The Kiss That Will Lasts Fore...

By LadyAkira

21.7K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... More

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 17: Top 1 and Top 2
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 26: Good Tree
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 34: Room 29
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 45:

120 2 3
By LadyAkira

Kiss 45:

(Xiang Qin POV)

Ilang oras na silang nakakaalis at wala pa ring balita kung nakarating na sila sa lugar na kung na saan sila Jun Ya. Inutusan naman ng Principal na itigil na ang camping at pinauwi na ang mga estudyanteng sakay sa mga kani-kanilang bus kaya kaming mga medical team, ibang teachers kasama ang Principal, sila Ah Nou at ibang mga rescue team ang natira sa camp site.

Hindi pa rin ako mapakali, nakakailang beses na akong nagtatanong dun sa nagmomonitor pero wala pa raw tawag mula sa kanila.

"Ano na kaya ang nangyari sa kanila?"

"Xiang Qin, walang magagawa yang pabalik balik mong paglalakad. Ikaw ay magpahinga muna, halos wala ka pang tulog..."

"Paano ako makakatulog Nina? Nasaksihan ko kung paano kinuha sila Jun Ya, tapos hanggang ngayon wala pa ring balita." Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom. "Sino kaya ang pwedeng gumawa nito sa kanila?"

"Ate Xiang Qin..." Lumapit sa akin si Ah Nou at tila may sasabihin siya pero hindi na niya nasabi dahil biglang may tumawag na sa headquarters kaya halos lahat kami ay doon pumunta.

"Ok. Copy." Iyon lang ang narinig namin. "May natagpuan na silang dalawang babae at nasa kalsada ang mga ito, walang malay yung isa, yung isa naman ay nakakausap pa nila at sinabi na may dalawa pang naiwan sa lugar na kung saan sila nanggaling."

"Maaari ba naming malaman kung sino ang dalawang babaeng iyon?" Tanong ng Principal. Sinabi niya na ang pangalan ay si Stacy at Jun Ya. Nagkatinginan kami ni Nina.

"Paano po si Lin Xia?" Pag-aalala niyang tanong.

"Marahil isa siya sa naiwan."

"Teka, sino yung isa?" Takang tanong ni Ah Nou.

"Mamaya pa natin malalaman pagdating nila, sa ngayon ay dadalhin na nila sa hospital ang dalawang babae na kanilang nakuha."

Umalis ako sa kumpulan na iyon at tinawagan ko si Zhi Shu.

"Ate Xiang Qin..." Si Yu Shu ang sumagot.

"Yu Shu, ano na ang nangyari? Nabalitaan na namin na nakita niyo na sila Jun Ya."

"Opo, nakita na namin sila Jun Ya, wala siyang malay kaya binibigyan na po siya ni Kuya ng first aid. Isinakay na po namin ito sa ambulansya at papunta na kami sa hospital."

"1... 2... 3... clear!" Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang boses ni Zhi Shu na parang nirerevive niya si Jun Ya. Magsasalita sana ako, tapos narinig ko ulit ang boses ni Zhi Shu. "Clear! Jun Ya, huwag kang bibitaw."

"Yu Shu, a-anong nangyayari?"

"Mababa na ang pulse rate ni Jun Ya."

*Toooot*

Biglang nawala yung call, tiningnan ko ang cellphone ko wala na itong charge. Lumapit naman sa akin si Nina at tinanong niya kung ano na ang nangyari, sinabi ko na didiretso na sila sa hospital kaya kailangan na rin naming pumunta ng hospital. Binigay ni Zhi Shu yung susi ng sasakyan sa akin kanina pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makakapagdrive ako ng maayos kaya binigay ko kay Nina ang susi ng sasakyan. Nagpaalam na kami sa Principal at sa mga taong naandun sinabi ko na lang na kailangan na rin naming pumunta sa hospital. Pinayagan din naman niya kami na umalis kaya pumunta na kami sa sasakyan at pinaandar ito.

Hindi pa kami nakakalayo sa campsite ay nakita ko mula sa side mirror ang sasakyan nila Ah Nou, it means sumusunod siya sa amin. Hindi na siya pinansin ni Nina dahil pinaharurot na niya ang pagdadrive sa sasakyan.

Drag racer ba siya?

Feeling ko hindi na ako aabot pa sa hospital dahil aatakihin ako sa puso sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Nagulat na lang ako dahil nasa hospital na kami. Aba ay yung totoo? Lumipad ata kami.

Agad kaming bumaba ni Nina, naicharge ko kahit papaano ang cellphone ko sa sasakyan kaya kinuha ko iyon tapos muli kong tinawagan si Zhi Shu. Si Yu Shu ulit ang sumagot sinabi niya na nasa hospital na sila at dinala na nila si Jun Ya sa emergency room at diniretso ito sa operating room tapos yung isang kasama ni Jun Ya ay ginagamot na rin sa emergency room. Tumakbo na kami papunta sa kinaroroonan ni Yu Shu.

Dumating din sila Gan Gan at Zi Yi. Tinanong nila kung ano ang nangyari, si Nina na ang nagkuwento sa kanilang dalawa. Muli nilang tinanong kung na saan si Lin Xia pero wala kaming naisagot dahil wala pa rin kaming nakukuhang info mula kina Chuan Jin. Namatay na ang kulay pulang ilaw sa operating room ibig sabihin tapos na ang operation. Bumukas na ang pinto at lumabas na si Zhi Shu. Kasunod niya ang stretcher kasama si Jun Ya at ibang mga nurses na nag-assist sa kanya.

"Zhi Shu! Anong nangyari? Kumusta si Jun Ya?" Tinanggal na niya ang mask niya.

"She's stable for now." Sinenyasan na niya yung mga nurses at umalis na sila kasama si Jun Ya.

"Stable for now?"

"May malaking pasa siya sa kanyang balikat. Masyadong hindi kinaya ng puso niya ang sitwasyon kaya isa sa mga ugat nito ang pumutok." Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Zhi Shu. "Dadalhin na muna siya sa ICU, for some observation, if she became unstable we are going to need a new heart for her within 24 hours."

"New heart?" Hindi ko na napansin na naandito na si Ah Nou.

"Sige, maghahanap na ako if may magmamatch sa kanya." Saad ni Zi Yi, sinamahan naman siya ni Gan Gan at umalis na silang dalawa.

"Tabi!!" Lahat kami ay napatingin sa may pinto ng Emergency room. Sakay sa isang stretcher ang isang pasyente na halos wala ng buhay habang si Chuan Jin ay nasa itaas din at binibigyan niya ito ng CPR.

Lahat kami ay tumabi at pinadaan sila. Si Lin Xia ang sakay nung stretcher kaya sumunod na rin si Nina pagpasok sa operating room. Kasunod ng stretcher na yun ang mga magulang ni Lin Xia at bakas sa kanila ang sobrang takot. Hindi na namin sila pinapasok sa loob ng operating room.

"Magiging ayos lang po ang anak ko diba?" Iyak na sabi nung Mama niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Doc! Doc! Doc!" May isang nurse din ang lumapit kay Zhi Shu. "May isa pa pong sugatan na galing sa crime scene." Tumakbo na si Zhi Shu sa kinaroroonan nila. Pinaupo ko sa tabi ang mga magulang ni Lin Xia. Sinabihan ko sila Yu Shu at Ah Nou na sila na muna ang bahala sa kanila.

Sumunod na rin ako kay Zhi Shu, pumasok na rin kami sa operating room. Naghugas na ako ng kamay, nagsuot ng gloves, nagsuot ng mask, at operating gown. Pagpasok ko sa loob na kung saan dinala yung babae ay nanlaki ang mga mata ko.

Ang mama ni Jun Ya?

Totoo ba itong nakikita ko? Ang Mama ni Jun Ya? Bakit kasama nila ang Mama ni Jun Ya? Anong nangyari?

"Xiang Qin, tatayo ka lang ba diyan?" Narinig kong sabi ni Zhi Shu.

Lumapit na ako sa kanya at sinunod ko na lahat ng pinag-uutos niya. Ngayon nga lang pala ulit ako tumulong kay Zhi Shu sa operation kaya ang inutos niya sa akin ay ipump ko lang yung oxygen.

May sugat siya sa kaliwang bahagi ng kanyang tagiliran. Narinig kong sinabi ni Zhi Shu na mauubusan na siya ng dugo kaya kailangan pa ng maraming dugo. Yung iba naming kasamang nurse ay tumakbo na papalabas at maya maya pa ay bumalik sila na may bitbit na tatlong bag ng dugo. Pero sabi ni Zhi Shi mahihirapan ng operahan ito dahil kulang yung dugo na dala. Dirediretso pa rin ako sa pagpump ng oxygen.

Nakaramdam ako ng biglang may humawak sa damit ko. Nakita ko ang kamay niya na nakahawak sa damit ko. Tapos unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tapos binubuka niya yung bibig niya na para bang nagsasalita siya.

"Mrs. Zhang, huwag ka na pong magsalita, naandito na po si Zhi Shu, gagamutin ka po niya." Mahinahon kong sabi. Tumingin siya sa akin at may luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Dahan dahan niyang inalis yung kamay ko pati na yung pagpump ng oxygen. Napatingin ako kay Zhi Shu.

"Mrs. Zhang, naririnig mo ba kami?Mas nakakabuting huwag ka po munang gumalaw. Kailangan mong magpalakas." Umiling siya. Tapos hinawakan niya ang kamay ni Zhi Shu at may sinasabi siya pero hindi namin maintindihan kaya ang ginawa ni Zhi Shu ay inilapit niya ang ang kanyang tenga. Tapos bigla na lang tumunog ang monitor kasabay nun ang pagkalaglag ng kamay niya.

"Mrs. Zhang!!" Natigilan na rin si Zhi Shu. "Zhi Shu! Anong nangyari? Mrs. Zhang, gumising ka! Zhi Shu! Pwede pa natin siyang irevive! Zhi Shu! Hindi pa siya pwedeng mawala! Paano si Jun Ya? Ano na ang mangyayari kay Jun Ya? Zhi Shu!" Iyak kong sabi at niyakap niya ako.

(Nina POV)

Ito ang unang pagkakataon na nakita kong nanlulumo si Chuan Jin. Umupo siya sa isang sulok at inub-ob ang mukha niya sa mga tuhod niya. Tapos maya maya pa ay naririnig ko na ang paghikbi niya. Nilapitan ko siya at lumuhod sa tabi niya.

"Chuan Jin..." Hinawakan ko ang ulo niya.

"Hindi ko man lang siya nagawang iligtas, nagpromise ako sa kanya na kapag gumaling siya ipapasyal ko siya sa lugar na gusto niya.." Hikbi niya. Niyakap ko siya. "Ang bata pa niya Nina. Ang bata pa niya. Nabigo ako."

"Shhh... tahan na. Ginawa mo ang lahat Chuan Jin... pero sadyang hindi natin alam ang tadhana ng isang tao..."

Tumingin ako kung saan nakahiga si Lin Xia, tiningnan ko rin ang monitor at isang linya na lang ang lumalabas.

Pagkapasok na pagkapasok ko rito sa operating room kanina ay nakaflat na ang linya pero si Chuan Jin ay ginagawa pa rin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mailigtas si Lin Xia sa huling pagkakataon.

"Lin Xia, please, gumising ka."

"Doc., tama na po! Kanina pa walang buhay ang pasyente." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pagdating namin sa lugar na kung saan namin kinuha ang pasyente ay nagkaroon ng barilan mula sa mga kumidnap kaya natagalan kami na puntahan sila. Hanggang sa nakatakas na ang mga ito at pagpasok namin sa loob. Dalawa sila ang naabutan namin yung isa ay nag-aagaw buhay na rin dahil halos naubusan na ito ng dugo at si Lin Xia ay nakahandusay na rin sa sahig punung puno na ng dugo ang kanyang damit tila siya ay sumuka ng napakaraming dugo. Kinuhaan namin agad siya ng pulse rate at sa totoo lang, wala na siyang pulse rate." Napatingin ako kay Chuan Jin. "Pero ininsist pa rin ni Doc. na meron pa, kaya isinakay na namin siya sa ambulance, kahit sa ambulance nakaflat na ang monitor sa kanya. Binawian na ng buhay si Lin Xia bago pa kami tuluyang makarating."

Tila nadurog ang puso ko sa narinig ko. Naalala ko bigla ang mga ngiti ni Lin Xia, kung paano niya tawagin ang pangalan ko.

"Nurse Nina!" Ang malambing niyang boses.

Pati na rin kung paano niya kinakaharap ang buhay na may ngiti sa kanyang mga labi. Naalala ko rin yung mga ngiti niya nung bonfire nila. Hindi ko akalain na iyon na pala ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang mga matatamis mong ngiti.

Lin Xia...

"Doc! Itigil mo na yan!" Pagpipigil ulit nila kay Chuan Jin.

"Maliligtas pa natin siya!"

"Chuan Jin!" Hinawakan ko na ang kamay niya na naging dahilan para mapahinto siya. Nakita kong may tumutulong luha sa kanya. "Tama na... huwag mo ng pahirapan si Lin Xia."

"T-time..." Kahit na ayaw niyang sabihin wala na siyang magagawa dahil siya lang ang pwedeng makakapagsabi nun. "Of death..."

Mahina niyang sabi tapos tumingin siya sa orasan. Yung ibang nurse na ang nag-asikaso.

Dirediretso pa rin ang pag-iyak ni Chuan Jin. Ilang taon din niyang naging pasyente si Lin Xia.

"Lin Xia, I'm sorry!" Iyak niya. Lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

"Wala kang kasalanan Chuan Jin... ginawa mo rin yung part mo. Atleast ngayon, hindi na niya mararamdaman pa ang sakit na dinadanas niya. She's free of pain."

(Hao Mei POV)

Ramdam pa rin ang tensyon dito sa bahay at ang pinakang nag-aalala sa lahat ay si Tita. Halos hindi na namin siya makausap ng maayos kaya si Tito na muna ang nag-alaga dun sa kambal. Maya-maya pa ay tumunog na ang cellphone ni Tita kaya sinagot niya agad ito.

"Hello, anak? Ano na ang nangyari?" Napatayo bigla si Tita. Mga ilang sandali pa ay binaba na niya yung call.

"Honey, anong sabi?"

"Nasa hospital na raw sila. Nasa critical ang kalagayan ni Jun Ya. Honey, kaya mo namang alagaan ang kambal diba?" Tumango lang si Tito.

Tumawag si Tita ng cab, sabi niya hindi niya kayang magdrive. Pagkarating nung cab ay hinila na ako ni Tita. Pupunta na kami sa hospital. Naiwan namin sa bahay si Tito at ang kambal. Mabilis din kaming nakarating sa hospital at pinuntahan namin sila Yu Shu. Nasa tapat sila ng operating room. Sinabi na ngayon ni Yu Shu na dinala na sa ICU si Jun Ya at kailangan pang obserbahan. Sinabi rin niya na nasa loob si Lin Xia ng operating room.

May dalawang tao naman, isang babae at isang lalaki, ang nakaupo rin dun sa may tabi at sabi ni Yu Shu sila ang mga magulang ni Lin Xia.

"Senior Zhao?" Narinig namin na salita noong babae habang lumalapit kay Tita napatingin sa kanya si Tita tapos kumunot ang noo niya na parang kinikilala niya kung sino sila. "Ako ito, si Xiao Fei."

"Xiao Fei??" Tumango siya. Bigla siyang niyakap ni Tita. "Aiyaa! Fei fei! Namiss kita! Ano ang ginagawa mo rito?"

Hindi na siya nakapagsalita dahil may lumabas na isang doctor at tinawag nila ito.

"Doc. Chuan Jin, ano na po ang nangyari? Kumusta po ang anak ko? Kumusta po si Lin Xia?" Nakayuko lang yung Doctor tapos may luhang tumulo sa kaniyang mga mata.

"I-I'm sorry." Mahina niyang sabi. Natumba naman yung babae dahil sa narinig niya.

"Ang anak ko! Lin Xia!"

------------------------------
💗 To be continued...

💗 Total lockdown na po ata because of COVID-19, take care and keep safe everyone!!

💗 Million thanks po sa pagbabasa at pagsubaybay.

-LadyAkira

Continue Reading

You'll Also Like

43K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
77.8K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
1.2K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
45.3K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine