Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!

828 19 0
                                    

KISS 5

(Xiang Qin's POV)

Matapos kong makausap kanina si Qiu Xian, masasabi kong napaka-swerte niya dahil nagtagpo ang landas namin sa kanya nung time na kami pa ang intern at siya ang pasyente. Hangad kong makuha pa niya ang kasiyahang hinahanap niya.

"Talaga? Nag-iintern ngayon si Qiu Xian? Wow!" tuwang sabi ni mama.

"Opo Ma, kaya nga tuwang-tuwa ako nung nalaman ko yun."

"Baka naman sa sobrang tuwa mo, bigla ka na lang mapaanak dyan ng wala sa oras."

"Hindi naman siguro."

"Eyy, pwede na ba naming malaman kung babae ba o lalaki?"

"Ehh Mama, kahit ako po, hindi ko rin po alam kung lalaki o babae, kasi gusto po naming na surprise na po yung gender ng baby." Bigla akong napahawak sa tyan ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Zhi Shu.

Tumango lang ako. "Sumipa lang si baby." Pero sa totoo lang, simula nung nabangga ako ni Qiu Xian kanina hindi na naalis yung sakit. Bakit kaya? Mawawala na rin siguro ito mamaya.

Ngayong malapit na ako sa due date ko, lalo akong kinakabahan. Tatlong araw na rin hindi natigil sa pagsakit ang tyan ko. Hindi ko alam kung bakit? Manganganak na ba ako? Pero hindi pa pumuputok yun palatubigan ko ehh. Haaay... Naunang umalis si Zhi Shu papuntang hospital dahil sa isang emergency. Ano kaya ang gagawin ko? Kapag sinabi ko naman kina mama ito, baka naman mataranta yun.

"Mama, alis na po ako."

"Sigurado ka ba? Hindi ba pwedeng magleave ka na muna. Nasa kabuwanan ka na ehh."

"Ayos lang po ako Ma, at isa pa, dadalhan ko po ng pagkain si Zhi Shu. Bye, Ma."

Umalis na ako sa bahay. Pero hindi muna ako dumiretso sa hospital.

"Xiang Qin! Xiang Qin!" may isang babae ang kumakaway sa akin.

"Christine!!!!" yayakapin sana ako ni Christine, kaso nga lang biglang humarang ang malaki ko ng tyan.

"Waaahh! Ang laki-laki na niya, malapit ka ng manganak diba?" tumango lang ako. "Bakit ka pa naglalakad? Sana nagpahinga ka na lang sa inyo."

"Hindi ayos lang. Magpapasama nga ako sa'yo ehh. Tara na."

Minsan na lang din kami magkita ni Christine dahil masyado rin silang busy sa pagpapatayo ng mga restaurant ni Ah Jin. Oo tama, MGA restaurant. Napaka-swerteng Ah Jin. Nahanap na rin niya ang totoo niyang kaligayahan.

"Xiang Qin, bakit tayo naandito?"

"Ahm, Christine, pwede bang hintayin mo na lang ako dito sa labas." Tumango na lang siya.

"Doc. Good morning po." Bungad ko sa OB-GYNist ko.

"Oh, Xiang Qin, napadalaw ka? Tapos na ang monthly check-up mo diba? Gusto mo na bang alamin kung lalaki ba o babae ang anak mo?"

"Ahh hindi po doc. Ang totoo po kasi nan, hindi ko po alam kung bakit bigla pong sumakit yung tyan ko. Tatlong araw na po ehh..."

Pinahiga na ako ng doctor para i-check kung bakit biglang nasakit yung tyan ko.

"Ano ba ang pinaggagawa mo nitong nakaraang araw? Bago sumakit?"

"Ahm, wala naman po, pero po kasi matapos po akong mabangga nung kaibigan ko dahil sa pagmamadali niya ayun po, bigla pong parang may sumipa sa loob ng tyan ko. Nung una, hindi ko na lang po pinansin kasi baka po yung baby ko, pero tatlong araw na po paulit-ulit pong ganun."

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon