Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen

262 7 0
                                    

Kiss 23

(Xiang Qin POV)
Naandito na ako ngayon sa kwarto ng kambal. Inaayos ko na ngayon yung mga gamit ng kambal na dadalhin namin sa clinic. Dumating din si Mama at tinulungan ako na pumili rin ng damit na ipapasuot dun sa dalawa.

"Xiang Qin..." Biglang bumulong sa akin si Mama.

"Anong ginawa niyo ni Zhi Shu?" Nabitawan ko yung damit na hawak ko.

"Ma naman..."

"Xiang Qin, Ma, alis na po ako." Rinig kong nagsalita si Zhi Shu pero pakiramdam ko biglang uminit ang mukha ko.

"Oohh. Mukhang maganda ang araw mo ngayon ah. Papa Zhi Shu~ bye~" Rinig kong pang-aasar ni Mama. At tumawa siya. Bumaba na si Zhi Shu.

"Aiyooo... Xiang Qin, normal lang naman iyon sa mag-asawa." Hindi na ako makaimik. "Ay, nga pala. Naibigay mo ba kay Zhi Shu yung lunchbox niya?"

Bigla kong naalala yung lunchbox ni Zhi Shu na nasa kusina pa kaya naman ay dali dali akong bumaba, nakita ko si Zhi Shu na nagsasapatos na at sinabi ko na huwag munang umalis. Dumiretso ako sa kusina at naandun pa nga yung lunchbox. Kinuha ko iyon at pumunta kay Zhi Shu. Inabot ko sa kanya yung lunchbox.

"Huwag kang magpapagutom." Kinuha niya yung lunchbox at bigla niya akong hinila.

"Busog na busog na nga ako eh." Bulong niya sa akin. Hinampas ko siya. Tumawa lang siya.

"Mag-ingat kayo nila Mama sa clinic. Tawagan mo ako kapag may problema." Hinawakan niya ako sa pisngi at hinalikan. "Alis na ako, Mama Xiang Qin."

"Hm! Mag-iingat ka, Papa Zhi Shu." Hinalikan niya ulit ako.

"MA! Anong oras-" Narinig ko yung boses ni Papa. "Ah! He he he Wala akong nakita. Continue."

Yumuko na lang ako. Ah! Grabe nakakahiya! Pagkaalis ulit ni Papa ay hinalikan ulit ako ni Zhi Shu sabay ngiti at lumabas na siya ng bahay.

Napahawak naman ako sa mukha ko. Matagal ko ng asawa si Zhi Shu pero hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Oh my g!!

(Jun Ya POV)
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nabasa ko tungkol kay Ah Nou. Ahh! Ito yung dahilan kung bakit ayaw kong i-engage ang sarili ko sa showbiz. Dahil hindi ko alam kung totoo ba iyon o hindi.

"Jun Ya..." Rinig kong tawag sa akin ni Ate Hao Mei. Sabay kaming kumakain ngayon.

"Ayos ka lang ba? Kagabi ka pa matamlay."

"Ate Hao Mei... pwede magtanong?"

"Ano iyon?"

"Paano naging kaibigan ni Ah Nou si Kuya Yu Shu?"

Ikinuwento na sa akin ni Ate Hao Mei kung paano at bakit nagkakilala sila Ah Nou at Kuya Yu Shu. Halos tama lahat ng nabasa ko sa interviews at sa mga sinabi ni Lin Xia. Lumaki si Ah Nou sa hospital, may nakilala siyang bestfriend, at dahil dun nabigyan siya ng pag-asa na magpatuloy pa.

Sinabi rin sa akin ni Ate Hao Mei na last year lang ulit nagkita sila Ah Nou at Kuya Yu Shu dahil lumalala na ang kalagayan nito. Ni hindi nga alam ni Yu Shu na nag-artista na pala si Ah Nou ehh. Last year lang din niya nalaman ang tungkol kay Ah Nou.

Pero ano yung isang interview na nabasa ko?

"Bakit mo nga pala naitanong?"

"Ah.. may nabasa lang po ako na article na may nakilala si Ah Nou na matandang lalaki sa hospital noong 12 years old siya. Nagbaka sakali lang ako na kilala niyo rin."

"Yun ba? Ang pagkakaalam ko kasi 10 years old lang sila Yu Shu at Ah Nou nung magkakilala sila eh." Ininom na niya yung gatas niya. "Bakit hindi mo tanungin si Ah Nou? Assistant ka niya diba?"

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now