Chapter 10: You're now my assistant

654 12 1
                                    

KISS 10

(Zhao Zi's POV)

Magluluto ako ngayon ng isang napakasarap na merienda. Uuwi na galing sa hospital sina Xiang Qin. Mabuti na lang at maayos na agad ang kalagayan ni Zheng Chen.

"Mama, nandito na ako." Dumating na ang asawa ko.

"Oh, napaaga ata uwi mo."

"Miss na miss ko na kasi agad ang apo ko ehh." Lumapit siya sa stroller ni Yi Chen.

"Aiyoo.. Papa, magpalit ka muna ng damit. Amoy pawis ka ehh."

"Sige, Yi Chen, sandali lang hah. Babalik din si Lolo."

Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay nakipaglaro na agad siya kay Yi Chen. Hinayaan ko na lang muna silang maglolo. Aiyoo... Hindi ko talaga akalain na magiging kambal ang anak nilang dalawa ehh. Higit pa ito sa inaakala ko. Natapos na akong magluto at nilagay ko na siya sa lamesa.

"Papa, baka gusto mong magmerienda muna dito."

Lumapit naman agad si Ah Cai, buhat-buhat si Yi Chen.

"Apo, tingnan mo oh, nagluto si lola ng merienda."

Bago pa kumain si Ah Cai ng niluto ko ay nagulat kami dahil biglang bumukas ang pinto ng padabog. Nakita namin si Yu Shu na dire-diretso papunta sa kwarto niya.

"Yu Shu! Sandali!" Pagpigil ni Hao Mei.

"Mama!" Bungad naman sa akin ni Xiang Qin. "Pahawak po sandali kay Zheng Chen."

"Bakit anong nangyari?" Kinuha ko si Zheng Chen at umakyat na rin si Xiang Qin sa taas. "Hao Mei, may nangyari ba?"

"Opo Tita. Kanina po kasi nung nasa hospital kami. May isang babae po ang nagsabing si Yu Shu raw ang boyfriend niya."

"Boyfriend si Yu Shu? Paano nangyari yun? Hindi ba kayo?"

"KAHIT KAILAN ANG TANGA-TANGA MO!" nagulat kami ni Hao Mei ng biglang sumigaw si Yu Shu. Kaya naman umakyat na rin kami.

"Yu Shu, hindi ko naman kasi akalain na seseryosohin niya yun eh."

"Kahit na! Wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ng may buhay. Hindi ba ikaw na rin ang naging dahilan para maging kami ni Hao Mei? Tapos ano na naman ito?!"

"Yu Shu! Huwag mo namang sigawan ang Ate mo." Pagsaway ko na sa kanya.

"Tsk!" biglang dinabog ni Yu Shu ang pinto ng kanyang kwarto.

Bumaba na kami para pagaanin ang kalooban ni Xiang Qin. Ibinaba muna ni Ah Cai si Yi Chen sa stroller nito at siya na muna ang nagbuhat kay Zheng Chen.

"Xiang Qin, ano ba talaga ang nangyari?" iyak lang ng iyak si Xiang Qin. Pero nagulat kami sa ginawa niya.

"Hao Mei! Patawarin mo ako!" iyak niyang sabi kasabay nun ang pagluhod sa harapan ni Hao Mei.

"Ate Xiang Qin..." napatingin sa akin si Hao Mei.

"Xiang Qin, ano ba yang ginagawa mo?"

"Hao Mei! Patawad! Hindi ko naman akalain na seseryosohin talaga ni Jun Ya yung napag-usapan namin eh."

"Tungkol saan ba yun Xiang Qin?" Taka ko ng pagtatanong sa kanya.

"Kasi po Mama, naalala niyo po yung time na pumunta ako sa Matsu two years ago. Nung natagalan po akong makauwi ulit." Tumango lang ako. "Si Jun Ya po ang dating pasyente ni Zhi Shu. Nung time po kasi nun nasa kritikal na kondisyon si Jun Ya at ayaw niyang magpaopera sa puso dahil gusto niyang maging asawa ng mama niya si Zhi Shu. Pero siyempre, ayaw ko rin naman po mangyari yun. "Sana may dalawang Zhi Shu." Nung nasabi niya yun, naalala ko bigla si Yu Shu, at yun po ang napagkasunduan namin. Na papayag na siyang magpaopera kapalit nun, magiging boyfriend niya si Yu Shu kapag gumaling na siya ng tuluyan. Kaya naman... Hao Mei... sorry!"

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon