Chapter 7: Time of death...

1K 23 5
                                    

KISS 7

(Zhao Zi's POV)

Sobrang bilis nang mga pangyayari. Halos hindi na namin alam ang gagawin simula nung narinig namin ang biglang pagdiretso ng monitor ni Xiang Qin. Si Zhi Shu na ang nag-asikaso kay Xiang Qin, ginamitan na niya nung CPR. Maya-maya pa ay dumating na rin sila Chuan Jin at sila Nina......

"Clear?"

"Clear, doc."

Panginoon ko, huwag mo po sanang kunin si Xiang Qin!

"Xiang Qin..." nakikita kong hindi na rin mapakali si Zhi Shu.

Sa bawat CPR kay Xiang Qin, wala pa ring response. Humagulhol na ako ng iyak. Hindi ko ito kaya! Xiang Qin! Huwag mo muna kaming iwan!

"Zhi Shu, I'm sorry..." yun na lang ang tanging nasabi ni Chuan Jin.

Umiyak na rin sila Nina... lahat kami! Bakit ito nangyari? Xiang Qin! Paano na ang mga anak mo? Gumising ka!

"Xiang Qin!" lumapit na si Zhi Shu kay Xiang Qin. "GUMISING KA NA! XIANG QIN!" niyakap na ni Zhi Shu si Xiang Qin. "HUWAG MO AKONG IWAN!" Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Lalo akong nasaktan. Lalo akong naghinagpis! Paano na?

"Time of death..." Totoo na ba ang lahat nang ito?

"Mama..." Ang malambing na boses ni Xiang Qin, hindi ko na ba kailanman maririnig? Paano na ang mga anak niya. Hindi ito pwedeng mangyari! Ang anak kong babae! Xiang Qin!

(Zhi Shu's POV)

Hindi ko kaya na wala ka! Ito na ba ang huling araw na mayayakap kita.

"XIANG QIN!!!!!!!"

*toot*

Lahat kami ay natigilan...

*toot*

*toot*

"Xiang Qin..." tiningnan ko ang pulse rate niya. Napatingin din ako kina Chuan Jin.

"It's a miracle..." gulat na sabi ni Chuan Jin. "She's back."

Kasabay nun ang paggalaw nang kanyang mga daliri sa kamay. Lumapit sila Mama at Papa kay Xiang Qin.

"Xiang Qin..." iyak pa rin nilang sabi.

"Tita, sa tingin ko ay maayos na ang kalagayan niya. Kailangan lang talaga niyang magpahinga."

"Salamat Chuan Jin." Umalis na rin sila Chuan Jin. "Xiang Qin..."

Nang mga oras ding iyon ay sila papa na lang ang umuwe sa bahay, hindi na rin iniwan ni mama si Xiang Qin, hanggang sa makatulog na siya sa my sofa. It was a close one. Kinabahan talaga ako ng sobra. Ngayon, hinihintay na lang namin ang paggising niya.

Gumising ka na, please! Namimiss na kita.

"Zhi Shu!" Xiang Qin... Gumising ka na.

"Bakit ba sa tuwing minamahal kita ng lubos? Pakiramdam ko, lalo akong nalulungkot."

Kailan ko ulit maririnig ang malambing mong boses....

"Zhi Shu! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya! Gustong-gusto kong maging assistant nurse mo! At ngayon matutupad na siya! Promise ko sa'yo, hindi kita bibiguin. Gagawin ko ang lahat para maging isang perfect nurse sa'yo!"

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now