The Kiss That Will Lasts Fore...

By LadyAkira

21.7K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... More

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 17: Top 1 and Top 2
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 26: Good Tree
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 34: Room 29
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 47:

112 4 1
By LadyAkira

Kiss 47:

(Xiang Qin's POV)

Dinala ulit namin si Jun Ya sa operating room naging unstable ang kanyang sitwasyon kaya naman ay inasikaso agad siya ni Zhi Shu. Muli niyang chineck ang vitals ni Jun Ya, humihina na ang tibok ng puso nito kaya kinakailangan na talagang palitan sapagkat hindi na nagfufunction ng maayos lalong lalo na yung part na kung saan pumutok ang isang ugat.

"Doc., hindi pa rin po kami nakakahanap ng puso na magmamatch sa kanya." Rinig kong tarantang sabi ni Zi Yi sumunod din siya sa amin sa operating room.

"It's okay. We already had. Ang kailangan lang natin ngayon ay dugo." Kalmado niyang sabi. Napatingin sa akin si Zi Yi. Tumango lang ako sa kanya.

"Sige, hahanap na ako ng dugo para sa kanya." Umalis si Zi Yi.

May inutos naman si Zhi Shu dun sa isang nurse na kasama namin, sabi niya iready na yung anesthesia for the operation. Tapos may sinabi rin siya dun sa isang doctor na kasama namin. Sinabi niya yung pinakang sitwasyon ngayon ng puso ni Jun Ya ay masyadong kritikal at isang pagkakamali lang delikado na. Pinaready naman sa akin ni Zhi Shu yung puso for transplant.

Paano kami nagkaroon ng puso para kay Jun Ya?

Noong nawalan na ng buhay si Mrs. Zhang hindi agad ito pinadala ni Zhi Shu sa morgue dahil sinabi niya na kukunin ang puso nito. Sinabi ni Zhi Shu ang huling habilin ni Mrs. Zhang.

"Yung puso ko, match kay Jun Ya."

Kaya isinagawa agad ni Zhi Shu na kunin ang puso nito tapos tiningnan niya kung match ito kay Jun Ya at totoong match ito sa anak niya. Siguro ay alam na ni Mrs. Zhang na talagang hindi na siya magtatagal, at alam niyang magmamatch ang puso niya sa anak niya. Iba talaga ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang anak. Willing niyang ibigay ang kanyang puso para lang mabuhay ang kanyang anak. Siguro kung ako ang nasa katayuan ni Mrs. Zhang baka ganun din ang gagawin ko. Handa rin akong ibigay ang lahat para lang sa kaligtasan ng mga anak ko. May tumulo na luha mula sa aking mga mata.

"Xiang Qin, bilisan mo na diyan." Seryosong sabi ni Zhi Shu.

"Ah, oo." Pinahid ko na yung mga luha ko at lumapit na ulit ako kina Zhi Shu.

Hindi ito yung unang pagkakataon na makikita ko si Jun Ya na ooperahan sa puso, pero sa ngayon, nakaramdam ako ng takot at pangamba. Kaya habang hinihiwa ni Zhi Shu ang dibdib ni Jun Ya ay napatalikod ako at huminga ng malalim.

Xiang Qin! Hindi ka pwedeng matakot ngayon. Kaya mo yan!

Lumapit ulit ako kina Zhi Shu at sinusunod ko na yung mga pinag-uutos niya. Inaabot ko na sa kanya yung mga tools na kailangan niyang gamitin. Muling dumating si Zi Yi at marami siyang dalang bags ng dugo. Iyon ang inasikaso niya. May ikinabit agad silang dugo kay Jun Ya.

Nakikita kong dahan dahan sila Zhi Shu sa operation na ginagawa nila. Mga mag-iisang oras na kami ay naikabit na nila ang artificial na pampatibok kay Jun Ya at dahan dahan na nilang inalis ang puso nito. Ngayon naman ay ikakabit na nila ang bagong puso kay Jun Ya.

Kumuha ako ng tissue sa tabi ko at pinapahiran ko ang pawis ni Zhi Shu.  Sa ngayon ay isa-isa na nilang inaalis yung artificial na pampatibok kasabay nun ang pagkakabit ng puso rito. Muli akong napatingin sa orasan, mag-isang kalahati na nilang nilalagay ang puso kay Jun Ya kaya nagulat kaming lahat dahil biglang tumunog ang monitor screen.

"Check her vitals." Agad niyang utos.

"Doc. Unstable." Sabi nung isang nurse.

May iniutos pa si Zhi Shu na agad din naman nilang ginagawa. Pero hindi pa rin humihinto yung monitor dirediretso pa rin ang pagtunog nito hanggang sa bigla na lang nagflat yung line.

"Zhi Shu! Anong nangyari kay Jun Ya?" Nabitawan ko yung isang tools na hawak ko at napaatras ako.

Hindi ko na marinig at maintindihan ang mga sinasabi ni Zhi Shu. May inuutos siya sa mga kasamahan namin, tapos may ginawa siya na hindi ko na nakita dahil nakatingin lang ako sa monitor at nakita ko na, 0, 0 ang nakalagay pati isang flat line. Tapos unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Humarap sa akin si Zhi Shu at may sinasabi siya pero hindi ko na maintindihan.

Feeling ko umiikot ang buo kong paligid hanggang sa napaupo na ako, tapos nakita kong natigilan din silang lahat at nakatingin sila sa monitor. Unti-unti ko na ulit silang naririnig, pati na rin ang monitor, kaya napatingin ako rito. Muling nagkanumber ito, at yung line ay muling gumalaw.

"Xiang Qin..." Narinig kong tawag sa akin ni Zhi Shu kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin tapos napatingin siya sa kanang bahagi ko kaya napatingin din ako.

Habang hinahabol ko ang hininga ko sa kaba at takot kanina ay tiningnan ko ang kanang kamay ko. Nakahawak na ito sa kamay ni Jun Ya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya umiyak na ako at hinawakan ko na ng mabuti ang kamay ni Jun Ya.

May iniutos na si Zhi Shu sa pagpapatuloy ng operation. Hindi ko na binitawan ang kamay ni Jun Ya at nanatili na ako sa ganung position tapos nagsimula na rin akong magdasal na sana ay maging maayos ang lahat, na sana ay maging successful ang operation at sana ay walang mangyaring masama kay Jun Ya. Inabot pa ng kalahating oras bago sila tuluyang natapos sa operation. Pagkatapos nila ay narinig ko na lang na pumalakpak sila at nagcongrats silang lahat kay Zhi Shu dahil success ang operation. Nagpasalamat naman si Zhi Shu dahil lahat ay mabilis magrespond sa dapat gawin kaya naging successful ang operation. Narinig ko naman si Zi Yi na sinabi niya na sila na ang bahala na ilipat si Jun Ya sa ICU. Kailangan pa ring dalhin si Jun Ya sa ICU for some observation kahit na success ang operation. Lumapit na sa akin si Zhi Shu, hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Jun Ya. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa ulo ko at sabay sabi ng, 'Salamat.' Lalo akong napaiyak sa ginawa niya kaya naman ay niyakap ko na siya.

"Zhi Shu! Akala ko talaga mawawala na sa atin si Jun Ya!" Iyak kong sabi.

"Xiang Qin... Xiang Qin... Xiang Qin... sandali nasa operating room pa tayo. Puno pa ako ng dugo. Huwag mo akong yakapin."

"Hmmm! Ayaw ko!! Yayakapin kita hangga't sa gusto ko!!" Iyak ko pa rin sabi. Narinig ko na lang na nagtawanan silang lahat ng naandun.

"Aist.. iba talaga kapag may asawa na." Rinig ko naman na pang-aasar nila.

Sa totoo lang, natakot na ako kanina noong naging unstable si Jun Ya. Natakot ako na baka katulad ni Mrs. Zhang ay huli na ang lahat at hindi na namin mailigtas pa. Natakot ako na baka hindi ko na makita pa si Jun Ya. Natakot na ako dahil si Jun Ya ang unang naging pasyente namin ni Zhi Shu. Si Jun Ya ay naging part na rin ng buhay namin. Halos itinuturing na rin siya ni Zhi Shu na anak namin. Kaya laking pasasalamat ko na success ang operation.

(Hao Mei POV)

Halos tatlong oras na ang nakakalipas noong isinugod nila si Jun Ya sa operating room kaya naandito kami sa labas naghihintay kung ano na ang nangyari sa kanya. Yung mga magulang naman ni Lin Xia ay nasa finance kaya kasama na ulit namin si Tita dahil naibalita ko sa kanya ang nangyari kay Jun Ya.

"Matagal pa ba?" Pag-aalala na niyang tanong.

Tapos nakita namin na namatay na ang pulang ilaw kaya lahat kami ay napatayo habang nakaabang sa may pinto ng operating room.

Unang lumabas si Kuya Zhi Shu, at lalong dumami yung dugo na nasa damit niya. Sumunod naman si Ate Xiang Qin. Tinanggal na nila yung facemasks nila kaya agad lumapit sa kanila si Tita.

"Anong nangyari? Na saan na si Jun Ya? Kumusta na siya?" Sunud sunod na tanong ni Tita. Nagkatinginan naman sila Kuya Zhi Shu at Ate Xiang Qin tapos ngumiti sila.

"Okay na po Mama si Jun Ya." Saad naman ni Kuya Zhi Shu. Halos lahat kami ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib nung narinig namin iyon.

Sunod na lumabas ang isang stretcher na kung saan nakahiga si Jun Ya. Sinabi rin nila Kuya Zhi Shu na dadalhin ulit si Jun Ya sa ICU para mamonitor pa rin ang kanyang kalagayan after 24hours at kapag stable na ang kanyang kalagayan pwede na siyang ilipat sa ibang room. Nagpaexcuse din naman silang dalawa dahil kailangan nilang magpalit na ng damit. Napahawak ako sa dibdib ko tapos huminga ng malalim at napayakap ako ng bahagya kay Yu Shu kaya naman ay inakbayan niya rin ako.

"Okay ka lang ba?" Rinig kong tanong niya. Tumango lang ako tapos may mga luhang tumulo sa aking mga mata. Kaya naman ay pinahiran iyon ni Yu Shu.

"Hmm! Ayos lang ako." Pero hindi ko maintindihan kung bakit dirediretso ang pagtulo ng mga luha sa aking mata.

"Wag ka ng umiyak. Narinig mo na naman kina Kuya Zhi Shu na ayos na si Jun Ya diba?" Parang feeling ko lalo akong napapaiyak dahil ang lambing ng boses ni Yu Shu habang sinasabi niya iyon tapos patuloy niyang pinapahid ang mga luha ko.

"Yaaa!" Parehas kaming napatingin kay Ah Nou. "Para lang sa kaalaman niyong dalawa nasa hospital kayo, wala kayo sa park."

"Aiya!" Lumapit si Tita kay Ah Nou. "Ikaw na bata ka, huwag kang panira ng moment. Halika! Ihahanap kita ng jowa!" Tapos hinila na niya si Ah Nou, hindi na siya nakapalag pa dahil dirediretso na ang pagsasalita ni Tita habang hinihila siya. Sabay kaming napatawa ni Yu Shu.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Muli niyang tanong sa akin.

"Hmm!" Hinawakan ko na yung kamay niya at nagsimula na kaming lumakad kasunod kina Tita. "Sobra lang akong nag-alala kanina nung nakita kong dinala ulit si Jun Ya rito sa operating room. Tapos narinig ko pa na wala pa silang nakukuhang puso na pwedeng magmatch sa kanya. Kaya akala ko may mangyayari ng masama sa kanya. Kahit na ilang buwan ko pa lang siyang nakakasama napamahal na siya sa akin at naituring ko na siyang kapatid. Kaya naman sobrang saya ko nung sinabi ni Kuya Zhi Shu na success yung operation." Huminto si Yu Shu sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Tumingin din ako sa tinitingnan niya.

Mula sa hindi kalayuan ay natatanaw namin na may kausap na si Tita na isang babae na kasing edad niya at may kasama rin itong isang babae na nasa likod niya na tila nahihiya pa.

Si Ru Hua at ang Mommy niya, bakit sila naandito?

Lalong hinigpitan ni Yu Shu ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagsimula na ulit siyang naglakad kaya sumunod na lang ako papunta sa kinaroroonan nila.

"Good afternoon po Tita, Ru Hua." Agad kong bati sa kanila. Pero tiningnan lang niya ako tapos nakatingin siya sa kamay namin Yu Shu na magkahawak. "Ru Hua, anong ginagawa niyo rito?" Nakangiti kong tanong.

Si Tita Zhao Zi na ang nagsabi sa amin na pumunta pala sila sa bahay nila Yu Shu pero dahil wala sila sa bahay at si Tito Ah Li lang ang naabutan nila at sinabi na naandito nga kami sa hospital kaya naandito rin sila.

"Bakit kayo magkaholding hands?" Out-of-the blue na tanong ng Mommy ni Ru Hua. Napatingin din sa amin sila Tita at Ah Nou.

"Ah. Nga pala. Si Yu Shu yung bunso ko at si Hao Mei, ang girlfriend niya." Pakiramdam ko pati si Tita ay naawkward na sa sitwasyon.

"Girlfriend?" Tumingin siya kay Tita. "As far as I know, my daughter and your son is engaged, baka nakakalimutan niyo na."

"Huh? Kailan pa? Wait?" Pumagitna sa amin si Tita. "As far as I can remembered, your company and my husband's company only shares for business."

"Baka gusto niyong mawalan ng shareholder sa company niyo. Sa pagkakatanda ko, our company is one of the biggest sharesholder in your company."

"Heh! I don't care. And I will not gamble my own son's happiness for that. He already had a girlfriend. At isa pa, hindi naman tama na dito natin yan sa hospital pag-usapan ang ganyang bagay." Seryosong sabi ni Tita.

"She's not my girlfriend." Lahat kami ay natigilan at napatingin kay Yu Shu. Parang feeling ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa noong narinig ko iyon. She's not my girlfriend? Nakita kong ngumisi si Ru Hua.

"Anak, ano ba yang pinagsasabi mo?" Gulat na sabi ni Tita. Tumingin naman sa akin si Tita at tinatanong kung anong ibig sabihin ni Yu Shu. Hindi ko naman masagot si Tita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kahit ako ay naguguluhan din kung bakit iyon ang sinabi ni Yu Shu.

"Well, that's great!" Tuwang sabi naman ng Mommy ni Ru Hua.

"What I'm trying to say is that she's not my girlfriend because she's my fianceé."

Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya. Tila isang slow motion ang nangyayari ngayon. Hindi pa nagsysync-in sa akin ang mga salitang binigkas niya tapos bigla niya akong hinalikan sa harapan nilang lahat. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Halos nabibingi ako sa kabog nito. Pagkatapos niya akong halikan ay natulala na lang ako dahil muli siyang humarap sa kanila.

"Stop claiming that I'm your daughter's fiance because I'm Hao Mei's fiance and my heart only belongs to her."

------------------
💗 Nais ko pong humingi ng pasensya at pang-unawa sapagkat hindi ko po alam ang mga medical terms sa operation rooms. Hindi ko pa po napag-aaralan. Hahaha pasensya na po. Please, feel free to correct me if may mali sa procedure. Salamat! 🥰

💗 Naextend na po ang Enhance Community Quarantine hanggang April 30. Kaya po nais ko po kayong kumustahin?

💗 Kumusta na po kayo mga ISWAK lovers? Okay pa po ba kayo? May mga foods pa po ba kayo?

💗 Huwag po kayong matakot at mangamba, may hangganan din po ang lahat ng ito. Sumunod na lang po tayo sa ipinag-uutos sa atin lalong lalo na ng ating Presidente. Wala po akong pinapanigan na mga government officials pero kung alam niyo po na ang ginagawa nila ay para sa ating kaligtasan ay sumunod na lang po tayo at huwag ng magpanic.

💗 And also, to all those ROMAN CATHOLIC out there, kung RC ka po, I'm encouraging you to pray the Holy Rosary every 3pm and 6pm, samahan niyo po kami na magdasal ng Rosary. In this midst of darkness, let's ask Help to the Blessed Virgin Mary and ask Mercy to the Sacred Heart of Jesus.

💗 Only our FAITH, can save us in this pandemic.

💗 If you are not a Roman Catholic, I'm encouraging you to pray in your own way. Let's pray each other.

💗 Baka po hindi ako makapag-update ngayong Holy Week. We need to be more focus in our prayers, in our faith,  in GOD.

💗 GOD BLESS US ALL!

💗 Million thanks po sa pagbabasa at pagsubaybay!!

-LadyAkira

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 904 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
43.5K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
4.2K 259 51
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇