The Kiss That Will Lasts Fore...

By LadyAkira

21.7K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... More

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 17: Top 1 and Top 2
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 26: Good Tree
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 34: Room 29
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 40:

143 4 1
By LadyAkira

Kiss 40:

(Xiang Qin POV)

Natapos ko na ulit imonitor si Nongnong. Si Yanong naman ay tulog dahil sa maghapong pagbabantay sa kapatid niya. Kaya naman ay dinala ako ng mga paa ko sa room na kung saan naandun si Lin Xia. Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa harapan na ako nito. Ni hindi ko alam kung papasok ako o ano. Nagitla ako dahil biglang bumukas yung pinto at sumilay sa akin ang Mama ni Lin Xia.

"Good evening po." Saad ko.

"Good evening din. Ichecheck niyo ba si Lin Xia, kakatulog lang po niya ehh."

"Ah, hindi po. Ahm, ano po. Ako nga po pala si Jiang Xiang Qin. Nurse po ako nung kaibigan ni Lin Xia, si Jun Ya po."

"Ahh! Ikaw yung may asawang doctor?" Tumango lang ako. "Halika..."

"Ayy naku, hindi na po. Baka magising pa po siya. Pasaan po pala kayo?"

"Pupunta sana akong canteen, nais ko sanang magkape."

"Ganun po ba? Sige po, samahan ko na lang kayo."

Sinamahan ko ang mama ni Lin Xia papuntang canteen at doon ay bumili siya ng kape. Bumili rin ako ng maiinom ko saka kami umupo sa isang pwesto dun.

"Baka naman naabala pa kita sa trabaho mo." Saad niya habang hinahalo niya yung kape niya.

"Naku, hindi po. Actually, tapos na po yung work ko. Hinihintay ko lang po yung asawa ko para sabay na kaming umuwi."

"Ang swerte mo naman. Kasama mo sa work mo ang asawa mo." Humigop siya sa kape niya.

"Kumusta na po pala ang kalagayan ni Lin Xia? Hindi ko po kasi alam na naandito siya sa hospital, nabalitaan ko lang po siya sa asawa ko."

Kinuwento niya sa akin ang kalagayan ni Lin Xia. Kung nung dati, months bago sila bumalik sa hospital, sa ngayon ay halos linggo linggo sinusugod na nila ito sa hospital. Hanggang noong last week, nakatanggap lang sila ng tawag na isinugod sa hospital si Lin Xia dahil sumusuka na ito ng dugo. Kinausap na rin nila ang doctor ni Lin Xia, na si Chuan Jin, kung maaari ay operahan na ito. Pero sinabi na ng doctor na impossible na ang operation sa kanya. Tanging medication na lang ang nagpapalakas kay Lin Xia. At hindi na alam kung hanggang kailan na lang ang buhay nito. Nakita ko na may luhang tumulo mula sa kanyang mga mata kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Kung may maitutulong po ako, tutulong po ako."

(Jun Ya POV)

Dalawang araw din akong lumiban sa klase dahil sa nasprain kong paa. Tumigil ako sa gate ng school namin. Nakikita ko na marami na ring mga estudyante ang pumapasok. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim.

Papa, please guide me.

"Jun Ya!" Napamulat ako agad dahil may isang familiar na boses akong narinig kaya nagpalinga-linga ako. Nakita ko si Lin Xia na nakangiti habang kumakaway sa akin. Kaya naman ay napatakbo ako papunta sa kanya.

"Lin Xia... pumasok ka na!" Bulalas ko.

Ngumiti lang siya sa akin tapos kumapit sa braso ko at sabay na kaming pumasok sa loob. Ang dami kong tanong sa kanya habang naglalakad kami. Hindi pa ganun katagal na naging kaibigan ko si Lin Xia, pero hindi ko maintindihan kung bakit noong hindi siya pumasok na halos magtwo weeks ay pakiramdam ko sobrang lungkot ng araw-araw ko. Hanggang sa ngayon, ibang ligaya ang nararamdaman ko nung nakita ko siyang muli.

Sa ganitong pagkakataon, si Lin Xia ang maingay at kwento ng kung anuano. Pero sa ngayon, ako yung maingay at kwento ng kwento sa kanya ng mga bagay bagay tungkol sa nangyari sa school. Naikwento ko rin sa kanya na nasprain yung paa ko kaya dalawang araw akong absent.

"Kumusta na naman paa mo?" Tanong niya sa akin habang paupo na kami sa desk namin.

"Ito, maayos na siya. Naiilakad ko na naman ng maayos." Inikot ikot ko yung paa ko.

"Oh... buhay ka pa pala?" Natigilan kami ni Lin Xia dahil dumating na naman si Stacy. Napatingin ako sa kanya, pero nagtaka ako dahil hindi siya sa akin nakatingin, kundi kay Lin Xia. "Kumusta naman ang buhay hospital? For sure, marami na naman kayong nakuhang pera sa Daddy ko."

"Excuse me...." Tumayo ako at humarap sa kanya. "Who the hell are you para hingian ko ang Daddy mo ng pera?"

"Hindi ikaw ang kausap ko." Pinagtaasan niya ako ng kilay at tumingin siya kay Lin Xia saka tumingin ulit sa akin. "Let me guess, you don't know what kind of person she is." She smirk at me.

"It doesn't matter to me. Kasi ang totoong kaibigan tanggap mo kung sino at ano pa siya. At tanggap ko si Lin Xia, bilang siya. Mga bagay na hindi mo maiintindihan dahil sa status ng pamumuhay mo."

Aktong susugurin sana ako ni Stacy nang biglang dumating yung adviser namin kaya naman ay hindi na niya natuloy pa. Sinamaan lang niya kami ng tingin saka siya bumalik sa pwesto niya. Umupo na rin kami ni Lin Xia at nakinig sa announcement ng adviser namin.

"Let me remind all of you about the two days and one night camping, tomorrow. Zhang Junya and Jiu Lin Xia, since absent kayo this past few days..." Lumapit siya sa amin. "Here are the parents consent. Dalhin niyo na lang bukas just make sure na may pirma yan ng parents or guardian niyo, kung hindi, I have no choice pero hind kayo makakasama. Ito rin yung mga kailangan niyong dalhin."

Kinuha ko yung mga papel na binigay sa amin ng adviser namin. Grabe lang! Dalawang araw lang akong absent tapos magkakaroon na kami ng two days and one night camping. Tiningnan ko yung parents consent. Sino ang papapirmahin ko rito?

(Zhao Zi POV)

Habang nagluluto ako sa kusina para sa dinner namin ay inilagay ko ang kambal sa kanilang stroller tapos nakaplay sa TV ang movie ng Mamma Mia.

NP: Dancing Queen (Mamma Mia Movie)

~Ooh
You can dance
You can jive
Having the time of your life
Ooh, see that girl
Watch that scene
Digging the dancing queen

Friday night and the lights are low
Looking out for a place to go
Where they play the right music
Getting in the swing
You come to look for a king
Anybody could be that guy
Night is young and the music's high
With a bit of rock music
Everything is fine
You're in the mood for a dance
And when you get the chance~

Nasa kalagitnaan na rin ako ng pag-eenjoy habang nagluluto at nakikinig sa kanta ay narinig kong biglang tumunog ang doorbell na ipinagtaka ko. Halos lahat ng tao rito ay may kanya-kanyang susi bakit kailangan pang magdoorbell? Ibig sabihin may bisita kami. Sino naman kaya iyon? Pumunta na lang ako sa may pinto at binuksan iyon.

"Good eve po, Tita."

"Oh wow! Jun Ya! Ikaw pala! Napadalaw ka?" Napakamot lang siya sa ulo niya na parang nahihiya siya kaya naman ay pinapasok ko na siya at pinaupo sa salas. "Diyan ka na muna. Samahan mong manuod yung kambal ng TV at magluluto lang ako. Okay."

Tumango lang siya kaya naman ay dumiretso na ulit ako sa kusina. Ang saya ko na naman dahil marami ulit kami mamaya. Kaya pala sinigang ang niluto ko kasi may bisita kami. Ipinagpatuloy ko na ang pagluluto ko habang nakikinig sa movie. Sa totoo lang, memorize ko na yung movie. Palagi ko yun pinapanuod at pinapakinggan lalo na kapag mag-isa lang ako rito sa bahay.

Mga ilang sandali pa ay dumating na rin si Yu Shu, kasama sila Hao Mei, Ah Nou at may kasama pa silang isa na ngayon ko lang nakita. Pinakilala ito ni Hao Mei na si Ru Hua. Si Hao Mei pala ang nagtext kay Jun Ya na dito dumiretso sa bahay pagkatapos niya sa school kasi dito didiretso yung apat dahil may group project silang tatapusin. Ewan ko ba, hindi ko na sila masyadong naintindihan dahil dumiretso na sila sa likod ng bahay at sa pagkakarinig ko doon nila gagawin yung shooting. Kaya ayun, hinayaan ko na lang sila at tinapos ko na yung pagluluto ko dahil maya maya pa ay paparating na ang asawa ko, si Ah Cai, at ang dalawa na sila Zhi Shu at Xiang Qin.

Naghanda rin naman ako kahit papaano ng inumin para dun sa apat. Tinulungan na ako ni Jun Ya na magprepare. Nahiya raw kasi siya na nakaupo lang dun at walang ginagawa.

"Magmerienda muna kayo." Saad ko habang inilalapag yung drinks sa may table.

"Salamat po, Tita." Agad na lumapit sa amin si Ah Nou. "Kumusta na ang paa mo?" Biglang tanong ni Ah Nou at nakatingin siya kay Jun Ya kaya napatingin din ako sa kanya. Nakita kong nagitla si Jun Ya sa biglaang pagtanong ni Ah Nou.

"Ah, ayos lang ako. Naiilakad ko na." Taranta niyang sabi.

"Bakit? Masakit paa mo Jun Ya?" Pag-aalala ko.

"Ayy, hindi po Tita. Nasprain lang po noong isang araw. Pero ayos na po ako." Ngiti niyang sabi.

"Naku! Umupo ka na muna dun." Hinila ko siya ng marahan pabalik sa salas at doon pinaupo ko siyang muli. Sinabihan ko siya na huwag aalis dun at kailangan niyang ipagpahinga ang paa niya.

Mga ilang sandali pa ay sabay na dumating ang magkumpare. Sinundo pala ng asawa ko si Ah Cai, sa restaurant nito dahil nagpasama ito na bumili ng herbal tea at mga gamot. Pinaakyat ko muna sila at pinagbihis dahil alam kong makikipaglaro agad sila sa kambal. Sunod din na dumating sila Zhi Shu at Xiang Qin. Nagulat silang dalawa dahil ang dami na namang tao sa bahay. Katulad ng pinagawa ko kina Ah Li, pinagbihis ko muna yung mag-asawa.

Since, kumpleto na kami ay inihanda ko na ang mga pagkain sa hapagkainan. Tinulungan naman ako ni Jun Ya kahit na sinabihan ko siya na umupo na lang muna. Nahihiya raw talaga siya na nakaupo lang dun at walang ginagawa. Kaya hinayaan ko na  tumulong sa paghahain ng pagkain.

"Dinner's ready!" Anyaya ko sa kanilang lahat. Pumasok na sa loob yung apat na nasa likod ng bahay.

Sinabi nila Xiang Qin na hindi na sila sasabay sa pagkain at yung kambal muna ang aatupagin nila. Pumuwesto na rin yung magkumpare sa kanilang pwesto. Si Jun Ya ay tumabi sa akin, si Ah Nou naman ay tumabi kay Jun Ya. Tapos si Yu Shu ay umupo na sa kanyang pwesto. Pero nagulat ako dahil umupo sa tabi ni Yu Shu si Ru Hua. Kaya hinanap ko si Hao Mei, galing itong c.r. Hindi napansin ni Hao Mei ang pwesto dahil umupo na siya sa pwesto ni Xiang Qin at manghang mangha siya sa pagkain na nakahain, sa kagutuman na rin ata. Pero nagulat ako dahil tumayo si Yu Shu at lumipat ito dun sa pwesto ni Zhi Shu. Naobserbahan ko si Ru Hua na parang madismaya.

Bakit may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng ito? My instincts never lies to me.

Mukhang kailangan ko pang talasan ang obserbasyon ko. Pinaglead ko sa pagdadasal si Ah Nou bago kami kumain.

"Kain na."

Nagsimula ang kwentuhan namin sa hapagkainan noong nagtanong si Ah Li kung sino yung bagong babae kaya naman ay nagpakilala ito.

"Good evening po, ako po pala si Chen Ru Hua." Mahinay niyang sabi.

"Chen Ru Hua... Chen Ru Hua... oh! Are you the daughter of Chen Ru Zhui, the President of Chen Production Industry?" Ngumiti siya at tumango. "Aiyooo! Kaya pala familiar ka sa akin. Now, I remember. Dalaga ka na."

"Kilala mo siya?" Tanong ko sa asawa ko.

"Oo, the Chen Production is one of the shareholders ng company. At kung hindi ako nagkakamali, Ru Hua, ikaw yung palaging kalaro ni Yu Shu noong bata pa kayo." Tumango lang ulit si Ru Hua at palihim na sumulyap kay Yu Shu. "Tanda mo pa ba Yu Shu sa tuwing dinadala kita sa work, I think 4 or 5 years old ka pa lang nun." Lahat kami ay napatingin kay Yu Shu.

"Hindi." Matipid niyang sagot.

"So, Ru Hua, how's your father? I heard he undergone a heart surgery."

"Nasa America po sila ngayon, and thanks GOD the operation went well. Nagpapagaling na lang po siya." Iba talaga awra ng babaeng ito. Biglang kumulo dugo ko, ewan ko ba.

"Nasa America pala parents mo, bakit hindi ka na lang dun nag-aral?" Nakangiti kong tanong pero ang totoo kumukulo ang dugo ko.

"May hinihintay po akong tao." Palambing niyang sabi tapos sumulyap na naman siya kay Yu Shu.

Magsasalita pa sana ako ng biglang nasamid si Hao Mei kaya bigla siyang inasikaso ni Yu Shu. Nakita ko na may pagkainis at pagkadismaya sa mukha niya lalo na nung kumuha si Yu Shu ng tubig para kay Hao Mei tapos tinatanong kung ayos lang ba ito o ano?

My instincts never lies to me.

"So, lahat kayo ay naandito for the group project, tama ba?" Nagtanong na ako, para maputol na ang usapan sa Chen Industry na yan dahil wala namang may interesado dun.

"Opo." Si Ah Nou na ang sumagot. "Ewan ko lang po dun sa isa dyan..." Patay malisya niyang sabi tapos biglang tumingin kay Jun Ya.

"Hah? Ahh... bukod po sa tinext ako ni Ate Hao Mei na dito dumiretso may iba rin po akong sadya." Tumayo siya at pumunta sa salas tapos may kinuha siya mula sa bag, isang papel, saka bumalik na ulit sa pwesto niya. "Magkakaroon po kasi kami ng two days and one night camping po bukas. Ehh kailangan po ng pirma ng parents or guardian kung hindi ko po ito mapapapirmahan ay hindi po ako makakasama. Since, kami lang po ni Ate Hao Mei ang nakatira sa flat hindi ko naman po pwedeng ilagay siya as guardian ko po. Kaya ito po, papapirmahan ko po kay Kuya Zhi Shu since siya naman po ang Doctor ko."

Kinuha ko sa kanya yung papel at isa nga itong parents consent. Lumapit naman sa amin sila Zhi Shu dahil tinawag ko ito at ibinigay ko sa kaniya yung letter.

"Doc. Consent letter, papayagan mo ba ang pasyente mo na umattend diyan." Saad ko.

"Wow! Talaga magkakaroon kayo ng camping?" Tuwang sabi naman ni Xiang Qin. "Zhi Shu, payagan mo na. Minsan lang yung ganyang camping."

"Kakayanin mo ba Jun Ya?" Tanong ni Zhi Shu kay Jun Ya.

"Opo. Kakayanin ko naman po, lalo na't kasama ko naman po si Lin Xia." Nakita kong natigilan yung mag-asawa at nagkatinginan, napansin ko rin si Ah Nou na bigla ring napatingin kay Jun Ya.

Umalis si Zhi Shu at pumunta sa salas tapos kumuha ng ballpen dun sa may drawer. Sinulatan na niya yung letter saka ibinalik ulit kay Jun Ya.

"Waaaa!! Thank you Kuya Zhi Shu!" Sa tuwa ni Jun Ya ay niyakap niya ito.

"Basta kapag nagkaproblema ka, tawagan mo agad kami."

Naghand salute naman si Jun Ya na ibig sabihin ay sumasang-ayon siya sa condition na binigay ni Zhi Shu at muli siyang nagpasalamat.

Bumalik na ulit sa salas yung mag-asawa dahil umiyak yung isang kambal. Natapos namin ang isang masayang hapagkainan kahit na may ibang sinasabi ang mga instincts ko, gayunpaman lahat kami ay may mga ngiti sa aming mga labi.

Sana naman ay hindi mawala ang mga ngiting ito sa aming mga labi.

------------------------------
💗Sabi ko, twice a day akong mag-update. Kaya lang, di ko na po nagawa dahil sobrang hina ng data ko. Nakadata lang po kasi ako at wala po kaming wifi. 😁😁

💗But still, a million thanks po sa pagbabasa at pagsubaybay!

💗Keep safe everyone!

-LadyAkira

Continue Reading

You'll Also Like

812K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
42K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
183K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
9.2K 285 18
AshMatt fanfic