Chapter 12: Our first night

848 25 11
                                    

Kiss 12

(Xiang Qin's POV)

"Happy First Monthsary and Christening Zheng Chen and Yi Chen!"

"Congratulations Yu Shu and Hao Mei for Graduating!"

May dalawang banner ang ginawa sila Mama para ipagdiwang namin ang isang buwang pagkabuhay ng mga anak namin ni Zhi Shu at ang araw ng pagtatapos nila Yu Shu at Hao Mei sa high school. Pero ayaw sana ni Zhi Shu na icelebrate ang naturang araw na iyon, alam niyo naman ang asawa ko, masyadong KJ pagdating sa mga parties. Wala na rin naman siyang magagawa dahil kapag si Mama ang nagplano kailangang masunod.

Dumating din ang mga malalapit naming kaibigan katulad nila Gan Gan, Nina, Zhi Yi, at Chuan Jin. Huling dumating sila Hao Mei at Jun Ya kasama si Ah Nou. Hanggang ngayon personal assistant pa rin ni Ah Nou si Jun Ya. Hindi nakarating sila Qiu Xian at Qi Tai, sa kung anong dahilan? Hindi ko rin alam. Babawi na lang daw sila sa mga susunod na buwan. Pinuno namin ang bahay na yun ng isang maganda at masayang araw.

Naandito kami sa may bakuran, nagbabarbeque kami ni Papa at sila Gan Gan at ang iba pa naman ay nasa loob nakikipaglaro sa kambal. Inilahad ko ang kamay ko para kumuha ng barbeque nang biglang nanlabo ang paningin ko. Na halos hindi ko masyadong maaninag kung ano ang dadamputin ko. Kaya naman lumayo ako dahil baka siguro sa usok lang yun.

"Ate Xiang Qin," mula sa likuran ko may isang babae ang tumawag sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha niya. "Ate Xiang Qin, okay ka lang po ba?"

"Jun Ya, ikaw pala." Ano ang nangyayari sa akin? "Oo, okay lang ako. Nag-eenjoy ka ba?"

"Opo, ang swerte talaga ng mga anak mo."

Nanlalabo talaga ang paningin ko. Bakit ganun? Umaga pa naman ah. Bakit hindi ko maaninag masyado ang mukha ni Jun Ya?

"Ate Xiang Qin, tingnan niyo po?!" May tinuro sa akin si Jun Ya mula sa kalangitan pero wala talaga akong makita kundi kulay bughaw na kalangitan. Tinawag na rin ni Jun Ya ang iba pa naming kasama para makita kung ano man yung tinuturo niya.

"Bulalakaw yan!"

"Make a wish!"

Yan lang ang naririnig ko sa mga pinag-uusapan nila, ibig sabihin isang bulalakaw ang tinuturo ni Jun Ya.

"Delikado ito."

Lahat kami ay natigilan at napatingin kay Zhi Shu.

"Masyadong maliwanag ang bulalakaw na yan, ibig sabihin..."

Hindi na naituloy ni Zhi Shu ang sasabihin niya dahil may nakita kaming isang pagsabog.

"Ibig sabihin bumagsak na yung bulalakaw." Saad ko. Yun lang ang nakita ko.

"Hao Mei, hindi ba malapit sa inyo yun." Pangambang sabi ni Yu Shu.

"Sila Mama!" tarantang sabi ni Hao Mei. "Anong gagawin natin?"

Naantala ang masaya naming celebration. Nabalot ng takot at pangamba. May tumawag kina Zhi Shu at Chuan Jin. Nagsenyasan lang sila, umalis si Chuan Jin kasama si Nina. Umakyat naman si Zhi Shu sa taas at sinundan ko siya.

"Zhi Shu, anong ginagawa mo?" Kinukuha niya ang mga kasangkapan niya sa pangdoctor. "Ihanda mo yung coat ko." Tinulungan ko na lang siya.

"Zhi Shu, saan kayo pupunta?" Nataranta na rin si Mama.

"Mama, pahiram kami ng susi ng van."

"Kuya Zhi Shu, sasama po ako." Iyak na sabi ni Hao Mei. "Nag-aalala na po ako, hindi ko na makontak sila Mama."

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon