Chapter 16: Nananaginip ka lang

502 16 1
                                    

Kiss 16:

(Zhao Zi's POV)
Naandito ako ngayon sa supermarket naggrocery ako para sa isang party na magaganap mamaya. Dahil nakita na namin ang result ng entrance exam nila Hao Mei at Yu Shu sa Taiwan University. Sa awa ng diyos ay nakapasa si Hao Mei. Kaya ito, kailangan naming magcelebrate. Sa ngayon, hindi ko talaga akalain na gusto ni Yu Shu na sa Taiwan University sila ni Hao Mei mag-aaral. Anak ko talaga, binata na.
Habang nakapila ako para makapagbayad ay may nakaagaw ng pansin ko malapit sa counter. Isang magazine at ang cover ay si Ah Nou kaya kumuha ako.
Ang gwapo talaga ni Ah Nou. No wonder na naging isa siyang artista. Pero sino kaya ang babaeng ito? Parehas silang naka-school uniform. Teka... si Jun Ya?

"Ma'am, kasama po ba yan si bibilhin niyo po?" Napatingin ako sa counter.

Ako na pala yung magbabayad. Kaya naman isinama ko na rin yung magazine na hawak ko. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako makapaniwala kung si Jun Ya nga yung babaeng kasama ni Ah Nou sa magazine. Pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko ay diretso uwi na ako. Naabutan ko si Xiang Qin sa bahay na naglalagay ng decoration sa buong salas.

"Ma, nandito ka na pala." Bungad niya sa akin.

"Yung kambal?" Tanong ko sa kanya habang inilalapag ko yung mga gamit sa kusina.

"Tulog po ma." Lumapit sa akin si Xiang Qin.
"Ang dami niyo naman pong pinamili."

"Siyempre kailangan nating magcelebrate!" Tuwa kong sabi. Kumapit sa braso ko si Xiang Qin at ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Ma, sobrang bilis ng panahon. Hindi ko po akalain na college na sila Yu Shu at Hao Mei na minsang naging estudyante ko rin." Hinawakan ko ang mga buhok niya.

"Kaya nga, kahit ako hindi rin makapaniwala. Baka bukas-bukas sila na rin ang ikasal. Bubuo ng sariling pamilya." Hindi ko alam pero may tumulong luha sa mga mata ko.

"Oh Mama, bakit po kayo naiyak?"

"Wala. Masaya lang ako na nalulungkot." Pinahid ko na mga luha ko.
"Tanging panahon lang ang hindi natin kayang pigilan. Na kahit anong gawin natin, mabibigla na lang tayo na isang araw yung dinala nating bata ng 9 months sa ating sinapupunan, ngayon may sarili ng buhay na kailangang gampanan. Na wala tayong ibang magagawa kundi ang gabayan lang sila at mahalin ng walang kapalit." Nakangiti kong sabi sa kanya pero alam kong hindi niya ako naiintindihan. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Maiintindihan mo rin ang lahat ng ito sa tamang panahon."

"Oh. Bakit kayo nag-iiyakan dito?" Naantala ang pag-uusap namin ni Xiang Qin dahil biglang dumating si Ah Cai.

"Wala. Usapang babae." Sabay tawa ko.

"Ayy sus. May bisita pala tayo."

Lumabas na kami sa kusina at nakita namin sila Christine at Ah Jin.

(Xiang Qin's POV)
"Waaahhh!! Christine!" Pagkakita na pagkakita ko kay Christine ay agad ko siyang niyakap. Ilang months din kasi kaming hindi nagkita.

"Xiang Qin, miss na miss kita." Niyakap din niya ako.
"Kumusta na? Na saan na yung anak mo?"

"Hala, kayong dalawa ay dun muna sa kwarto." Saad sa amin ni Mama.
"Kami na bahala rito." Tumango na lang kami at dumiretso sa kwarto pero naabutan naming gising si Yi Chen at naglalaro lang siya mag-isa.

"Aiyoo.. gising ka na pala Yi Chen."

"Wow! Kambal pala anak mo?" Tuwang sabi ni Christine.
"Ang cute cute naman nila." Binuhat ko si Yi Chen.

"Siya pala si Yi Chen. Tapos yun naman si Zheng Chen."

"Hello baby... ako pala si Tita Christine. Pwede ko ba siyang mabuhat?"

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon