Chapter 21: She's born with it

250 8 1
                                    

Kiss 21:

(Xiang Qin's POV)
Naalimpungatan ako dahil sa may narinig akong pagsara ng pinto. Kaya naman ay unti-unti kong inimulat ang mga mata ko. Nasa office pa pala ako ni Zhi Shu. Bigla kong naalala yung nangyari sa amin. Ngayon lang ulit namin iyon ginawa ni Zhi Shu simula nung nabuntis ako. Napatingin ako sa sarili ko, may damit na ulit ako. Binihisan siguro ako ni Zhi Shu. Nakatulog pala ako pagkatapos namin... 😍 Aiyaaa! Xiang Qing! Ano yang iniisip mo?

Napatingin ako sa mini table, wala na yung mga pagkain. Kinain na ba ni Zhi Shu? Kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong 6:30pm na. Waah! Tatlong oras akong nakatulog? Bumukas ulit yung pinto at nakita ko si Zhi Shu na pumasok naka-white tshirt lang siya at pantalon.

"Gising ka na." Lumapit siya sa akin tapos hinalikan niya ako sa noo. "Uwi na tayo." Tumango lang ako.

Inayos ko na yung gamit ko, ewan ko ba, parang may ibang spell na ibinigay sa akin si Zhi Shu napapasunod niya agad ako ng wala sa oras. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami kay Christine, pauwi na rin pala sila. Ayaw raw niyang magstay sa hospital eh. Kaya ayun, sunudsunuran sa kanya si Ah Jin. Nakakatawa nga sila eh.

Nagcab na kami ni Zhi Shu pauwi. Habang nasa cab kami ay nakasandal lang ako sa kanya. Tatlong oras na akong nakatulog pero pakiramdam ko pagod pa rin ako. Nakayakap lang ako sa mga braso ni Zhi Shu.

"My wife... naandito na tayo." Hinawakan ako ni Zhi Shu sa pisngi ko para gisingin ako.

"Naandito agad tayo? Ang bilis naman." Tinatamad talaga akong kumilos. Bumaba na kami sa cab. Nakayakap pa rin ako sa braso ni Zhi Shu dahil pakiramdam ko kapag hindi ako nakahawak sa kanya ay matutumba ako.

"May problema ba?" Rinig kong tanong niya pero umiling lang ako. Mabagal ang paglalakad namin papunta sa loob.

"Pagod lang ako."

"Napagod ka? Ang asawa ko, hindi na ata sanay." Napatawa siya bigla at napahinto naman ako. At pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko. Hinampas ko siya.

"Zhi Shu naman! Binigla mo kasi ako!" Natigilan ako sa sinabi ko. Tumatawa pa rin si Zhi Shu, kaya naman ay yumuko na lang ako.

"Kung ganun, gusto mo bang araw-arawin ulit natin?" Bulong niya sa akin. Mapanukso yung mga salita niya. Kung may lakas lang talaga ako nasipa ko na siya ehh. Pero wala! Sobra akong nanghihina. Iba ang karisma niya ngayon.

"Tara na sa loob!" Hinila ko na lang siya papunta sa loob.

Agad naman kaming sinalubong ni Xiao Ke Ai.

"Xiang Qin, Zhi Shu!" Sinalubong din kami ni Mama at Papa. Nasa salas sila ngayon nakikipaglaro sa kambal.

"Ginabi na kayo ah." Napatingin ako kay Zhi Shu.

"Si Zhi Shu kasi Ma!"

"Huh?" Napatingin si Mama kay Zhi Shu at nagkibit balikat lang siya. "Aiyoo... magbihis na kayo. Miss na miss na kayo ng kambal."

Agad kaming pumanhik ni Zhi Shu sa kwarto namin. At ang una akong ginawa ay humiga agad ako sa kama. Naramdaman ko ang lambot ng kama namin. Waaaahh!! Ang sarap matulog! Nagpagulonggulong ako, tapos bumalik ulit ako sa pagkakahiga ko.

Haaayy...

Pakiramdam ko ay isang taon akong hindi natulog sa kama eh! Ipinikit ko na ang mga mata ko, gusto ko na talagang matulog pero bigla akong napamulat dahil nakaramdam ako ng isang halik. Nasa ibabaw ko na ulit si Zhi Shu at hinahalikan niya ulit ako.

"Hhmm- Zhi Shu..."

Kumawala ako sa halik niya. Hindi na naman ako makahinga. Nakita ko na nakaboxer na lang siya.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now