Chapter 41:

142 3 2
                                    

Kiss 41:

(Xiang Qin POV)

Isa isa kong chinekan ang mga gamit na kailangan kong dalhin.

/ dalawang set ng uniform na puti
/ isang set ng uniform na may pants
/ anim na undergarments
/ towel
/ toothbrush, toothpaste
/ shampoo, sabon
/ alcohol
/ off lotion

"Kumpleto na ba yung mga gamit mo?" Tanong sa akin ni Zhi Shu habang binibigay niya sa akin yung medicine kit.

"Hmmm..." Chineck ko rin yung medicine kit na binigay niya sa akin at saka ko nilagay sa maleta. "Kumpleto na." Ngiti kong sabi.

"Ano ang naisipan mo upang gawin ito?" Umupo siya sa may tabi ng maleta at tinulungan niya akong mag-empake.

Kanina bago kami umalis sa hospital, dumiretso ulit ako sa room ni Lin Xia. Nabalitaan ko kasi sa mama niya na pinayagan nila itong pumasok sa school dahil iyon ang request ng anak nila. Kaya naman ay gusto ko rin siyang kumustahin.

"Anak, diba, sabi ko sa'yo delikado kapag pumunta ka dito." Mula sa pinto ay narinig ko silang mag-usap.

"Lin Xia, hindi pa ba sapat na pinayagan ka namin na pumasok ngayon sa school kahit sobrang delikado sa sitwasyon mo."

"Mama, Papa, alam ko naman po na nag-aalala po kayo sa akin. Pero, ito po yung magpapasaya sa akin. Alam niyo naman po diba? Simula pagkabata, isa lang po ang gusto ko, ang pumasok sa school at magkaroon ng maraming kaibigan bago man lang ako mawala." Narinig kong bumuhos na ng iyak ang mama niya.

"Anak, huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka mawawala. Gagawa kami ng paraan para mabuhay ka pa. Patawarin mo kami anak kung hindi namin maibigay ang buhay na dapat ay para sa'yo."

"Mama, huwag ka na pong umiyak. Wala po kayong dapat na ihingi ng tawad. Masaya po ako, masaya ako na kayo po ang naging magulang ko. Inalagaan niyo po ako at hindi niyo po ako pinabayaan. Kung mamatay man ako ngayon at muling isilang sa mundong ito kayo pa rin po ang gusto kong maging magulang. Mama, papa, hayaan niyo pong maenjoy ko ang buhay ko sa huling sandali. At isa pa po, nasabi ko na rin kay Jun Ya na sasama ako. Gusto ko lang naman po na magpaalam sa kanya."

"Sige, anak, papayagan ka namin, pero sasama kami."

"Papa naman..."

"Ehh paano kapag dun ka inatake, sino ang tutulong sa'yo? Mabuti sana kung merong nurse ang mag-assist agad sa'yo..."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan nabuksan ko yung pinto ng kwarto na ikinagulat nilang lahat at napatingin sa akin.

"Ako na lang po ang sasama sa kanya." Saad ko.

Pumayag yung mga magulang ni Lin Xia. Matapos ko silang kausapin ay pinuntahan ko ang head nurse ko. Nagpaalam ako na kung pwede ay samahan ko ang isang pasyente sa camping na gagawin. Noong una hindi siya pumayag kasi walang mag-aasikaso kay Nongnong, pero mabuti na lang at dumating din si Zi Yi, sinabi niya na siya na muna ang magbabantay kay Nongnong. Alam din naman kasi ni Zi Yi ang sitwasyon ni Lin Xia dahil palagi rin itong kinukwento sa kanila ni Nina.

Ipinagpaalam din namin ito kay Chuan Jin since siya ang doctor ni Lin Xia, noong una ayaw rin niyang pumayag kasi severe na nga yung case ni Lin Xia, as much as possible ay kailangan na nga niyang magstay sa hospital. Si Nina na ang kumausap ng masinsinan kay Chuan Jin, sinabi niya na sasamahan niya ako, pati si Gan Gan ay sasama rin para makatulong. Sa huli, wala ring magawa si Chuan Jin kundi ang sumang-ayon.

Nung sinabi namin kay Lin Xia na maaari na siyang sumama sa camping ay makikita mong lumiwanag ang mukha niya at abot hanggang tainga ang mga ngiti niya.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon