Chapter 51:

334 7 17
                                    

Kiss 51:

(Jun Ya)

Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

Nanigas na ako sa kinatatayuan ko at tila hindi ko na alam kung dapat ko bang paniwalaan ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako? O totoong nangyayari ang lahat ng ito. Ang mga pangyayaring nasaksihan ko ngayon ay ang pangyayaring nakalimutan ko na. Masyado pa akong bata nun. Matapos mamatay si Papa, ang hospital ay tila isang traumatic na lugar sa akin kaya naman halos hindi ko na tanda ang mga kaganapan noon.

Pumasok yung tatlong bata sa isang kwarto kaya naman ay sinundan namin iyon ni Lin Xia at mula sa kwartong iyon ay nawala ang tatlong bata. Tanging ang Kero Chan na stuff toy lang ang naabutan namin. Pinulot ito ni Lin Xia at saka siya humarap sa akin.

"Naniniwala ka ba sa guardian angel?" Tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot. "Hindi ko alam kung natatandaan mo pa yung nakita mo kanina. Ipinagtanggol mo kaming dalawa ni Stacy sa Ate niya."

"Stacy?" Pagtataka kong tanong.

"Si Cai Hong..." Malumanay niyang sabi.

"Cai Hong??" Ngumiti siya sa akin. Pumunta siya sa isang sofa na naandun at umupo. Sinundan ko rin siya at umupo sa tabi niya.

"Dito kita unang nakita, sa lugar na ito."

"Lin Xia, hindi kita maintindihan? Ano ba ang nangyayari? Bakit tayo naandito? Sa pagkakatanda ko, nakidnap tayo, ano ito? Patay na ba tayo?" Nanginginig kong tanong sa kanya pero ngumiti ulit siya sa akin.

"Naniniwala ka ba sa guardian angel?" Muli niyang tanong sa akin. Hindi ulit ako sumagot, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Dahil ako, oo. At ang nagsisilbing patunay na totoo ang guardian angel ay noong ipinagtanggol mo kami. Kung hindi ka siguro dumating noong araw na iyon baka hindi na kita nakilala at nawalan na ng pag-asa." Humarap siya sa akin. "Alam mo ba kung ano ang pinakang masayang araw ko?" Umiling ako. "Noong binigay mo sa akin si Kero Chan. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa. Pero ibinigay mo sa akin si Kero Chan upang magsilbing tagapagtanggol ko sa tuwing may mang-aapi sa akin. Kahit na sinabi mong regalo ito sa'yo ng Mama at Papa mo ay ibinigay mo pa rin ito sa akin. At sa totoo lang, hindi na ako ginugulo ng Ate ni Cai Hong, kaya lang, siya naman ang lumayo sa akin. Kaya laking pasalamat ko noong ibinigay mo sa akin si Kero Chan, dahil simula noong hindi na ako pinapansin ni Cai Hong si Kero Chan ang nagsilbi kong kaibigan. Araw araw, I was in pain. But Kero Chan was making me feel that I need to survive. I need to survive, para hanapin ka bago man lang ako tuluyang mawala."

"Li-lin Xia ano ba yang pinagsasabi mo. Hindi kita maintindihan. Na saan ba tayo? Huwag mo akong biruin ng ganito." Hinawakan niya ako sa pisngi ko.

"Jun Ya, gusto kong humingi ng tawad sa'yo kung hindi ko nasabi sa'yo ang totoo. Noong nakita kita sa magazine cover ng Rising Star, I knew it was you. Kaya nagkaroon ako ng pag-asa na magkikita tayo at hindi nga ako nabigo. Nakita kita sa school kaya nilapitan agad kita but you seem not to remember me. Noong una, medyo nasaktan ako dahil hindi mo na ako nakilala pero natanggap ko rin agad iyon kasi baka sadyang hindi mo na ako matandaan dahil mga bata pa lang tayo nun. I'm sorry dahil alam kong nakukulitan ka na sa akin. Pero gusto kong magpasalamat. Maraming maraming salamat at muli tayong nagkita sa ikalawang pagkakataon, kahit na sa maikling panahon na ating pagsasama." May tumutulong luha sa kanyang mata, kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Umiyak na rin ako.

"Lin Xia, ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi na kita maintindihan. Anong ibig sabihin mong sa maikling panahon na ating pagsasama? Lin Xia, sabihin mo sa akin buhay pa tayo diba? Nakaalis tayo sa mga kidnappers kaya tayo naandito." Iyak ko ring sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now