Chapter 50:

142 4 2
                                    

Kiss 50:

(Xiang Qin POV)

Inilipat na namin si Jun Ya sa isang private room. Naging stable na ang sitwasyon niya after ng kanyang success operation sa puso. Pero hindi pa rin siya nagigising.

Pinauwi na muna kami ni Mama sa bahay kasi halos ilang araw na rin kaming walang pahinga, lalong lalo na si Zhi Shu. Ayaw ko pa sanang umuwi para mabantayan ko rin si Jun Ya pero ininsist ni Mama na umuwi na muna kami kasi siguradong miss na miss na kami ng kambal. Sinabi niya na siya na muna ang bahala sa pagbabantay kay Jun Ya. Umuwi na rin si Ah Nou dahil sinundo na siya ng manager niya. Sila Yu Shu at Hao Mei naman ay nagpaiwan din para may makasama si Mama.

Unang bumungad sa amin si Papa, kakatapos lang niyang magluto ng hapunan. Tinanong niya kung kumusta na ang kalagayan ni Jun Ya. Si Zhi Shu na ang sumagot, sinabi niyang under monitoring pa rin si Jun Ya at hinihintay na lang na magising ulit. Pinakain na muna kami ni Papa saka kami pumanhik sa taas upang makapagbihis na rin. Nauna akong nakapaglinis ng katawan kay Zhi Shu kaya naman ay pumunta muna ako sa kwarto ng kambal.

"Aiyaaa, Yi Chen, matulog ka na. Tingnan mo kapatid mo oh. Ang himbing na ng tulog." Naabutan ko si Papa Ah Li sa kwarto ng kambal habang pinapatulog niya si Yi Chen.

"Papa..." Agad kong bati sa kanya.

"Oh, Xiang Qin, nandito ka na pala. Si Zhi Shu?"

"Nasa kwarto po, nagbibihis lang." Lumapit ako sa kanya.

"Yi Chen, nandito na si Mama..." Ibinigay sa akin ni Papa si Yi Chen.

"Pasensya na po Papa kayo ang naiwan upang mag-alaga sa kambal."

"Naku, naku! Huwag mong isipin yun! Masayang masaya ako na alagaan ang mga apo ko." Nakangiti niyang sabi at tuluyan ko ng karga si Yi Chen. "Alam mo ba, simula noong nakakarinig ng muli Yi Chen, sobrang ligalig na niya. Ang hirap na niyang patulugin."

Muli akong humingi ng pasensya kay Papa, tinapik lang niya ako sa balikat ko at saka na siya umalis. Napatingin ako sa baby ko, hindi ko alam, pero parang feeling ko lahat ng pagod ko nitong mga nakaraang araw ay nawala agad.

"Anak ko, namiss mo ba si Mama? Hmm? Kaya ba gising ka pa? Kasi hinihintay mo si Mama?" Hinalikan ko siya sa pisngi niya.

"Ikaw lang ba ang hinihintay niya?" Narinig ko si Zhi Shu at nakatayo lang siya sa pinto.

"Aiyaaa, syempre hindi. Baby Yi Chen diba hinihintay mo rin Papa?" Lumapit sa amin si Zhi Shu. Una niyang pinuntahan si Zheng Chen, inayos niya ang pagkakahiga nito, hinalikan at saka lumapit sa amin.

"Bakit gising pa ang prinsesa namin?" Kinuha niya sa akin si Yi Chen. "Gusto mo bang kantahan ka ni Papa?" Inayos niya ang pagkakaupo niya habang buhat buhat si Yi Chen. Umayos na rin ako ng pwesto at hinahawakan ko ang kamay ni Yi Chen.

~Twinkle twinkle Little star
How I wonder what you are~

Napatawa ako ng bahagya sa biglang pagkanta ni Zhi Shu, hindi ko akalain na iyon ang kakantahin niya.

~Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle twinkle little star
Make my daughter sleep right now
Don't worry my little child
Mama Papa will stay tonight~

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon