Chapter 39:

123 6 1
                                    

Kiss 39:

(Xiang Qin POV)

Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako dahil nasa kwarto na ako kaya naman ay napatayo ako bigla. Napahawak ako sa ulo ko kasi nakaramdam ako ng kaunting hilo at pananakit. Ano ba ang nangyari? Bakit nakapangtulog ako? Bakit nasa kwarto ako? Nasaan si Zhi Shu?

"Gising ka na." Narinig ko ang boses ni Zhi Shu, naka-puting Tshirt na siya at pantalon.

"Anong nangyari?" Lumapit siya sa akin. Naglagay siya ng tubig sa isang baso at iniabot niya sa akin.

"Nalasing ka kagabi. Kasama mo sila Ah Jin." Bigla kong naalala yung nangyari kahapon. Nag-inuman nga pala kaming tatlo.

"Sinundo mo ako?" Ininom ko yung tubig. "Naparami ata nainom ko."

"Kaya mo pa bang pumasok?" Marahan niyang sabi.

"Anong oras na?"

"Mag9am na."

"Halaaaa!" Napatayo ako bigla at halos maoutbalance ako.

"Xiang Qin, mag-ingat ka naman. Kung hindi mo kayang pumasok sasabihin ko nalang sa head nurse mo."

"Naku! Naku! Ayaw ko! Kaya ko. Hindi ako pwedeng lumiban sa trabaho." Dumiretso na ako sa c.r para makaligo. Sinabi naman sa akin ni Zhi Shu na sa kwarto siya ng kambal maghihintay.

Binilisan ko na lang ang pagligo at pagprepare. Naabutan ko si Zhi Shu na nakikipaglaro sa kambal. Lumapit ako at humalik dun sa dalawa. Pumasok din si Mama sa kwarto sinabi niya na may nakahain sa mesa na breakfast at hangover soup. Pinababa na niya kami agad dahil baka raw malate pa kami. Kakaunti lang ang nakain ko dahil kumukulo ang sikmura ko. Kaya halos yung hangover soup lang ang pinilit kong ubusin kahit na hindi ko mawari ang lasa. May naigawa na rin si Mama para sa lunch namin. Humingi naman ako ng pasensya dahil hindi na ako nakatulong sa pagluluto. Sinabi na lang ni Mama na ayos lang iyon. Gusto nga sana niya na huwag na muna akong pumasok ngayon. Pero sinabi ko na lang na hindi pwede, kasi kahit papaano kailangan ko pa rin gampanan ang responsibilidad ko sa pagtatrabaho. At alam ko naman sa sarili ko na kaya ko rin.

Saktong 10am na kami nakaalis ng bahay. Late na kami. Kaya naman pagdating na pagdating ko ng hospital ay sinabihan ko na lang si Zhi Shu na siya na ang bahalang magdala nung pagkain namin sa office niya. Nagkiss na ako sa kanya saka na tumakbo sa work station ko. Naabutan ko sa quarter namin si Zhi Yi at may hawak hawak siyang files.

"Xiang Qin, bakit ngayon ka lang?" Agad niyang tanong sa akin. "Hanap ka ng head nurse."

"Hah? Ah sige. Papunta na ako." Inilagay ko na yung bag ko sa locker ko at nagpaalam na ako kay Zhi Yi saka dumiretso sa head nurse.

Alam kong papagalitan ako dahil late ako ngayon kaya bago ako pumasok sa office niya ay huminga ako ng malalim saka kumatok. Noong sinabi niya na come in, saka ako pumasok.

"Good morning po..." nahihiya kong bati sa kanya.

"Oh, Xiang Qin, ikaw pala. Have a seat." Dahan dahan akong pumasok at umupo.

"Pinapatawag niyo raw po ako..."

"Hmm! This is regarding to Liu Nong, one of your patient that had been comma and now is awake." Tumango lang ako. May ibinigay siya sa akin na files. Ang kapatid ni Yanong. "Isang himala ang nangyari sa kanya nung siya ay nagising kaya kailangang regular pa rin ang pagmonitor sa kanya. That's why I want you to monitor him regularly, his vitals, his BP, his actions, and his foods. Make sure he eats on time, change his IV, and his gauges. Can you do it?"

"Yes, ma'am!" Ngiti kong sabi.

"Don't worry. I'm not giving you another load. You just need to focus to this one, because he still in a critical condition that's why we need to monitor him. Nandyan sa files na binigay ko ang schedule at pattern na iyong susundin. Kapag may katanungan ka pa, lapitan mo lang ako." Tumango lang ako. "Maaari ka ng umalis.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now