Chapter 11: She's mine now

634 21 1
                                    

KISS 11

(Hao Mei's POV)

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung tinakbuhan namin ni Yu Shu si Jun Ya. Simula nun, hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko naman siya matawagan kasi palaging naka-off yung cellphone niya. Hindi ko na rin siya matiyempohan sa 7/11 kung saan palagi siyang nakain. Ano na kaya ang nangyari kay Jun Ya? Nagalit kaya siya sa akin? Paano na ito?

"Ate Hao Mei..." Naalala ko bigla ang napag-usapan namin ni Jun Ya sa 7/11. Kakatapos lang niyang kumain ng instant noodles. Tumingin siya sa akin habang napatak ang kanyang mga luha. "Gusto kong magkasakit ulit."

Natigilan ako nun sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kung paano ko siya icocomfort.

"Jun Ya, bakit mo naman naisip ang bagay na yan. Hindi ba dapat magpasalamat ka kasi gumaling ka na?" Tumingin siya labas ng 7/11 habang pinagmamasdan ang pumapatak na ulan.

"Mas mabuti pa nga nung may sakit pa ako, palagi niya akong inaalagaan. Kahit anong mangyari hindi siya naalis sa tabi ko. Pero simula nung gumaling na ako, saka naman siya umalis at iniwan na lang ako."

Medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi niya kasi habang nagsasalita siya eh humihikbi siya kaya hindi ko kaagad siya maintindihan.

"Te-teka? Si Kuya Zhi Shu ba ang tinutukoy mo?" tumingin siya sa akin ng may pagkabigla saka tumawa ng malakas.

"Hindi." Tumatawa pa rin siya.

"Ehh sino? Diba sabi mo, nung may sakit ka pa inaalagaan ka niya tapos nung gumaling ka na nawala siya. Hindi ba si Kuya Zhi Shu ang doctor mo?"

Umiling lang siya sa sinabi ko at tumayo na siya. "Uuwi na po ako Ate Hao Mei."

Lumabas na lang siya sa 7/11 at ako naiwan dun na nakatulala. Hanggang sa maalala ko, May payong ba siya? Kaya lumabas na rin ako ng 7/11 para sundan siya. At hindi ako nagkamali wala siyang dalang payong habang naglalakad sa mga gilid-gilid ng bahay. Lalapit na ako sa kanya nang bigla siyang napaluhod, kaya naman tumakbo na ako papunta sa kanya.

"Jun Ya, ayos ka lang ba?" inalalayan ko siyang tumayo. At pumwesto kami sa lugar na hindi kami masyadong mababasa.

"Ayos na ako Ate Hao Mei, salamat." Mahina niyang sagot sa akin.

"Ihahatid na kita sa inyo."

"Huwag na po." Pagtanggi niya sa alok ko.

"Pero wala kang dalang payong."

"Hihintayin ko na lang po sigurong tumila ang ulan."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay wala ng umimik sa aming dalawa. At tiningnan na lang ang pagpatak ng mga ulan pati na rin ang mga sasakyang dumadaan hindi kalayuan sa pwesto namin.

"Boyfriend mo ba ang kapatid ni Kuya Zhi Shu?" Walang anu-ano'y tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakaimik dahil hindi ko alam kung paano ako sasagot sa tanong niya. Dahil una naming pagkikita ay nasabi niyang boyfriend niya si Yu Shu at yun ang naging dahilan kung bakit nagalit si Yu Shu kay Ate Xiang Qin. "Ngayon ko lang napagtanto, napaka-childish talaga ni Ate Xiang Qin. Biruin mo yun, ginawa niya ang lahat para lang mapapayag ako na magpaopera sa puso. Hindi siya tumigil. At ginamit pa niya ang kapatid ni Kuya Zhi Shu. Nakakatawa diba? Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga dahil sa ginamit ni Ate Xiang Qin ang kapatid ni Kuya Zhi Shu para maging boyfriend ko ay pumayag na ako magpaopera. Pumayag lang ako kasi nakita ko ang determinasyon ni Ate Xiang Qin, hindi niya ako sinukuan. Hindi katulad niya."

"Nino?"

"Matapos kasi akong maoperahan ni Kuya Zhi Shu, ay umalis ang Mama ko at iniwan ako sa bahay ng lola ko, kasama ang mga pinsan ko. Simula nun hindi pa nauwi si Mama, tumatawag lang siya sa akin araw-araw para kamustahin ako. Nagpapadala lang siya ng pera para sa panggastos ko araw-araw. Tapos wala na. Hindi ko na maramdaman ang pagiging ina niya sa akin, hindi katulad nung mga time na nasa hospital pa ako."

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now