Chapter 28: High Royalty Residence

194 7 1
                                    

Kiss 28

(Hao Mei's POV)

Dumiretso na kami sa Movie Club, hilahila ako ni Ru Hua tapos nakasunod lang sa amin yung dalawa. Marami kaming pinagkukuwentuhan ni Ru Hua about nung middle school namin.

"Alam mo ba, kaya nga ako nag-exam dito kasi nalaman ko na dito rin pala mag-aaral yung crush ko." Kinikilig niyang sabi.

"Wow! Talaga?!" Tuwa kong sabi.

"Bakit dito ka nag-aral?"

"Nagpromise kasi kami ni Yu Shu sa isa't-isa na parehas kami ng school ngayong college. Kaya ayun..." Nahihiya kong sabi.

Maya-maya pa ay dumating na kami sa Movie club. Wala ito sa grand hall. May sarili siyang studio at medyo may kalayuan sa ibang clubs kaya naman ay hindi ganun karami ang mga estudyante. May isang senior ang nagbigay sa amin ng papel na kailangan naming fill-up-an. Kumuha rin si Ah Nou at pumuwesto kami sa may lamesa. Paupo pa lang ako ay bigla akong hinila ni Yu Shu papalabas ng studio.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko." Matipid niyang sagot.

"Yu Shu naman, kanina ka pa-'Ayaw ko' ng 'Ayaw ko' dyan. Sabi mo kanina kung saan ako sasali dun ka. Ehh dito ko gustong sumali. Saka, kakaunti pa lang ang mga estudyante." Inis kong sabi.

"Marami pa naman diyang iba."

"Bakit ayaw mo rito?" Umiwas siya ng tingin sa akin. "Sabihin mo sa akin kung bakit?"

"Bakit dito mo gusto?" Ako yung nagtatanong sa kanya, tapos tatanungin niya rin ako.

"Maganda raw rito sabi ni Ru Hua ehh..."

"Yun lang?"

"Ehh! Bakit nga kasi ayaw mo?"

"I don't trust her. Layuan mo siya." Seryoso niyang sabi.

"Huh? Hindi kita maintindihan. Kaibigan ko si Ru Hua noong middle school, bakit ko naman siya lalayuan?"

"Just stay away from her."

"Hoy! Kayong dalawa diyan! Ano na? Nakapagsign na ako." Biglang sigaw ni Ah Nou sa amin.

"Huwag mong kalimutan na binalaan kita..."

Tapos naglakad na siya papunta kay Ah Nou. Lumapit naman sa akin si Ru Hua at nakangiti.

Ano raw?? Binalaan? Saan? Kay Ru Hua? Huh??

Hinila na lang ako ni Ru Hua papunta sa loob at tinapos na namin ang dapat namin tapusin. Sinabi na sa amin ng President ng Club na si Ong Si Si na every week ay may mga meetings ang club about sa big project. Every year pala ay gumagawa sila ng Film. Kami as new recruit ay may training na dapat pagdaanan. Depende yun sa weekly tasks at monthly tasks na kung saan free kami na pumili ng sarili naming team. Naexcite sila Ah Nou at Ru Hua, si Yu Shu? Aist... seryoso na naman siya.

Natapos agad ang orientation sa amin ng Movie Club kaya naman ay umalis na kami. Si Ru Hua naman ay umalis na rin at may pupuntahan pa raw siya.

"Mukhang exciting yung Movie Club!" Mangha pa ring sabi ni Ah Nou.

"Oo nga! Sa tingin mo, madadali lang kaya yung mga tasks na ipapagawa nila?"

"Madali man o mahirap. Sisiw lang yun sa atin. Lalo na't kasama natin si Yu Shu. Diba?" Napatingin kami kay Yu Shu at wala man lang reaksyon ang kanyang mukha. "Tss! Ang kj talaga ng boyfriend mo..." Biglang bulong sa akin ni Ah Nou.

"Saan na tayo?" Biglang nagsalita si Yu Shu.

*Ting*

Natigilan kaming tatlo dahil biglang tumunog ang mga cellphone namin. Kaya naman ay kanya kanya kaming kuha sa cellphone namin.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant