The Kiss That Will Lasts Fore...

By LadyAkira

21.7K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... More

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 17: Top 1 and Top 2
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 26: Good Tree
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 34: Room 29
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 42:

116 2 1
By LadyAkira

Kiss 42:

(Hao Mei POV)

Pumunta kami ngayon sa bahay ni Ru Hua since sa isang araw pa namin pwedeng mainterview ang President ng Rising Star ay ito, niyaya kami ni Ru Hua na ang Papa na lang daw muna niya ang interviewhin namin. Hindi na sumama sa amin si Ah Nou kasi may ibang schedule siya ngayon kaya kami lang ni Yu Shu ang sumama kay Ru Hua. Noong una, ayaw ni Yu Shu. Ewan ko ba sa lalaking ito kapag kaming tatlo lang ang magkasama palaging ayaw niyang sumama. Tapos sinabi sa amin ni Ru Hua na natawagan na niya ang assistant ng Papa niya na mag-iinterview kami sa kanya American time, so gabi rito, at mamaya na agad. Pinilit ko na lang si Yu Shu na sumama, sayang din naman. Para kahit papaano ay may nainterview rin kami ngayong araw na ito.

Pagdating namin sa bahay ni Ru Hua ay napa-wow ako! Kahit na sabihin natin na naging kaklase ko siya noong middle school ngayon lang ako nakapunta rito sa bahay niya. Hindi ako makapaniwala na mansyon ang bahay niya, sobrang laki. May mga maid ang sumalubong sa amin na nakahilira sila habang naglalakad kami papunta sa loob. At sa pinakang dulo may isang babae ang nakatayo, nakabun ang ayos ng buhok niya tapos may nakacurl sa tigkabilang part ng kanyang mukha. Ang gara rin ng kanyang suot na damit, isa itong red fitted dress.

Isa ba siyang artista bakit ang ganda niya?

"Welcome to our humbled home." Bungad niya sa amin.

"Mommy!" Yumakap si Ru Hua dito. "Kailan pa po kayo dumating? "

Siya ang mommy ni Ru Hua? Wow! Ang bata pa niya.

"Kanina lang." Tinanong din ni Ru Hua kung kasama ang Daddy niya sa pag-uwi sabi niya ay hindi dahil kinakailangan pa nitong magstay sa America para sa kanyang pagrecover. Tumingin naman siya amin.

"Nga po pala, mommy, si Hao Mei po."

"Good evening po, Tita." Agad kong bati, at ngumiti lang ito sa akin.

"At si..."

"Oh my! Oh my! Yu Shu?" Lumapit siya kay Yu Shu at hinawakan niya ang mga pisngi nito. "Ikaw nga!"

"Kilala niyo po si Yu Shu?" Nagugulumihan kong tanong.

"Syempre naman! Paano ko malilimutan ang fiance ng anak ko?" Hinila niya si Ru Hua at pinatabi kay Yu Shu. "Wow! Parang kailan lang! You two grow up so fast!!" Tuwa niyang sabi.

Pero ako, ito, nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Tama ba yung narinig ko? Fiance? Sino? Kilala ng mommy ni Ru Hua si Yu Shu? Tapos ngayon, sinasabi niyang fiance ito ng anak niya? Huhhhh???

(Jun Ya POV)

Pagkatapos naming kumain ay biglang nawala si Lin Xia. Hindi ko alam kung bakit pero pagtingin ko wala na siya sa tabi ko. Tinanong ko lang kay Stacy kung nakita niya si Lin Xia ang sabi niya baka ay nagc.r. lang. Kaya siguro biglang nawala. Kaya ito, niligpit na lang namin ni Stacy yung pinagkainan namin tapos tinawag na kami.

Tinipon kaming lahat ng mga estudyante at pinagawa kami ng isang malaking circle saka pinaupo. May isang instructor naman ang nagsasalita sa gitna at may sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Bonfire lang yung naririnig ko. Hindi ako ganun nakikinig kasi ang iniisip ko ay kung na saan si Lin Xia halos mag-iisang oras na kasi siyang hindi bumabalik. Tapos narinig ko na lang na naghiyawan silang lahat kasabay nun ang pagsiklab ng isang apoy sa gitna. So, ito yung sinasabi nilang bonfire. Namangha ako dahil ngayon ko lang ito nasaksihan at talaga namang napanganga ako sa nakita ko. Kasunod nun ay may isang lalaki ang naglalakad papunta sa gitna na naging dahilan para lalong mahyped ang lahat ng tao. Lalong nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko. Si Ah Nou?

"Anong ginagawa niya rito?" Saad ko. Napatingin ako kay Stacy at sa nakikita ko wala siyang reaksyon kung sino yung nasa gitna, wala rin siyang pakialam kung halos lahat ng naandito ay naghihiyawan. Naka-poker face lang siya.

"What are you looking at?" Nagitla ako dahil nakatingin na rin pala siya sa akin.

"Nakakapagtaka lang..."

"That I'm not screaming because he just came?" Siya na ang nagpatuloy ng sasabihin ko. "I'm not childish like them."

"Ah. He. He. He." Itinaas ko ng bahagya ang dalawa kong kamay na nagsasabing, 'okay, okay, I got it'.

Hindi na ulit ako nakapagsalita dahil dumating na si Lin Xia at pinaupo ko siya sa tabi ko. Dumating siya na parang nanghihina kaya tinanong ko kung ayos lang siya, um-oo lang siya at nakatuon na ang attention niya sa lalaking nasa gitna.

Sinabi ni Ah Nou yung reason kung bakit siya naandito dahil bukod nirequest siya ng school gusto rin niyang magpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang pagkanta. Sinabi rin niya na hindi makukumpleto ang bonfire kung walang kanta. May kasama siyang guitarist at may tinugtog ito kaya lalong naexcite ang mga estudyante lalong lalo na itong nasa tabi ko.

Pinagitnaan talaga ako ng dalawang magkaibang mundo. Yung isa walang pakialam sa nangyayari sa buhay, yung isa naman kung makahiyaw parang end of the world na.

So, saan ako lulugar?

Nagsimula na siyang kumanta kaya tumahimik din yung mga kababaihan at nakatingin na lang kay Ah Nou. Medyo malumanay ang kanta. Nagsimula na siyang kumanta.

~Wǒ zhèngzài lùshàng mùbiāo nǐ de xīnfáng
wǒ bù huì mílù ài yǐ shèdìng dǎoháng
xiǎng yào duìzhe nǐ shuō shénme dōu wèi nǐ zuò lián xiànzhe bù ràng nǐ jìmò
Oh baby say you love me just kiss me~

Hindi ito yung unang pagkakataon na narinig ko siyang kumanta ng live. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may kakaibang awra ang bumabalot sa kanya.

"Ano ang title nung kinakanta niya?" Bulong ko kay Lin  Xia.

"Fly to your heart." Mahina niyang sabi habang nakatingin lang kay Ah Nou. She's really into him. Nagulat ako dahil biglang may tumulong luha sa kanyang mga mata.

"Why are you crying?" Pagtataka ko kasi dirediretso ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Nagtaka lang ako kasi hindi naman malungkot yung kanta. Malumanay lang, pero hindi nakakaiyak.

"I wish time would stop. So that, this moment will never end."

"Huh?"

"Hindi kasi natin alam kung kailan ito mauulit... hindi natin alam na baka isa sa mga kasamahan natin dito biglang mawala." Hinawakan ko siya sa noo niya na ikinagulat niya.

"Normal naman temp mo. Okay ka lang ba? Nababaliw ka na ata. Baka gusto mong dalhin kita sa mental." Ngumiti na lang siya at tumakbo papunta kay Ah Nou tapos dun ay kumanta rin siya.

~děng bùjí jiàn nǐ bǎ ài dū zhuāng jìn xíngnáng
wǒ bù zài míwǎng wǒ bù zài liúlàng
dānchéng de jīpiào zhōngdiǎn shì zài nǐ shēn páng
Oh nǐ de fāngxiàng oh jiùshì shǔguāng~

Napatingin ako kay Stacy, tapos nagkibit balikat lang siya. Tumingin ulit ako sa gitna at lalong lumakas ang hiyawan nila dahil tuwang tuwa sila sa ginawa ni Lin Xia.

Kinuha ko yung video cam ni Lin Xia sa bag niya at vinideohan ko siya. Kung titingnang mabuti sobrang saya saya niya. Ilang beses na niyang nakikita si Ah Nou lalo na kapag naiisama ko siya sa office ng Rising Star, pero iba ang presensya niya ngayon. Para bang sinusulit niya ang bawat sandali. Masaya ako na nakikitang masaya si Lin Xia.

(Xiang Qin POV)

Nililinis na namin yung pwesto namin, lalo na yung nasukahan ni Lin Xia ng dugo. Nataranta nga ako kanina nung bigla siyang lumapit sa amin tapos sumuka ng dugo. Dadalhin na sana namin siya sa hospital pero nagmakaawa siya sa akin na ayaw niyang bumalik sa hospital gusto pa niyang magstay lalo na't ang next na gagawin nila ay bonfire. Kaya naman ay may tinurok na lang si Nina sa kanya. Sinabi ni Nina kapag nanghina ulit si Lin Xia, o kaya kapag nahimatay kahit sa ayaw niya ay isusugod na namin siya sa hospital. Sumang-ayon din naman agad siya sa amin. Hindi na muna namin pinaalis si Lin Xia at pinapagpahinga na muna.

Mayamaya pa ay may dumating na isang magarang sasakyan at mula sa sasakyang iyon ay may lumabas na isang lalaki na balot ba balot na naman sa kasuotan.

"Sino siya?" Bulong sa akin ni Nina.

Lumapit sa amin yung lalaki at tinanggal na niya yung mask niya at bonnet niya.

"Ah Nou... ano ang ginagawa mo rito?" Saad ko. Napatingin siya kay Lin Xia na nagpapahinga.

Hindi na siya nakapagsalita dahil pinatipon na lahat ng mga estudyante sa campsite at pinabilog nila. May nagsalita na sa gitna pinaliwanag niya kung ano ang gagawin nila. Tapos mayamaya pa ay sumiklab na ang napakalaking apoy pati kami ni Nina ay namangha. Muling nagising si Lin Xia dahil sa hiyawan ng mga estudyante at tinanong niya kung ano ang nangyayari. Binanggit ko na lang na nagsisimula na ang bonfire. Tumayo na siya subalit bakas pa rin sa kanya ang panghihina kaya agad siyang inalalayan ni Nina.

"Lin Xia, mukhang kailangan ka na naming dalhin sa hospital." Pag-aalala niyang sabi.

"Please, ayaw ko pa po." Tumingin siya sa part na kung saan nagaganap ang bonfire at pinilit niyang tumayo at naglakad.

Hahabulin ko sana siya pero pinigilan na ako ni Nina. Hayaan na lang daw muna namin. Hindi naalis ang paningin ko sa kanya hanggang sa makarating na siya sa pwesto niya at kasama na niya sila Jun Ya. Sa nakikita ko, lumiwanag ulit ang awra ni Lin Xia nung nakita niya si Ah Nou sa gitna at kumakanta. Mayamaya pa ay tumayo ito at pumunta rin sa gitna, sinabayan niya sa pagkanta si Ah Nou.

"Ang ganda ng mga ngiti niya." Saad ko.

"Parang wala siyang dinadalang malubhang karamdaman." Dugtong naman ni Nina. "Hayys! Tara!"

Hinila na ako ni Nina at nakijoin din kami sa kanila. Nagpalit na ng kanta si Ah Nou, hinatid na niya si Lin Xia sa pwesto nila habang kumakanta. Tapos bumalik siya sa gitna. Lahat ng estudyante ay nakikijam sa kanta pati na rin si Nina. Masayang masaya kaming nagkakantahan ngayon.

Pagkatapos ni Ah Nou na kumanta ay pinaupo na nila ito katabi namin tapos may mga estudyante naman ngayon ang nasa gitna sila naman ang magpapasiklab ng kanilang talento. May mga grupo, may duo, may trio, meron ding solo. Iba-iba sila ng pinaggagawa. May mga kumanta, may sumayaw, may nagrole play, may nagmagic, may nagmukhang tanga at katawatawa sa gitna. Alam niyo yun, comedian na halos lahat kami ay mamatay na sa kakatawa.

Sa kakatawa ko ay nakaramdam ko ng pag-ihi kaya naman sinabi ko kay Nina na pupunta muna ako sa c.r. Hindi naman ganun kalayo ang c.r. Pagkatapos kong umihi ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita ko si Zhi Shu tumatawag kaya sinagot ko agad iyon.

"Zhi Shu! Napatawag ka!" Tuwa kong sabi.

"Kumusta dyan?" Mahinahon niyang tanong.

"Ito, nagbobonfire sila ngayon." Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari simula kanina na pagdating ko. Sinabi ko rin na marami silang activities na ginagawa. May mga ilan ilan din mga estudyante ang sinusugod sa amin ni Nina, dahil yung iba nasusugatan, yung iba nahihilo dahil hindi siguro sanay sa camping. Tinanong din niya kung kumusta ang kalagayan ni Lin Xia. Nasabi ko sa kanya yung nangyari rin kanina na sumuka ito ng dugo.

"Bakit hindi kayo tumawag kanina para maibalik na si Lin Xia rito sa hospital?" Sabi niya.

"Yun nga rin ang sinabi ni Nina kanina, pero nagpumilit yung bata na ayaw niyang bumalik ng hospital at gusto niyang tapusin itong camping."

"Ehh kumusta na ang kalagayan niya ngayon?" Sinabi ko na ayos na naman si Lin Xia, may tinurok na gamot si Nina rito. Kinuwento ko rin na tuwang tuwa nga ito dahil naandito rin si Ah Nou na nakipagjamming sa kanila.

Narinig kong nagsasalita si Zhi Shu pero hindi ko na iyon narinig dahil paglabas ko ng c.r. ay may nakita akong mga lalaki na may hinihilang mga estudyante. Yung isang lalaki ay may binuhat sa kanyang balikat at tila ito ay wala ng malay.

"Si Lin Xia?" Tapos narinig kong sumigaw na yung estudyante.

"Ahhh! Tulong!!"

"Sino ba kayo?!" Pagpupumiglas nila tapos may panyo silang itinakip sa mga ito.

"Jun Ya!" Sigaw nung isang babae hanggang sa nawalan na rin siya ng malay.

Sa pagkagulat ko ay tumakbo ako papunta sa kanila.

"Hoy! Anong ginagawa niyo!!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanila pero hindi na ako umabot dahil nakapasok na sila sa van at tuluyan ng umalis.

"Jun Ya! Lin Xia!"

Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Nataranta na ako. Bakit nangyayari ito? Sino sila? Bakit nila kinuha sila Jun Ya? Hindi na ako nakapag-isip ng maayos.

Muling tumunog ang cellphone ko.

"Xiang Qin, anong nangyari?" Rinig kong nag-aalala na yung boses niya.

Bigla kong nalimutan kausap ko nga pala si Zhi Shu kanina. Napatay ko siguro yung call nung tumakbo na ako.

"Zhi- zhi shu! Sila Jun Ya! May kumuha kina Jun Ya!" Taranta kong sabi.

"Xiang Qin, huminahon ka. Anong nangyari? Alam na ba ng Principal ang nangyari?" Natauhan ako bigla. Pinatay ko na yung call.

Kaya naman ay tumakbo na ako papunta sa mga nagbobonfire. Hindi pa rin sila tapos sa kasiyahan. Nakita ko sila Nina na bumalik sa pwesto namin kasama si Ah Nou, pakiwari ko ay pinapainom nila ito ng tubig, kaya doon na ako dumiretso ng pagtakbo.

"Xiang Qin, anong nangyari sa'yo?" Agad na tanong sa akin ni Nina.

"Ma-may kumuha ki-kina Jun Ya." Hingal kong sabi.

"Ano?" Gulat na sabi ni Nina.

"Anong pinagsasabi mo Ate Xiang Qin?" Pati si Ah Nou ay nagulat din sa sinabi ko. Lumapit sa amin yung adviser nila Jun Ya at tinanong kung may problema ba.

Pinaupo nila ako sa isang tabi. Binigyan naman ako ni Nina ng tubig. Tinawag na rin ng adviser ni Jun Ya ang principal. Pagkainom ko ay doon ko kinuwento ang nasaksihan ko na paglabas ko ng c.r.

"Nakita ko na lang na may mga lalaking hilahila ang tatlong estudyante noong una hindi ko makilala kung sino yung mga estudyanteng kinukuha nila hanggang sa nakita ko na may binuhat sila at nakita kong si Lin Xia iyon tapos yung isa sa kanila ay sinigaw ang pangalan ni Jun Ya dahil may ipinatong silang panyo na naging dahilan para mawalan sila ng malay. Tapos ayun, tumakbo ako papunta sa kanila pero huli na ang lahat."

"Jusko! Sino naman ang gagawa nito?" Pag-aalalang sabi nung adviser.

"Paano si Lin Xia?" Ganun si Nina.

"Ate Xiang Qin, namukhaan mo po ba kung sino sila?" Tanong naman ni Ah Nou.

"Hindi na kasi madilim sa part na iyon."

Pinahinto ng Principal ang bonfire pero hindi niya sinabi na nasa state of emergency ang buong lugar para hindi mataranta ang mga estudyante. Sinabi na lang na oras na ng pagtulog. Inutusan niya lahat ng mga adviser na tipunin ang kanilang mga estudyante at icheck kung kumpleto pa ba sila. Agad ding sumunod ang mga advisers at iyon ang ginawa nila. Bawat isa sa kanila ay chineck ang attendance ng mga estudyante. Mula sa report na ginawa nila ay tatlong bata lang ang nawawala, si Jun Ya, si Lin Xia at si Stacy.

Ang masayang pagtitipon ay nauwi sa matinding takot at pangamba.


Sino ang pwedeng gumawa nito kina Jun Ya?

----------------------------
💗 Ang hina ng globe!! 😭😭

💗 Please watch and listen to Prince Chiu (Wang Zi) a.k.a our dearest Ah Nou to his song 'Fly to your heart'. Marami pa po syang songs susubukan ko pong isangat yun sa mga susunod na chapters.

💗Natagalan akong mag-isip ng next scene. Di gumagana utak ko. Hahahahahahah

💗But still, million thanks po sa pagsubaybay at pagbabasa.

💗Keep safe everyone!

-LadyAkira

Continue Reading

You'll Also Like

2M 45.9K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
4.2K 259 51
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
106K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
9.1K 283 18
AshMatt fanfic