Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?

881 24 0
                                    

KISS 3

Aiyoo... nakalimutan ko, ngayon nga pala uuwi sila Christine at Ah Jin, ang mag-asawang mula sa England. Hindi ko na sila nasalubong sa airport. Excited na akong makita ulit si Christine, sigurado akong tuwang-tuwa yun, dahil sa wakas kasal na rin sila ni Ah Jin.

"Xiang Qin"

"Po?"

"May lakas ka pa ba? Pupunta tayo sa restaurant ng papa mo, baka dun, makakain ka ng maayos."

"Kaya ko pa naman po mama."

"Tara na."

"Ehh Mama, ikaw po yung sasama sa akin? Mama, sobra-sobra na po yung ginawa niyo sa akin. Dumito na lang po kayo sa bahay. Ako na lang po ang pupunta mag-isa sa restaurant ni Papa, kaya ko pa naman po ehh. Magpahinga na lang po kayo."

"Pero Xiang Qin, maggagabi na. Delikado na yan para sa'yo."

"Ma, ako na lang ang sasama kay Ate Xiang Qin."

"Sigurado ka, Yu Shu? Hindi ka pa marunong magdrive."

"Mama, okay lang po kahit hindi na kami magkotse ni Yu Shu, magtataxi na lang po kami."

"Sige, mag-iingat kayo hah."

"Opo Ma"

Umalis na kami ni Yu Shu sa bahay. Ano ba ang dapat kong kainin? Halos lahat na lang sinusuka ko. Sana naman may pagkain na akong pwedeng kainin. Hindi naman ako ganito dati ehh. Haaayy..

Baby, ayaw mo ba yung mga pagkaing kinakain ni mama? Ano ba gusto mong pagkain? Paghindi pa ako nakakain nito, manghihina na si mama. Manghihina ka na rin. Kaya sana naman, tanggapin mo na yung kakainin nating pagkain sa restaurant ni lolo mo hah.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa restaurant ni papa.

"Papa, nandito na kami."

"Oh, Xiang Qin. Tamang tama lang ang dating mo. Kakatapos ko lang lutuin yung pagkain na kakainin mo. Tumawag kasi sa akin ang mother-in-law mo na halos hindi ka makakakain kaya ang naisip kong lutuin ay yung pagkain na pinaglihian ng mama mo."

"Talaga po? Salamat papa."

"Ito na... O Yu Shu, ginawan din kita ng rice cakes."

"Salamat po."

"Wow! Papa, ang sarap naman nito!"

"Yan ang favorite ng mama mo."

Thank you baby, mukhang nasarapan ka rin sa luto ni lolo mo ah. Hmmm! Mapaparami na ang kain ko nito.

"Ano Xiang Qin? Nagustuhan mo ba ang luto ko?"

"Opo, ang sa---" Asar! Bigla na lang akong sumuka. Ano ba yan! Hindi man lang ako nakapunta sa lababo, nagkalat pa ako dito. Buti na lang walang costumer.

"Xiang Qin! Ayos ka lang ba?" pag-alalang tanong ni papa. "Yu Shu, gawin mong "closed" yung sign sa labas, Wan Zi, kuha ka ng timba."

"Aiyoo, Xiang Qin, ano ba ang nangyayari sa'yo?" hindi ko mapigilan ang pagsuka.

"Papa! Wan Zi! We're ba-"

"Uncle Cai, bakit po close yung restau-"

"Eyy, anong nangyayari dito?" sabay nilang sabi.

"Ah Jin, Christine, welcome back." Malumanay kong sabi.

"Xiang Qin, ano nangyari sa'yo? May sakit ka ba?" lumapit sa akin si Christine.

"Wala, hindi ko lang makain ang mga pagkain. Kamusta na ang bagong mag-asawa?"

Nahihilo na ako, hindi ko na kaya. Pakiramdam ko, maya-maya ay mahihimatay na ako. Hindi na ako sumali sa usapan nila. Halos hindi ko rin naman maintindihan ang mga pinagsasabi nila. May nilabas si Christine na isang pagkain. Imported galing England. Kaya lang, ganun pa rin, hindi ko pa nilulunok, isinusuka ko na agad. At nung tinanong ni Christine kung ano nangyayari sa akin, si papa na ang sumagot na buntis ako at naglilihi. Ang mga ngiti ni Christine halos abot sa tenga at tuwang-tuwa. Ikinuwento na ni papa kung ano ang nangyayari sa akin. Kaya naman nagluto na si Ah Jin ng isang putahe. Baka ito na talaga yung pinakihihintay ko na pagkain. Masarap naman magluto si Ah Jin ehh. Pagnaluto na kaya ni Ah Jin yung pagkain, makakakain ko na kaya? Sana.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now