Oh my!! Ang puso ko!!!! Kyaaaaaaa!!!! Napahawak ako sa dibdib ko.

"Huwag kang mag-alala ganyan talaga ang magjowang yan! Ang hilig maglandian sa harap ng ibang tao! Ee!" Pandidiring sabi ni Nobu.

"Ah Nou, kung naiinggit ka, ehh di maghanap ka na ng girlfriend mo."

Ah Nou? Ah Nou ang tawag nila kay Prince Nobu?!

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant