Chapter 29: Good night kiss

219 11 3
                                    

Kiss 29

(Jun Ya's POV)
Hindi ko maintindihan ang sitwasyon ngayon. Parang lasing sila Ate Xiang Qin at Lin Xia. Kung ano ano ang mga pinagsasabi nila. Halos hindi na rin kami makaimik dahil siguro hindi namin alam kung ano ba ang sasabihin sa kanilang dalawa.

"Paano niyo naman nasabi na kami nga ang nakatadhana?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ah Nou.

"Nafefeel ko lang!" Bilib na bilib na sabi ni Ate Xiang Qin.

"Dahil sa mga guardian angels niyo."

Sa puso ako may problema pero sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"Guardian Angels?" Pagtatakang tanong ni Ate Hao Mei.

"Alam niyo ba na nakakakita ako ng Guardian angels..." Biglang nag-iba yung awra ni Lin Xia. Kung kanina ay may pagkabaliw siya. Ngayon, baliw na talaga siya.

"Nakakakita ka ng Guardian Angels?" Tanong ko.

"Hindi lang guardian angels. Pati multo...!"

"M-multo?!" Napatakbo bigla si Ate Xiang Qin sa likod ni Kuya Zhi Shu.

"T-teka... p-parang nangyari na ito." Nanginginig ang boses ni Ah Nou.

"Deja vu..." Mahinang sabi ni Kuya Yu Shu. Nakita kong napatingin siya kay Ate Xiang Qin at kay Ah Nou. "Kung hindi ako nagkakamali... sa hospital." Silang tatlo lang yung nagkakaintindihan.

"At may kasama tayo rito... Nasa likod mo!!" Biglang may tinuro si Lin Xia sa likod ni Ah Nou kaya naman ay napatalon siya at sumampa kay Yu Shu. Napayakap din si Ate Hao Mei sa braso ni Yu Shu.

"Yaah! Jun Ya! Saang mental hospital mo ba kinuha itong kaibigan mo!" Paiyak na sabi ni Ah Nou.

Sa totoo lang hindi ko rin alam.

"Lin Xia... ano ba? Huwag mo naman kaming takutin. Alam mo namang kakagaling ko lang sa hospital." Nanginginig na yung boses ko. "Anong guardian angels at multo ang pinagsasabi mo dyan?" Pinagpag niya yung kamay niya at lumiwanag na ulit yung awra niya.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam dahil kayong dalawa lang ang bukod tangi na may palaging may nakasunod." Tinuro niya ako. "Babae ang sumusunod sa'yo." Tinuro niya si Ah Nou. "Lalaki ang sumusunod sa'yo. Mama at papa niyo ba sila?"

"B-buhay pa ang papa ko." Saad ni Ah Nou.

"Buhay pa ang mama ko." Saad ko naman. Tapos naghalumbaba siya at nag-isip.

"Buhay pa ang Papa mo pero lalaki ang sumusunod sa'yo. Buhay pa ang Mama mo pero babae ang sumusunod sa'yo. It doesn't make sense at all. Ahh!!" Bigla niyang pinagtagpo ang kanyang mga palad na ikinagulat namin. "Sila yung mga multo na kung saan hinahanap nila ang kanilang mahal sa buhay."

"Anong connect?"

"Anong connect?? Hmmm... Ahh.. wala. Nagjojoke lang ako." Tapos bigla siyang tumawa.

Ibinaon ko na lang yung mukha ko sa mga palad ko. Gusto kong upakan ang babaeng ito. Matapos kaming takutin sasabihin niyang joke lang ang lahat.

Ipaalala niyo sa akin bukas, ibabalik ko na siya sa mental hospital.

(Xiang Qin's POV)
Hindi na kami nagtagal sa flat ni Jun Ya dahil kailangan niyang magpahinga pa. Sinabay na namin sila Yu Shu at Lin Xia sa sasakyan, si Ah Nou kasi ay may sariling sundo. Alam niyo na, artista. Una naming hinatid si Lin Xia sa kanila. Nakakatuwa ang personality ni Lin Xia halos siya ang nagpasaya sa amin kanina. Biruin mo yun naisip niya na bagay si Jun Ya at Ah Nou. Naisip ko bigla na, bakit hindi diba? Maganda si Jun Ya at pogi naman si Ah Nou, parehas pa silang matangkad. Perfect match!

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang